Chapter 2

3.3K 107 24

Chapter 2

Katherine's Perspective

"AAHHHH!!"

Nagising ako sa malakas na tili napaupo agad. Nakita ko rin naman ang gulat at bagong gising na mukha ni Kenneth. Napatingin kami sa dalawang taong nasa may pintuan, sina Linds at Yna lang pala.

Napahawak ako sa dibdib ko. "Ano ba kayong dalawa. Kung makasigaw, wagas, eh ano?"

Nagsitakbuhan naman yung dalawa papalapit sa amin. At ang mga mukha. Nako! Alam ko na ang iniisip nito.

"So, how did it go?" tanong ni Linds at bakas sa mukha niya ang curiosty.

"Kath, masakit?" para namang naaawang tanong sa akin ni Yna.

Bumaling sila kay Kenneth. "Baka naman binigla mo! Lagot ka pag di nakalakad 'tong si Kath. Tsk tsk." Yna

"Oo nga naman, Kenneth. Tsk. Alam mo bang--," pinutol ko na ang kung ano mang sasabihin pa ni Linds.

"Guys!! Tumigil nga kayo." tinaasan ko sila ng kilay, "Hindi naman ako bibigay agad, ano. Excuse me."

Natawa si Kenneth, "Girls, if you may.. can you leave the room for a moment to prove someone," ngumuso sa akin, "Very wrong."

Nanlaki mata ko, "Kenneth!" pinalo ko braso. Natawa lang lalo yung dalawa. Nako nako. Bumeberde.

"Bahala na nga kayo dyan!" Bumangon na ako. 9:34AM na pala, at ang init init na agad ng ambiance. "Maliligo na ako kaya shupi na!" pagtataboy ko sa kanila.

"Sus! Baka naman.." panimula ni Yna at nagkatinginan sila ni Linds sabay tawa nang may malisyosong tono.

"Leche!" Iniwan ko na sila run at dumiretso na sa bathroom.

Ginawa ko na yung morning routines ko, pero syempre may special treatment ako sa sarili ko ngayon dahil nandito yung crush ko. Haha. De. Napatagal lang naman ako ng 13minutes more sa aking usual na pag ligo. Mahirap na baka ibreak ako dahil di ako mabango. Jokey jokey.

Pag tapos kong magbihis eh wala akong nadatnan na Kenneth sa kama. Bumaba na rin ako kaagad kasi gutom na, ayoko naman ng brunch at hindi uso sa'kin ang diet.

Naabutan ko naman silang nakaupo na sa harap ng hapagkainan at mukhang hinihintay makumpleto. Dito na rin nga pala natulog kasi sina Yna, Linds, at Nathan. Mga matrip eh. At ngayon nalaman ko kung bakit dito sila mga natulog, bukod sa reason na medyo gabi na natapos yung celebration kagabi.

"Boracay escapaaade!" maarteng sigaw ni Yna with matching Tenen-arm-gesture, "Makakapagrelax na rin ang face ko sa lahat ng madness na ituu." at ang babae ay humawak pa sa kanyang mga pisnge at nagdrama.

"Boracay? Hindi ba pwedeng.." sisingit sana ako eh.

"Ate, aarte pa." Lyka

"Tss."

Habang kumakain eh pinagusapan na nga yung plano. Syempre libre kami ng mga parents namin, as a graduation gift ba. Pero hindi raw sila kasama dahil ng works, sayang nga eh. Bonding sana ulit kaya lang sacrifice talaga. Tapos ayun, sa susunod na araw pala kami aalis. Ang bilis ano? Nagulat lang din kami, dati pa palang naplano 'to ng mga parents namin. Edi ayun, wala na pala talaga kaming magagawa sa venue. Ayos lang din naman sa Bora, ayoko nga lang magsunog ng balat.

"After nating kumain shopping tayo for the vacay!" sabi ni Yna.

"Mukhang may plano ka ah?" Linds suspiciously said.

"Wala ah! Bukod sa mag boy-hunt, wala naman. At maghanap ng kapalit kay Max? Wala talaga. Kaya. Magpapa-sexy. Ako!!" Madrama niyang sabi ni Yna, sabay tayo at nag-walkout.

Natawa na lang kami. Si Yna yan eh,madramang loka loka. Haha! Kaya para naman mahimasmasan ang kanyang bleeding heart eh nagpunta na nga lang kami sa mall. Sina Nathan at Max eh bibili rin ng mga gagamitin nila, sa men's section syempre.

"Kath, bagay kaya?" Pakita sa akin ni Yna ng isang black na swim wear. One-piece ito pero may butas sa magkabilang gilid. You get the idea.

"Uhh." ang tangi kong naireact. Hinigit ko si Linds at itinulak kay Yna, "Si Linds may comment! Ehe."

Eh kasi naman, hello, wala akong masasabi. Kahit ano naman yata eh bagay sa kanila ni Linds, mga sexy goddess eh. Dahil wala naman akong balak makipag fashion talk sa kanila eh naglibot libot na lang ako sa boutique. Nakakita pa ako ng panty na halos tali na lang. Susme! Ano ba yun! Ang mahal mahal tapos ganun? May magsusuot pa ba nun?

Napatingin ako sa tapat na store. Naks, jewelry. Nakaramdam naman ako ng pamumula ng pisngi. Rings. I saw rings, wedding rings. And who am I kidding? One of these days iha-haunt pa ako lalo ng wedding fantasies na yan.

Bago ko pa maituloy ang mga pagiisip ko, may naaninag akong familiar na silhouette. Teka, parang si...

"Uy, si Max!" biglang sigaw ni Linds na kabubulaga pa lang sa tabi ko.

"Nandito na pala ah. Bakit di manlang nagpapakita kay Yna?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kinaroroonan ni Max. Nanlaki ang mata ko.

"But more importantly; who is she?" tanong ni Linds. Sino nga ba ang kasamang babae ni Max sa loob ng jewelry botique na yun at mukhang nagsusukat pa ng singsing?

"Baka naman kaibigan lang?" sabi ni...

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nasa tabi na rin pala namin si Yna. Kinakabahan din ako because as a friend, I am also hurt. She's been strong and I admire her for that. Pero ito? Agh. Naiinis ako kay Max kasi agh! Obvious na kung bakit. At kinakabahan ako for Yna. Ayokong dumating sa point na mag-breakdown na talaga si Yna.. and worse baka magtuloy sa pagbabago niya. No one really knows what love can specifically do to people.

Kita namin ang bakas ng sakit at lungkot sa mukha niya. Sinubukan niyang magmukhang jolly at okay pero masyado nang dominant yung sakit kaya wala rin nagawa ang pagpapanggap niya.

"O kaya naman pinsan. Diba guys? Wag muna tayong mag-assume. E-hehe." sabi ni Yna, pinipilit pa niya ang pagbagsak ng mga luha niya, her voice is breaking, "Tara na! Baka nagugutom na sina Kenneth at Max," nagulat siya sa sinabi niya pero tinawanan niya na lang, "Nathan pala. A-haha! Tara." umuna na siya paglalakad at pagalis sa pwestong kita ang view ng walangyang si Max.

Ang awkward ng ambiance pag dating namin sa Yellowcab. Sinabi ko na kaagad kay Kenneth na nakita namin si Max, nagtanong na rin ako kung ano bang meron dun pero hindi rin niya alam eh. Ang sabi lang din niya sa'kin eh sumama nga si Max sa kanya kasi magpapakita sa parents niya, yun lang. Akala pa nga niya eh babalik yun dito agad.

Nawala ang katahimikan nang may nag ring na phone. Ewan ko, pero I'm glad na kay Yna yung call. At least kahit zero point zero zero zero one percent eh maddivert yung atensyon niya.

"Opo, sige. Uuwi na po. No, nagmall lang po kami. Bye. Love you too." ang tanging naging conversation nila ng kausap niya. Tumingin siya sa amin, "Ano, guys, uwi muna ako sabi ni mommy." ngumiti siya nang pilit, "Una na ako ha. See you na lang guys sa NAIA."

Tumango ako, nagsingitian naman din sila. Mga pilit nga lang.

"Sige. Ingat ka, Yna." sabi ko.

"Pahatid ka na kaya kay Nathan?" sabi naman ni Linds.

"Hindi, wag na. Para namang di ako marunong mag-commute. H-aha!" pilit na naman ang tawa niya.

"Sigurado ka? I don't mind naman, Yna." Nathan

"Ano ba kayo. Sige na. Babay!" ngumiti siya sa amin at umalis na.

"She didn't even finish her meal." Kenneth. Halos wala nga siyang nakain eh.

Hayyy, Yna.

___

[Chapter 3: (click the external link on the right side) http://www.wattpad.com/28844305-cupid-crisis-special-chapters-chapter-3]

Cupid Crisis Special ChaptersWhere stories live. Discover now