20th Hate: The Ultimate Guy

Magsimula sa umpisa

"You know everything?" tanong ko sa kanya. "Good for you that you know everything, because I don't know myself what everything is. At tsaka kung mag iiskandalo ka, wag dito sa opisina, magkaron ka naman ng dele ka deza. That is, if you know what that is." Sagot ko sa kanya sabay ngisi.

"You bitch! GET OUT OF MY OFFICE RIGHT NOW!" singhal nya sa akin na pigil na pigil ang sarili kahit gusto na nyang manakit. Hindi nya magawa dahil nandito si Bernadette at Mikaela bilang mga guwardiya ko.

"I don't remember regarding you as my boss. You are just a relative of my boss. And I haven't heard anything from him yet. You should go to him and ask him to fire me, that is, if you can fire me." Ngisi kong muli sa kanya.

"Stop it Beatrice." Pigil na pananalita ni Bernadette ng iattempt na naman ng babaeng to na sampalin ako. "You look pathetic doing that."

May kakaibang voice of command talaga si Bernadette. Yung tipong kapag nagsalita sya, para bang maoobliga kang sumunod dahil kung hindi, para bang magsisisi ka. Kaya naman, napasiring nalang nya si Beatrice at padabog nalang itong lumabas ng opisina. Pero nag iwan ng mga tingin sa akin na nagsasabing babalikan kita.

Hay nako, bahala sya. Hindi naman katakot takot ang pinanghahawakan nya sa akin. Sa totoo lang, wala naman syang pinanghahawakan sa akin.

Pero, ng makaalis si Beatrice, para bang lalong naging malata ang katawan ko. Lalo akong nanlambot at para bang nanghina. Malamang ay dahil nga ito sa masama ang pakiramdam ko ngayon. Nagpapalala pa yung babaeng yon. Ang lakas pa kung makieksena.

"So, mind to explain kung anong nangyayari sa lovelife mo Jess?" napatingin ako ng magtanong si Mikaela.

"Ano bang lovelife pinagsasasabi mo jan. Wala namang lovelife na kailangan iexplain." sagot ko sa kanya kasabay ng pagpunta ko sa aking table at pag upo. Nahihilo na nga kasi ako sinampal pa ako ng bruhang yon.

"Eh ano nga bang nangyari Jess?" tanong na din ni Bernadette. "Bakit ba ganun nalang kung mambintang yun si Beatrice? At bakit ba si Ash, nagpaalam na hindi muna papasok? Ano bang nangyari?"

Hindi muna papasok? So, napagdesisyunan pala ng mokong na yun na hindi na pumasok. Mabuti naman. Ayokong maawkward pa ako sa kanya at mahirapang iwasan sya every now and then.

Great. Fine. Napakagandang desisyon yang ginawa nya. Mabuti naman at may initiative syang taglay kahit papaano.

"Hindi ko alam kung paano ako nasali sa usapang Beatrice at Asher. Pero yung samin ni Asher...its complicated." Nakita ko ang pagtaas ng mga kilay nila. "Fine, ikekwento ko na sa inyo. Tutal, hindi ko naman kayo mapipigil sa pangungulit para malaman yon."

At nag-umpisa na ang kwentong inumpisahan ko pa nung college kami. Matapos nun, isang malalim at mahabang buntong hininga ang tinugon sa akin ni Mikaela at Bernadette.

"So, ano ng status nyo ni Ash ngayon?" naka ngusong tanong ni Mikaela na para bang may panghihinayang sa ekspresyon ng kanyang mukha.

"Wala." Mabilis kong sagot sa kanya. "Matagal na kaming wala ni Asher. Tsaka, parang closure confirmation lang yung nangyari samin kagabi. The end. Period. Nothing follows"

"Para sayo closure yon. Eh ano kaya yun para kay Ash? Magkakalabuan ba sila ni Betarice kung wala syang nararamdaman sayo?" pagbibigay opinyon ni Bernadette.

"Sigurado ka bang sakin sya may nararamdaman?" napangisi kong sagot sa kanya. "Minsan na akong naloko Bernadette. Ayoko ng maging tanga ulit."

"Maraming beses na akong naloko Jess. By countless people and men" simpleng ngiting pananalita ni Mikaela. "Pero, hindi yon rason para hindi ka na magtiwala ulit. Pag niloko ka, magtiwala ka ulit. Pag niloko ka ulit, magtiwala ka ulit. Alam kong hindi yun magiging madali. Marami kang dadalhing sama ng loob. Pero yung pagtitiwala kasi, hindi mo yun ginagawa para sa ibang tao. Ginagawa mo yun para sa sarili mo. Para sayo."

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!