*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 20

 //

Daniel's POV 

Napakasaya ko ngayon. Si Alisha ang dahilan ng sayang nararamdaman ko ngayon. At last! Kami na ng bestfriend ko. Kami na ng babaeng pinakamamahal ko. Eto naman talaga ang pinapangarap ko. Dati ko pa talaga gusto si Alisha. Hindi pa man ako hinahabol ng mga babae, mahal ko na siya. 

Kagabi ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil nakasama ko. Napakasarap sa pakiramdam isama pa na pinapalibutan kami ng mga mapupulang rosas at mga ilaw na napakaganda sa paningin. Alam ko naman na hindi perpekto si Alisha, pero mahal ko padin siya. Kaya nagpapasalamat ako dahil mahal niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kaniya.

Napaupo naman ako ng biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto.

" Sino ba yan ? " tanong ko habang minumulat mulat ang aking inaantok na mga mata.

" Prince Daniel! Bumangon ka na! " si Allyssa lang pala. Nakakaistorbo siya sa aking pag alala sa mga nangyari kagabi. Nakakainis.

Tumayo naman ako at lumabas ng kwarto ko. Syempre si Allyssa agad ang tumambad sa akin. " Bakit ka nandito? " tanong ko.

" Tita said that I should watch you. Kaya ako nandito. " 

" Allyssa, malaki na ako. Hindi ko kailangan ng chaperone lalo na kung katulad mo lang ang magbabantay sakin. " sagot ko sa kaniya. Ayoko talagang nakikita siya dito.

" Tsaka stay away from that Alisha. "  sino ba siya para sabihan ako na lumayo sa girlfriend ko?

" No way. " mahinahon kong sagot.

" Si Tita ang may sabi. Sinasabi ko lang sayo. " pageexplain niya. Tama ba talaga ang narinig ko? Si Mama ang nagsabi na lumayo ako kay Alisha?

" Hindi pwede! " i shouted.

" Bahala ka. It for your own good Daniel. " 

" No. it isn't. Masaya ako pagkasama ko siya. Wala akong nararamdaman na sakit pag siya ang kasama ko. Unlike kapag ikaw ang kasama ko, puro sakit ng ulo lang ang dinadala mo sakin. " 

" Hey! Anong pinagsisigawan niyo diyan? " narinig kong sigaw ni Mama galing sa baba.

" Ma! naman kasi eh ... why would I stay away from Alisha ? " tanong ko.

" Because she's not good for you. Andyan naman si Allyssa. " sabay turo niya kay Allyssa. 

Nang makaratng ako sa school, sakto naman ang bell. Akala ko malalate na ako. Nakakainis naman kasi sa bahay. Nakikipagtalo kasi talaga si Mama sakin about kay Alisha.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!