15 SERIOUS TALK
Next day...
Nagising ako sa tapik ni Ken.
"Mari...gising na...breakfast is ready...plus after 30 mins, your doctor will be here." he said smiling
Tiningnan ko siya...
"Nandiyan na si Mama?" tanong ko sa kanya...kailangan kong maligo... ayokong humarap sa doctor nang hindi ako nakakaligo.
"Wala eh...sabi ni Tita, mamayang hapon pa sila babalik..." sabi niya na seryosong naghahanda ng pagkain.
"Bakit pala ikaw ang nagbabantay sa akin? May pasok ka di ba?" sabi ko sa kanya na may halong pag-aalala.
"Wala akong pasok. I asked the dean na mag-le-leave muna ako para bantayan ka...naiintindihan daw niya"
Napabuntong-hininga ako ng malakas...
"Bakit? Ayaw mo ba na ako ang nagbabantay sa'yo? Gusto mo tawagan ko si Troy?"
Tiningnan ko siya ng masama...
"Gusto mong mamatay? Kung ayaw mo manahimik ka!" sabi ko sa kanya
"Eh sa linya ng tanong mo parang ayaw mo akong nandito..."
"Hindi naman sa ganoon Ken...it's just that...kailangan kong maligo..."
"Sus! Iyon lang naman pala! Eh ako na magliligo sa'yo!" sabi niya na confident.
"Baliw ka ba? Gusto mong kasuhan kita?"
"Sus! It's not like first time kong makikita ang katawan mo...nakita ko na iyan..besides ako lage inuutusan ng mama mo na linisan ka"
"What?!"
He smiled grinning.
"Alam mo Mari...your mother trusts me. Ikaw lang naman ang walang tiwala sa akin eh. Kaya nga siguro ayaw mo na sa akin ngayon because you don't want to trust me again..."
"Ooooops! I didn't mean to say that....scratch that!" dugtong niya.
"Too late para bawiin mo..."
and while I'm at it eh inuumpisahan na akong hubaran ni Ken and he did try his best na matabunan ang mga hindi niya pwedeng makita. Pinasok niya ako sa banyo..at habang naliligo ako ay nasa tabi lang siya inaassist ako.
"Hindi ko kayang pagkatiwalaan ka Ken..."
"I'm not looking Mari...kahit pa siguro sa akin ka humarap...makikita mong hindi ako sumisilip."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Takot na akong masaktan Ken."
Tumingin siya sa akin.
Pogsh! Hinampas ko ng tubig.
"Huwag kang tumingin!"
"Ikaw kasi eh...kung ano-anong sinasabi mo habang naliligo...sinabuyan mo pa ako ng tubig...gusto mo sabayan na kitang maligo?"
"Tumigil ka!"
"Pero seryoso ako Ken..."
And then he was silent.
"Hindi ako mangangakong hindi ka na masasaktan Mari kung bibigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon...kasi hindi ko naman alam kung ano ang mangyayari sa future...pero I can promise you na gagawin ko ang lahat para hindi kita masaktan intentionally..."
I was then silent.
"Gusto mo na si Troy bago ako dumating noon Mari. Alam kong magiging masaya ka sa piling niya...kasi biruin mo iyon noon crush mo lang siya...ngayon mahal ka na niya...."
"Nasaktan na ako Ken...mula noong naging sila ni Cher hanggang sa naghiwalay sila. Hindi niya ako napansin man lang and then there comes Julie. Kung kalian okay na sana sa amin ang lahat eh andoon naman siya sa ibang babae. Maybe it wasn't really love...he realized na kawawa ako kasi umasa ako sa kanya. But when you came napalitan mo na siya that's why when you left it was the most painful thing..."
"I wasn't able to apologize Mari. I'm sorry...very sorry kung iniwan kita noon. Ayoko sana pero wala akong magawa. Bata pa tayo at hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko dito sa PIlipinas plus the scholarship. Kailangan kong makatapos para sa ating dalawa."
"It's okay Ken...nabasa ko na ang sulat mo..."
"I wanted to tell you pero pinigilan ako ni Mama kasi baka hindi na ako sumama. Naghiwalay sila ni papa and I have to leave with her. Napaaga ang alis naming. Kaya nga I wrote the letter..."
"Okay na Ken...naiintindihan na kita. And I know it was selfish of me to demand...pero you didn't try to communicate. Ang sakit na umalis ka, hindi ka nagpaalam at hindi ka pa kumontak when you got there and for years I was trying to soothe myself kasi kailangan kitang intindihin. Troy was always there and I was glad kasi dahil sa kanya the pain was somewhat bearable."
"Wala akong panlaban kay Troy, Mari and now...tanggap ko na...kaya nga hahayaan na kita..."
And then we were both silent.
Natapos akong maligo.
Tinulungan niya akong magbihis.
Dumating si Doc.
Umalis si Doc and then we were silent again.
Hinanda niya ang pagkain ko since I wasn't able to eat kanina. And when he placed it in front of me hinawakan ko ang kamay niya.
"Please don't let me go Ken. Huwag mo kong ibigay sa iba. Please stay with me...I want to be honest now..."
"I LOVE YOU Ken! Mahal pa rin kita...and I've been trying so hard to deny na mahal pa rin kita kasi takot na akong masaktan..."
He smiled – immeasurable. Kitang kita ko ang saya sa mukha niya.
"I LOVE YOU SO MUCH MARI!" and then niyakap niya and kissed me sa lips.
"I'll always be here for you...always."
"Ei..pakakawalan pa ba kita? You've sacrificed a lot for me...plus ikaw pa nag-aalaga sa akin ngayon..?"
"Wait...huwag mong sabihing mahal mo ko kasi naaawa ka sa akin?!"
Hampas pok!
"Baliw! Eh gusto mo bawiin ko na lang?"
Niyakap niya ako ng mahigpit...
"Hindi! Huwag naman ganoon!"
"Aray! Ouch!"
"Ooooops! Sorry Love" and then lumayo siya sa akinng konti...
I FEEL LIKE THE WORLD IS BRIGHT AND SMILING.. :) This is good!
_)()#*(U($&UIJLN#O)_}_)_}!
There you go Lovers! Nakapili na si MAri? Paano niya sasabihin kay Troy? Ano na naman kaya problema sa lovelife niya? Hmmmm? Abangan sa next chapter!
Thanks for reading Lovers! Don't forget to vote and comment!
BINABASA MO ANG
Dearest First Love
RomanceDearest First Love, I never thought I'd always be thinking of you. You were the best thing that ever happened to me. I never run past a day not thinking about you nor regretting about how we end up separated. I have loved you and I still do. But som...
