CHAPTER: 4 (They Are One)

243K 7K 2.3K
                                    

(A/N)
If ever makaencounter kayo ng error gaya ng paguulit-ulit ng lines, try to refresh your libraries nalang guys. Natadtad ko kasi ng image ang Chapter na 'to. Hahaha! ❤️ Effort kung effort. At saka medyo napahaba na naman ang Chapter na 'to. 😁

•••••


"BAKA naman mapagalitan ka ulit ni Kuya Xyro dahil tumakas ka na naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"BAKA naman mapagalitan ka ulit ni Kuya Xyro dahil tumakas ka na naman."

"Hindi 'yan, ikaw naman ang kasama ko, eh. At saka nandito lang naman tayo sa bahay niyo." Todo ang ngiti ni Check habang nakatingin sa bestfriend niyang si Jane. "Hindi mag-aalala 'yon," dagdag pa niya.

"Sabi mo, eh." Labas-ngipin ang ngiti ni Jane.

"Pakner, ano ba 'yang isinusulat mo? Isang Linggo pa bago ang pasukan pero may assignments ka na kaagad?" pabirong sabi ni Check.

"Kilala mo naman ako Pakner, bukod sa pagpapaganda, eh eto na talaga ang libangan ko... ang mag-aral ng mag-aral ng mag-aral ng mag-aral."

Lumabi si Check habang nakatingin sa mga papel na nasa harapan ni Jane

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumabi si Check habang nakatingin sa mga papel na nasa harapan ni Jane. "Hindi ba sumasakit ang ulo mo sa kaka-aral?" Bumuntong-hininga siya. "Gusto kong sulitin ang bakasyon. Naiisip ko pa lang nga na isang Linggo na lang pasukan na, sumasakit na agad ang ulo ko, eh."

"Speaking of pasukan na, are you sure Pakner na sa Prime University ka talaga mag-aaral? I mean, wala na talagang atrasan? Well, direct to the point na natin. No hard feelings, we're bestfriends naman. Hmm... Pakner, hindi mo kasi kakayanin ang pag-aaral sa Prime University." Kinagat ni Jane ang ibaba nitong labi pagkatapos nitong masabi ang nais sabihin.

"Grabe siya, oh! Hahaha! Sinabi na rin sa akin ni Kuya 'yan," tumatawang sagot ni Check.

"So, ano nga?" Pumalumbaba si Jane.

"Hindi pa ba sapat na dahilan yung ginusto ko lang na mapalapit sa inyo ni Kuya?"

"Super duper miss na kita, kaya natuwa talaga ako dahil finally magkakasama na tayo ulit gaya ng dati. Kaya lang natatakot ako for you." Pinakatitigan ni Jane si Check. "Ang tigas pa naman ng ulo mo."

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon