My Binondo Girl After Two Years Chapter 3

9.5K 53 10
  • Dedicated kay Superfanmom

  Chapter 3

Ten minutes past 10 PM na dumating si Andy galing ng trabaho. Dumeretso na ito sa silid nilang mag-asawa. Naabutan niya si Jade na nanonood ng television samantalang ang anak nila ay mahimbing na natutulog sa crib na katabi ng kama nila.
  "Hi Babe, nandiyan ka na pala. Kumain ka na ba? Halika ipaghahain kita," masayang salubong na sabi ni Jade sa asawa.

   "Okay lang ako, nag-dinner na ako kanina, Babe. I'll just take a shower first," nakangting sabi nito sabay halik sa pisngi ni Jade na may halong gigil.

"Sarap ng tulog ng princesa ko," ani Andy habang nakasilip sa crib ni Sapphire.

"Sige na, mag-shower ka na tapos mag-snack na lang tayo. Para kasing nagugutom ako."

"Okay ang snack tapos dessert dito ha?, pilyong ngiti ni Andy.

"Anong dessert ang pinagsasabi mo diyan," nakairap na ganti ni Jade. "Ay tama, may ginawa si Nanay na fruit salad, pwedeng dessert mo iyon," anito sa pinakamalambing na boses.

"Hmm, ibang dessert ang type ko ngayong," bulong nito sa kanya.

"Ano ka ba?" sabay hampas nito sa balikat ni Andy. "Baka magising ang anak mo, ano?"

"Baby pa naman iyan, Babe," tutol nito.

"Ikaw talaga, Andy. Maligo ka na nga para makakain na tayo sa baba. Kung ano't ano ang iniisip mo diyan."

  Nangingiting napailing na lang si Andy sa tinuran ng asawa. Pumasok na ito sa banyo para maligo.

   Matapos nilang mag-snack ng chicken sandwich at orange juice ay pumanik na silang mag-asawa sa kuwarto.

  "Kumusta nga pala iyong ino-organize ninyo na birthday party for Sapphire? Less than a week na lang iyon, Babe," tanong ni Andy. 

  September kasi ang birthday month ni Sapphire. Honeymoon baby nila ito dahil ipinanganak ito nine months pagkatapos ng kasal nila noong December 2012.

  "Okay na, huwag kang mag-alala dahil ang daming tumutulong sa akin. Si Nanay, La Amor, si Mama. Si Mama na raw ang bahala sa mga entertainments." They decided to do the children's party at their huge garden at the back of the house. Nag-hire ng party planner si Mama Menchu para may theme na princess ang birthday party. Si Edison naman ay nag-hire ng mga clowns at magicians para sa paboritong apo. Si Amethyst ang nag-design ng dalawang gown nitong isusuot.

  "At saka alam mo ba, tumawag si Papa chen sa akin kanina, uuwi raw sila from China para maka-attend ng party ni Sapphire," masayang kuwento ni Jade. Si Papa Chen at Jean Sy ay kasalukuyang nasa China para dumalaw sa mga kamag-anak ni Chen.

  "Talaga, mabuti. Siguradong magiging masaya ang party ni Sapphire," tugon ni Andy.

  "Excited na nga ako, Babe. First birthday ni Sapphire tapos lahat tayo magkakasama uli. Nag-promised na rin si Onyx kanina, pupunta raw sila ni Annie.

  Nakangiti lang na nakatingin si Andy sa asawang excited na nagbibida. Hindi iisang beses na nagpapasalamat siya sa Diyos na nabigyan siya ng second chance ni Jade pagkatapos nilang mag-break noon. Hindi siya sumuko sa pagmamahal niya kay Jade kahit na minsan ay pinaghihinaan na siya ng loob. Masyadong matigas noon si Jade. Puro rejections ang inaabot niya dito. Sa bandang huli ay lumambot din ito sa kanya.

  "Jade..."bulong ng lalaki habang nakatitig sa mga mata niya. Unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa kanya.

  "A- Andy,"  sambit niya sa mahinang tinig. Para siyang nahihipnotismo ng magaganda at nangungusap na mga mata nito. Mga matang tila nag-aanyaya sa kanya.

  "Jade, I love you so much..." anas nito. Ang paraan ng pagsambit nito sa pangalan niya ay tila may kapangyarihang magpawala sa kanyang sa katinuan.

  Pagkuway's tinitigan nito ang mga mata niya. Hinawakan siya sa baba. Napapikit na lamang siya hanggang madama niyang sakop na ng mga labi nito ang kanyang mga labi. Naramdaman niya ang mahigbit na mga yakap nito. Patuloy ito as mainit na paghalik. Damang-dama niya ang pagmamahal ng asawa. At ito'y sinuklian din niya ng mainit na pagmamahal.

  Nagising silang mag-asawa kinabukasan sa iyak ni Sapphire sa crib. Nakaupo ito sa crib habang umiiyak. Dali-dali bumangon si Andy para puntahan ang pinakamamahal na anak.

  "Tahan na, Princess. Ito na ang daddy, " alo nito sa bata. Kinarga nito ang anak at parang milagrong bigla rin itong tumahan sa pag-iyak. Hinila nito ang buhok ni Andy habang humahagikgik sa tuwa. "Pilya ka ha," sabay pinanggigilan ni Andy ng maliliit na halik ang bata. Lalo itong humagikgik. Tuwang-tuwa si Jade habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ama. Napaka suwerte talaga niya sa buhay. Inilapag ni Andy si Sapphire sa gitna ng kama nila para makasama si Jade sa bonding nilang mag-ama.

  "Princess, gusto mo ba ng baby brother or sister?" nakangiting tukso ni Andy sa anak.

  "Hoy, ano ka ba? Baby, sabihin mo nga sa daddy mo na ayaw mo pa. Kailangang bumalik na ni mommy sa office."

  "Jade, I think it's better if you just extend your leave para matutukan mo pa si Sapphire," seryosong sabi nito.

  "Andy, almost two years na akong leave. Mula noong second trimester of pregnancy ko ayaw mo na akong magtrabaho," tutol nito sa asawa.

  "Jade, pag-two years old na lang si Sapphire, please. Well manage naman ang Twin Dragons. Si Nanay, Mama at  Papa ay very active naman hanggang ngayon."

  "Okay, pero promise mo ha pag nag-two si Sapphire babalik na ako uli," nakikiusap na sabi nito kay Andy.

  Magsasalita pa sana si Andy nang biglang inagaw ni Sapphire ang atensyon ng magulang sa pamamagitan ng pag-gulong sa kama.

  "Halika nga dito," binuhat uli ni Andy ang anak. "Ibababa ko muna si Sapphire para mapakain na ni Annika. Matulog ka kaya muna uli, alam ko puyat ka," sabay kindat kay Jade.

  Ginantihan ni Jade ito ng ismid. 

*******Please follow me on Twitter @gidgetwitty for updates on coming chapters. Thanks.