Chapter Three

164K 4.4K 414
                                    

Eviana

-------

Naglalakad ako sa hallway papunta ng room naming para kunin ang mga gamit ko, pero lahat ng estudyanteng nadadaanan ko ay nagtatawanan. Kung dati ay pinag-uusapan na'ko, mas grabe ang atmosphere ngayon. Parang may bagong katatawanan nanaman silang nakikita sa akin.

Pumunta ako sa CR at laking gulat ko nang maaninag ko sa salamin na may papel na nakadikit sa likod ko na nagsasabing 'pangit ako, huwag tularan'.

"Anak naman ng tipaklong, oh!" Napasigaw ako sa sobrang inis. Kaya pala grabe kung maka-tawa sila sa akin. Marami akong puwedeng mapag-bintangan kung sino ang gumawa nito, pero isa lang ang naiisip ko. At kapag nakita ko siya, susuntukin ko siya ng malakas hanggang sa siya naman ang pumangit.

Inalis ko nalang ang papel at agad na itinapon 'yon. Dahil siguro sa inis at hindi ako nakakain ng maayos kanina, ginutom ako. Nagdesisyon akong pumunta sa canteen, para mag-tingin ng makakakain.

Habang naglalakad patungo sa canteen, nahagilap ng mata ko ang may-ari ng café na pinagta-trabahuan ko. Hindi ko alam bakit dinalaw ako ng hiya, kaya nagpasya akong mayback out sa canteen, ngunit bago ako maka-alis. Patakbo na siya palapit sa akin.

Bakit ba kasi ang dali kong ma-recognize?

--------

"HELLO, Eviana!" masigla niya kong binati, kaya wala akong nagawa kung hindi ang harapin siya at ngitian.

"What's wrong? Are you sick?"

"No, sir. Siguro pagod lang ako and stress na rin ng konti."

"Then you should eat. Hindi dapat nagpapalipas ng gutom. It's either mahihilo ka or sasakit ang sikmura mo." Tumango-tango naman ako.

-------

"Large, please. Thank you." Hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng canteen at nag-oorder na siya ng pagkain.

Anong nangyari sa'kin? Paano--- na-hipnotize ba ako? Member kaya si Sir ng budol-budol gang? Napaka gwapo at bait naman niya for that..

"Sit here." I mouthed thank you and he just smiled. Umalis siya at pagbalik niya, may dala-dala na siyang tray na puno ng pagkain. Natakam tuloy ako.

"Uhhh, sir? Is this for us?" mahirap mag-assume.

"Nah," ouch. "Sa'yo lang yan. I ordered that just for you, so please finish all of it if you can, para hindi ka mamutla or mahilo." Sorry, pero kinikilig ako. How can he be so hot and cute at the same time? He's killing me...

"Kumain na ako." Sabi niya nang mapansin niyang titig na titig ako sa kaniya. Kung alam niya lang kung ano ang iniisip ko.

"Sir, mahihiya akong kumain kapag hindi ako ang nagbayad. Magkano lahat, sir?" kinuha ko ang waller ko, pero agad niya akong pinigilan.

Bawat taong dumadaan ay napa-patingin sa direksyon namin ni Sir...

"Sir? May I ask what's your name?" kinapalan ko na ang mukha ko.

"I'm Jaeo... at your service" atsaka siya pabirong kumindat. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi makalaglag panty ang charms ni Jaeo.

"Sir Jaeo... Anong ginagawa niyo dito sa school? 'diba may-ari ka na ng café?" natawa siya sa tinanong ko.

"I'm still studying. 'Yung Dad ko ang pumilit sa akin na i-take charge ang café... For experience, maybe." He's so independent. That's.... so... manly...

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon