CHAPTER: 5 (PRIME)

200K 6.2K 1.2K
                                    

First day of school...

NAKANGITING pinagmamasdan ni Check ang kabuuan ng Prime University mula sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKANGITING pinagmamasdan ni Check ang kabuuan ng Prime University mula sa labas. Manghang-mangha siya sa itsura noon kaya napatigil talaga siya sa kanyang paglalakad para ilibot ang kanyang paningin at mapagmasdan iyon ng mabuti.

 Manghang-mangha siya sa itsura noon kaya napatigil talaga siya sa kanyang paglalakad para ilibot ang kanyang paningin at mapagmasdan iyon ng mabuti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa tanghali pa ang pasok ng mga college students kung kaya't hindi nagkasabay ng pasok si Check at ang kuya niyang si Xyro. Sayang at gusto pa naman niyang magpatulong dito na libutin ang ilang mga importanteng parte ng Prime University.

"Ang ganda talaga! Mukhang matagal ng naitayo ang school na 'to."

Muntik ng mawalan ng balanse si Check nang bahagya siyang natabig ng isang nananakbong lalaki na basta na lang sumulpot sa kanyang harapan.

Sumimangot si Check. Bulag ba 'yon o bangag? Ang lawak ng daan nakakabangga pa?

Inilinga nung lalaki ang ulo nito habang tumatakbo. "I'm sorry! Nagmamadali na kasi ako. The flag ceremony is about to start!"

"Flag ceremony lang nagmamadali pang tumakbo," wala sa sariling sambit ni Check. "Teka... flag ceremony?!" muling sambit niya nang mapagtanto niya ang sinabi nung lalaki.

Naalala ni Check ang maiksi pero napaka-importanteng paalala ni Xyro sa kanya bago siya umalis ng bahay para pumasok.

—Flashback—

"First day of school, pwede ka pang umatras. Magdrop-out ka na lang kaya?"

Inihampas ni Check ang kanyang bagong sapatos sa puwet ni Xyro at pagkatapos ay naupo siya sa sofa. Isinuot niya ang medyas at ang kanyang sapatos.

"Hindi problema ang pang tuition. Humabol ka na lang ng enroll sa ibang school kung gusto mo," hirit ulit ni Xyro habang inaangat-angat ang dalawang dumbbells na hawak nito.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon