Kabanata 8

220K 3.3K 167





Kabanata 8




Kaagad din akong nakabawi sa titig na ibinibigay niya saakin ngayon, pabiro kong sinampal ang pisngi niya saka itinulak ko siya palayo saakin!




"Ang galing mo ring mambola ano?" Mahinang sabi ko saka tumayo na ako. Ano bang nangyayari saakin?! Pwedeng pwede naman akong lumabas ng lintik na kwarto na 'to pero bakit hindi ko magawa?!




"Hindi naman kita binobola eh. Malay ko dun. Sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin." Aniya saka tumayo na rin, hindi na kami makatingin sa isa't isa, para bang pasong paso kami dahil sa nangyari kanina. Paano ba naman kami hindi mapapaso eh nag aalab siya! Oh no! Rated spg?




Teka nga, sinasabi niya lang ang gusto niyang sabihin?!




"H'wag mong sabihing may gusto ka saakin?!!" Sigaw ko sakanya saka tinignan ko ang mukha niya! Halata namang nagulat siya!




"A-ako?! May gusto sayo? Best friend--"




"Best friend best friend ka pa diyan, wagas ka kung makahalik.. Manang mana ka sa mata mo, malabo." Bulong ko saka mabilis na naglakad patungo sa pintuan.




Sa wakas! Nakalabas na rin ako ng kwarto niya! Grabe lang yung heater dun ha! Ngayon ko lang napansin na iisang floor lang pala ang kwarto namin.




"Kei Marie!" Narinig ko nanaman ang pagtawag niya sa pangalan ko, hindi ba siya nagsasawa sa kaka-Kei Marie niya?!




"Ano?!!" Sigaw ko ng hindi humaharap sakanya!




"Masarap ka talagang halikan!!" Sigaw niya! Halos lumuwa ang mata ko dahil sa isinigaw niya! Napatingin naman saakin ang dalawang mag-boyfriend na kasalubong ko! Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto namin ni Mateo at nilock na iyon.




Napasandal ako sa likod ng pintuan at hinawakan ang labi ko.



"Ang tanga mo Marie..pumapatol ka sa bata?" Bulong ko sa sarili ko.




"Saan ka galing?!!" Napapitlag ako ng marinig ko ang nakakabinging sigaw ni Mateo! Mabilis akong lumapit sakanya sa kama, namumungay ang mata niya dahil sa alak.




"Ikaw ang saan galing! Sabi mo mag-c-cr ka lang, eh mukhang iniwanan mo na ako doon." Reklamo ko sakanya.




"Hoy girl, hindi kita iniwan. Pagbalik ko dun kanina wala ka na! Echuserang 'to, akala ko nga nandito ka na yun pala waley ka pa rin.. Umamin ka kanino ka nakipag-chukchakan?!" Sigaw niya saakin habang nakatutok sa mukha ko ang point finger niya! Hinawi ko naman yon at binatukan ko siya.




"Gaga! Hindi ako nakipag-chukchakan!" Natatawang sabi ko sakanya..




"Sus..hindi daw, pero ang tshirt na suot amoy gwapo..matulog na nga tayo, maaga pa ang uwi natin bukas.."




Halos manlaki ang mata ko ng maalala kong suot suot ko ang tshirt ni Drake. Geez, kadiri suot ko yung damit ng manyak.




"Haaay ang init init talaga!" Reklamo ni Mateo pagkalabas na pagkalabas namin ng airport, back to Manila na kami, madaming trabaho nanaman ang sasalubong saamin, magrereport pa kami sa Daddy ni Rica tungkol sa na-i-close naming deal.




Nag aabang na kami ng taxi dahil pareho kaming wala pang kotse, di bale malapit ko ng makuha yung kotseng pinag iipunan ko! Napapitlag kaming pareho ng may magbusina sa harapan namin! Tinted ang sasakyan nito, pero alam ko kung kanino yon. Ferrari 458, alam kong isa lang ang kakilala kong mayroon non.




"Aba't napakayabang nito ha!!" Sigaw ni Mateo saka lumapit dun sa tapat ng driver seat at kinalampag ang bintana nito!




"Hoy! FYI sakayan ito ng taxi! Nagkakamali ka ng tini--" Natulala si Mateo ng ibaba ni Drake ang bintana ng kotse niya.




"Okay lang bang ako na ang maging taxi niyo?" Nakangiting sabi niya saka tinignan ako, inirapan ko naman siya.




"Ay teh..si Mr.Pandy.." Nanginginig na sabi ni Mateo.



Pandy?? Pagtataka ko..




"Pandy?" Natatawang tanong ni Drake.




"Pandesal..ang yummy..ah este!!" Sigaw ni Mateo ng kurutin ko siya sa tagiliran niya! Hinila ko na siya at naglakad palayo don!




"Teh! Ano ba! Grasya na ang lumalapit saatin! Bakit mo tinatalikuran?!" Sigaw nitong baklang 'to!




"Hindi siya grasya! Disgrasya siya!!"



"Pero teh! Ang yummy!"




Sunod sunod na pagbusina ang narinig ko! Nakakabingi! Hinarap ko siya!




"H'wag ka ngang sumunod!!" Sigaw ko!! Saka naglakad na ulit!




"Kei Marie!!" Yan na nga ba ang iniiwasan ko! Ang tawagin niya ako sa harapan ni Mateo! Sigurado ako magwawala 'tong bakla na 'to kapag iniwasan ko pa si Drake!




Mabilis na hinila ni Mateo ang kamay niya saakin!




"Marie!! Kilala ka niya?!!"




"Hin--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may ibinato si Drake sa mukha ko! Bastusan ba 'to?!! Mabilis kong hinila yung binato niya at tinitigan siya!




"Bakit ka nambabato?!!" Sigaw ko sakanya! Ngumisi naman siya saka bumaba ng sasakyan niya at lumapit saamin, hindi naman mapakali 'tong si Mateo!




"Sa tingin ko kasi sayo yan.." Nakangising sabi niya, napatingin naman ako sa hawak hawak ko, at nanlaki ang mata ko ng makita kong ito yung see through ko na papalda!




Hinablot naman ni Mateo saakin yon!




"Girl..sayo nga 'to.."



Namula ang mukha ko..at halos tusukin na ako ng mga titig niya saakin.




"Pa-paano napunta sayo yan?!!" Sigaw ko sakanya! Tumawa siya! Yung tawang nakakaasar pero sobrang sexy talaga! Dammit!




"Magaling na ba akong humalik Kei Marie kaya hindi mo namalayang natanggal ko kagabi yan?" Nakangising sabi niya! Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya! Ganun na siya kabilis?! Ni hindi ko manlang naramdaman na natanggal niya yon?! Manyak talaga!! Sasampalin ko sana siya pero hinila niya ang kamay ko at pilit akong pinagtulakan sa loob ng kotse niya at kinabitan ng seatbelt! Tuwang tuwa namang sumunod si Mateo saamin!




At bago pa niya paandarin ang sasakyan niya tinignan niya muna ako saka kinindatan! Pota talagang dimple yan!




"Ughhh!!!" Naiinis na sigaw ko! Pero tumawa lang silang dalawa ni Mateo, tinitigan ko ng masama si bakla mula sa rear mirror na kaagad namang nag iwas ng tingin saakin at tumawa ng tumawa!




Tinignan ko naman si Drake na ngayon ay nagmamaneho na, ang gwapo niya lang tignan.. Lalaking lalaki maging ang upo niya sa driver seat at ang paghawak niya sa manibela.




"Gutom ka ba sweetheart?" Biglang tanong niya!




"Hindi ako gutom!" Pagsusungit ko.




"Talaga? Kung titigan mo kasi ako parang nagugutom ka." Natatawang sabi niya! Dammit! Ang yabang niya!




"Hindi ka nakakagutom!!!" Sigaw ko!




"Dahil nakakabusog ka!" Biglang sigaw ni Mateo sa likod dahilan para humalakhak ng pagkalakas lakas itong si Drake!




"You know what? I like you!" Sigaw ni Drake kay Mateo, nanlaki ang mata ko!




"Bakla ka?!!" Sigaw ko sakanya!




"Hahahaha! Sweetheart, hindi ako bakla, gusto ko lang yung personality niya. Kaibigan ka ni Kei Marie?" Tanong niya kay Mateo, nakatuon pa rin ang mga mata niya sa kalsada.




"Yep! Two years na kaming friends! Partner kasi kami sa trabaho!" Masiglang sabi ni Mateo.




"Mabuti naman at may naging kaibigan ka nung wala ako." Seryosong sabi niya, nanlaki ang mata ko.




"At sa tingin mo hindi ako friendly?!!" Sigaw ko!




"Hahaha! Hindi naman sweetheart, pero sa ugali mo kasi hindi na ako magtataka kung walang tumagal sayong kaibigan, kung magmura ka kasi ak--" Mabilis ko siyang binatukan!! Pero tinawanan niya lang ako!




"By the way dude? Anong pangalan mo?" Inayos pa ni Drake ang rear mirror para makausap ng maayos si Mateo.




"Duh, I'm not a dude.. Chick ako noh! Call me Thea!" Sht! Thea?! Mathea?! Kaartehan nitong baklang 'to!




"Alright Thea, pwedeng magtanong?" Seryosong sabi niya.




"Sure Mr.Pandy!!" Masiglang sagot ni Matheo saka lumapit pa talaga sa gitna namin!



Napatingin saakin si Drake, bigla siyang napailing.




"Mamaya nalang.." Natatawang sabi niya.



"Oww, mukhang confidential yan ah.." Pang aasar ni Mateo, oh edi sila na! Mga bakla! Kainis.




"Ay! Mr.Pandy! Pwede ba pakihatid kami sa Go De Perfumé Company? Kailangan kasi naming makapag report kaagad!"




"Sure." Sagot niya.




Pagkadating na pagkadating namin sa tapat ng Company bumaba na kaagad kami ni Mateo! Sigurado ako naghihintay na ang boss namin sa office niya. Pero biglang tinawag ni Drake si Mateo.




"Ay! Oo nga pala may itatanong ka! Sige na girl mauna ka na sa loob!" Natatawang sabi saakin ni bakla, tinignan ko siya ng masama.




"Don't worry sweetheart, para saatin din 'to." Nakangising sabi ni Drake.




"Bwisit! Magsama kayo! Pareho kayong bakla!!" Sigaw ko!




"Watch your words sweetheart. Baka pagsisihan mong sinasabihan mo akong bakla." Pagyayabang niya saakin.



"Tse! Bakla ka! Bakla!"




Napailing siya dahil sa pang iinis ko, bumaba siya ng kotse niya at akmang lalapit saakin pero hinampas ko siya ng shoulder bag ko!




"See? Takot ka Kei Marie, baka mamaya hindi mo nanaman namamalayan nawalan ka nanaman ng isang damit." Pang aasar niya!




Halos mag init ang mukha ko ng ipaalala nanaman niya kung paano niya natanggal ang see through ko! Inirapan ko nalang silang dalawa ni Matheo saka tumakbo na ako papasok ng company! Mga bwisit talaga! Si Matheo naman nakakita lang ng gwapo iniwanan na ako sa ere! Anong klaseng kaibigan ba siya?! Nakakainis!




"Ms.Gonzales! Kanina ka pa hinihintay ni Mr.Go sa office niya! Yung mga papers daw!" Hiyaw ng secretary ni Mr.Go ng makasalubong ako!




"Heto na nga diba?! Hindi lang makapaghintay?!!" Naiiritang sabi ko.




Sumakay na ako ng elevator, at pagkadating na pagkadating ko sa office ng boss namin ipineresent ko na kaagad yung deal na na-iclose namin ni Matheo, makakapag export na kami ng mga Perfume sa Thailand at Singapore. Ibinigay ko na rin yung mga papers na pinirmahan ng mga investors at mga dapat pirmahan ni Mr.Go.




Mahigit dalawang oras din ako sa loob kaya naman sobra sobrang pagkainis ang nararamdaman ko kay Matheo dahil hinayaan niya akong mag isa na magreport kay Mr.Go! Pagkalabas ko ng company nakita kong nakatayo si Drake sa gilid ng sasakyan niya habang nakahalukipkip at titig na titig saakin. Isa pa 'tong lalaki na 'to, nakakabwisit siya, hindi lang talaga itsura ang nagbago sakanya, maging ang pag uugali niya, alam ko ang OA na pero masisisi niyo ba ako? Nakilala ko siya bilang isang mapagmahal na lalaki sa dating girlfriend niya at napaka inosente sa lahat ng bagay, well except sa pag iinom na alam ko namang matagal na siyang adik sa alak.





Pero ngayon wala na, wala na sa mukha niya yung mapagmahal na siya, wala na sa mukha niya na inosente siya. Para bang lahat ng bagay nasubukan na niya sa loob ng dalawang taon. Nakakalungkot lang isipin na ang kaisa isang itinuring kong best friend na lalaki eh katulad na rin ng ibang lalaking na-encounter ko. Akala ko iba siya. Pero naging katulad lang din siya ng iba na mahilig makipag laro.





Nilagpasan ko na siya, pero tinawag niya ako ng pagkalakas lakas! H'wag mong pansinin Marie.. Pero mukhang hindi ako titigilan nitong gago na 'to dahil hinarangan niya ang dadaanan ko!




"Iniiwasan mo ba ako?!" Tanong niya saakin ng pasigaw.




"H'wag mo akong sigawan!" Naiinis na sabi ko sakanya, pagod ako sa biyahe at pagod din ang utak ko sa report ko kanina kay Mr.Go kaya wala ako sa mood makipag lokohan sakanya!




"Sorry.." Paumanhin niya, tinaasan ko siya ng kilay.




"Okay. Umalis ka na sa harapan ko, gusto ko ng magpahinga."




"Ihahatid na kita." Anyaya niya.




"No thanks. Marunong akong mag commute." Naiiritang sabi ko sakanya, para namang nadismaya siya dahil sa walang ganang sagot ko.




Napansin kong huminga siya ng malalim.




"Alright, I'm sorry Kei Marie.. Alam kong ako itong hindi tumupad sa usapan natin na maghahanap tayo ng taong magmamahal saatin ng totoo.. Pero nahirapan kasi ako." Paliwanag niya, I crossed my arms at mariin ko siyang tinitigan sa mata, nakipagtitigan din siya saakin, ganun pa rin sobrang lalim ng titig niya saakin na para bang lalamunin na niya ako. Parang napuno ng sensiridad yung mata niya na ngayon ko lang nakita.




"Hindi ka pa rin nakaka-move on sa ex mo?" Tanong ko sakanya. Umiling iling siya.




"And then what?! Trip mo lang?! Trip mo lang makipaglaro sa babae?!" Hiyaw ko sakanya! Pero hindi niya ako sinagot kaya naman itinulak ko na siya at akma akong aalis sa harapan niya pero hinila niya ang kamay ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat, saka tinignan sa mata!




"Naghanap ako Kei Marie! Pareho tayong naghahanap ng taong magmamahal saatin at mamahalin natin ng totoo!! Yun nga lang ikaw yung nahanap ko!!" Sigaw niya! Halos lumundag ang puso ko sa isinigaw niya, kinabahan ako.. As in natakot ako, bakit? Best friend ko siya at hindi tamang marinig ko sakanya ang mga yan.




Umiling iling ako..




"Akala mo lang yon Drake.." Bulong ko, nagkakamali lang siya.




"Hindi Kei Marie..mahal kita. Alam ko ang gago pakinggan pero tangina natalo ng first kiss ang love at first sight!!" Sigaw niya saakin! Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko, yung mga mata niya nangungusap na parang totoo talaga ang mga sinasabi niya. Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko, hinawakan ko ang kamay niya at umiling iling ako.




"No Drake..marami k--"




"Oo! Marami nga Kei Marie! Sa sobrang dami ko ng nahalikan ikaw pa rin yung gusto kong halikan! Yung labi mo pa rin yung hinahanap ko! Bakit ba ayaw mong maniwala saakin?!!" Ma-awtoridad na sigaw niya saakin, mas lalo akong kinakabahan dahil puno na ng pangamba ang boses niya, at pinagtitinginan na rin kami ng mga taong dumadaan. Itinulak ko siya!




"Naguguluhan ka lang Drake." Suway ko sakanya saka naglakad na ako!




"Naguguluhan?! Kei Marie sabihin mo nga saakin bakit sa lumipas na dalawang taon ikaw lang yung nasa isip ko!" Sigaw niya, nakatalikod na ako sakanya ngayon. Natatakot ako sa mga sinasabi niya, ramdam ko yung sensiridad sa boses niya pero iba pa rin yung nakita ng mga mata ko.




"Nababaliw ka na Drake, epekto lang yan ng pambababae mo."




"Yes. Baliw nga siguro ako. Epekto ng isang Kei Marie ang kabaliwan ko ngayon."


*****

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!