[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.

406K 3.3K 732
                                    

Chapter 28

Chelsea's POV

Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama si Bryle na noong isang araw pa malalim ang iniisip.   

"Bryle, may problema ba?"

Tiningnan lang niya ako tapos ngumiti.   

Ilang araw na siyang ganito sa akin. Kasama ko siya pero wala naman sa akin ang atensyon niya.

Palaging malalim ang iniisip niya.

Palaging hindi makausap.

Palaging aburido.   

Alam kong may problema, alam kong may mali.

Gusto kong malaman, pero kinakabahan ako.

Wala pa siyang sinasabi pero nasasaktan agad ako.   

"Chelsea, we need to talk."   

At ayun na nga. Yung limang salitang yun ang hinihintay ko. I know it's up to no good, but I have to know the truth.   

Umupo kami sa ilalim ng centennial tree dito sa school.   

"Chelsea.."

Naninikip yung dibdib ko. Wala pa siyang sinasabi pero yung mukha niya pinapakita na lahat.   

"Anong nangyari? Bakit, Bryle?"

At noong sinabi ko yun alam kong alam niya na alam ko na ang sasabihin niya.  

Natatakot ako na baka sabihin niya na may babae siya, o kaya sabihin niya na ang clingy ko o nasasakal ko siya. Pero higit sa lahat.. Natatakot ako na baka ito na yung last na paguusap namin na akin pa siya :(   

"I have to choose."   

Pinipigilan ko talaga na huwag maluha sa harapan niya kasi gusto kong maging matatag. Simula pa lang ng relasyon namin ginawa ko ng goal yung wag mapaiyak ng isang playboy. Kaya pipilitin kong wag umiyak. Kakayanin ko..   

"Bakit ka pipili? Bakit may pagpipilian? Lagi bang ganun? Lagi na lang bang may singit? Bakit ba hindi kita masolo? May kulang ba ako? May ginawa ba ako? Bakit, Bryle? Bakit naghanap ka pa ng iba."  

"Trust me, I didn't want to do this. I didn't want to hurt you. I didn't want to end anything that we have. But I have no choice."   

"Bakit ba? Ano bang nangyari? Sino? Sino ang kalaban ko sa puso mo?"  

"Venice."  

At noong narinig ko ang pangalan niya nanghina ako. Sa lahat naman ng babaeng pwedeng kalabanin ko bakit siya pa? Eh pangalan pa lang niya talong talo na. :(

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon