81: Closing time

2.8M 61K 27.5K
                                    

JEYDON

"Young Master, gising na po."

Ilang beses ko bang sinabi sa kanilang huwag nila akong gigisingin? Sinabi ko nang ayokong um-attend ng graduation.

"Young Master, tanghali na po. Baka po hindi kayo makapag-ready mamaya sa graduation n'yo."

Isa pa talagang panggigising sa 'kin, sisigawan ko na siya. Kahit si Sunny pa 'yon o si Yaya Grandma.

"Gumising—"

"Yah! Wanna die?!"

Bigla na lang may bumato ng unan sa ulo ko. Lintek! Sino ba 'yong Ponsyo Pilatong may lakas ng loob na batuhin ako ng unan?! Ginulo pa niya 'yong masarap kong pagtulog!

"Kailan mo pa ako sinigawan, ha?!"

Nanlaki 'yong mga mata ko noong nakita ko siya. Anong ginagawa niya rito?

"Yah! Get up!"

"Noona naman, e!"

Nilapitan niya ako tapos binatukan niya ako nang malakas. Psh! Amazona talaga siya, wala akong panama.

"Bakit ganyan ka sa 'kin? Parang hindi mo ako love, ah." Magpapaawa-effect sana ako kaso tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi lalapit sa 'yo 'yong diploma mo, kukunin mo 'yon. Tatayo ka ba o tatayo ka?" Nagbigay pa siya ng choice, hiyang-hiya naman ako. "Ano bang pinaglalaban mo riyan?"

"Sabi ko kasi kay Candice, pupunta lang ako sa graduation kapag hindi na siya pupunta ro'n sa Korea."

Kung kanina, malakas 'yong pagbatok niya, sobrang lakas na no'ng sumunod. Minsan, naiisip ko, ang sweet ng ate ko kaso masyadong pisikal 'pag nagalit. Medyo bad girl lang.

"Ano?! That is so unfair and selfish, Jaydee!" Pinagpapalo niya ako ng unan. "Get up! Nasa labas si Candice!" Inis na inis siya sa 'kin. Pero teka, bakit nasa labas si Aso?

Napatayo ako bigla. Hinila ako ni Noona pabalik bago pa ako makalabas ng kwarto ko.

"Jaydee, huwag mong i-blackmail si Candice. Utang na loob lang. Hayaan mo siya kung sa Korea niya gustong mag-aral."

"Then let me study there!" Binato niya na naman ako ng unan. Noona, may galit ka sa 'kin? "Oo na! Hindi na pwede."

Unfortunately, I couldn't study in Korea. It was my dad's decision, and I couldn't do anything about it. Bakit kasi lahat ng pera ko, hawak ni Dad? Pera ko nga pero hindi ko naman magamit. Bad trip talaga. Obvious naman 'yong dahilan niya kaya hindi niya ako pinayagan kasi alam niyang si Candice 'yong susundan ko sa Korea. Nagsasaya na siguro siya kasi magkakalayo kami ni Candice.

"You win, Dad," bulong ko sa sarili ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko, ayokong paghintayin si Candice. Hindi ba siya pupunta ng graduation? Wait, does it mean na kaya siya nandito kasi sinusundo niya na ako? Hindi na siya pupunta sa Korea? Sasabihin niya na, "Hubby, hindi na ako pupunta sa Korea. Tara, punta na tayo sa graduation." Wahaha! Effective pala 'yong sinabi ko. Na-excite tuloy ako bigla.

"Wifey, sinundo mo pa talaga ako rito, ah. Ano, tara na sa graduation?"

Hinarap niya ako. Blank face lang siya, hindi ko mabasa 'yong nasa isip niya.

"Hubby, tuloy pa rin ako sa Korea..."

"Mali pala ako. You'll still go." I walked closer to her, then I hugged her. I hugged her tight, I didn't want to let her go.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon