The Revenge of Lia

89K 633 97

Author's Note:

Bago po tayo tumahak sa saaking storya. Nais ko lang pong ipaalala sa inyo na itong story na ito ay KATHANG ISIP ko lamang po. Pero may mga sinisingit din akong nangyari sa totoong buhay ko.

Guys, sana magustugan n'yo 'to. Kasi, first time kong gagawa ng storya dito sa WATTPAD. Dati kasi ayaw na ayaw kong magbasa. Kasi para bang ang boring boring at nakakatamad.

Pero nung sinubukan kong mag basa ng isa. ABA! ang ganda pala magbasa ng story sa wattpad! Nadadala ka sa sa pag-takbo ng mga storya. At nakaka-relate din ako. At 'yun na nga, naadik na nga ang LOLA nyo hahaha!

Kaya naman naiisip kong gumawa din ng storya. kaya ito na.

Enjoy!

----------------------

(PROLOGUE)

 

NAKAYUKO akong nag lalakad papuntang palengke, at 'to nanaman ang mga bulong-bulungan ng mga tao dito.

"Ayan na naman 'yang babaeng kasuklam-suklam ang itsura!"

"Oo nga! Ang lakas pa nang loob lumabas ng bahay. Kapag ganyan ang itsura ko ay naku! itatago ko nalang sa loob ng bahay!!"

"Oo nga... HAHAHAHA! Grabe, bakit ganyan itsura niyan? Nakakadiri!!"

"Hoy kayo! Hindi naman kayo inaano nung babae, kung makapang lait kayo sobra!"

"Palibhasa may pag kakahawig kayo! HAHAHA!"

Palagi nalang ako pinag kakatuwaan ng mga tindera dito sa palengke. Wala naman akong ginawagawang masama sa kanila. At syempre ito naman ako, walang imik. Ala e, sanay na ako sa mga pang lalait nila. At saka wala kayong magagawa. Duwag e, as in super duper duwag!

Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa sa itsura ko. Para  kasing dinilubyo itong itsura ko.

BUHOK - napaka-kapal at super kulot pa.

MUKHA - Tad-tad ng tagyawat.

KILAY - Mag-kasalubong at super kapal pa.

ILONG - Dapang-dapa sa kapanguan.

At ang pinaka powerful sa lahat.

SKIN - Grabe, tila ata mag kakulay kaming nang uling. As in parang ULING TALAGA. Napaka itim ko sobra. Nag mana ako sa father ko. Maitim at super kulot din ang buhok. Pero, take note a, hindi kami ITA, Talagang ganitong lang ang itsura, tila kami mga taga bundok.

Pero an pinag tataka ko, bakit maganda ang mommy ko? Alam n'yo kasi, maputi siya, matangos ang ilong, straight ang buhok at talagang maganda.

kaya nga minsan sinasabihan ako na ampon daw ako. Kaya kapag sa school, si daddy ang nag attend saakin tuwing sinasabitan ako ng medal. Hindi ko na pinasasama si Mommy dahil ako ang nahihiya tuwing kasama ko siya sa school. Oo, 'yung iba, proud na maganda ang Mommy nila. Pero ako ibahin nyo ako. Nahihiya akong kasama ang maganda kong Mommy, dahil sinasabihan lang ako ng mga stupident na ampon daw ako. Sabi pa nga nang iba, Muka daw akong katulong ng mommy ko.

The Revenge Of Lia (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!