9 Friendship Trial
2 years na kaming friends ni Troy at sa lahat ng naging kabigan ko, siya lang ang tinuring kong tunay kasi hindi siya plastic. He says what he thinks and minsan pinagsasabihan niya ko if I ever did something wrong. He was more like my brother...kaya siguro magkaibigan sila. This is also why I really like him. Na inlove ako sa kanya dahil sa lahat ng kabutihang pinakita niya sa akin. He was and is always there.
Nang umalis si Ken ng walang paalam. Hindi ko alam kung paano ako nakatayo basta ang naaalala ko lang ay laging nandiyan ang pamilya ko and Troy. He was always there to cheer me up. Hanggang sa one day hindi ko na namalayan na hindi na pala ako bigla-biglang umiiyak. Nakakalimutan ko ng saglit ang sakit kasi kapag nandiyan siya pinapabuti niya pakiramdam ko,
Ngayon. Everything is most likely okay pero alam kong there's so much more na kailangan kong harapin. Hindi magiging madali para sa akin kasi nandiyan siya, si Cher, si Kuya, si Julia and Ken.
++++++++++++====+++++++++++++++
Whatever happened to us? Naisip ko? Ano na ngayon? Does love really break friendships?
Ø Hi Mari! Nasa sala ako ng bahay niyo? Can I talk to you?
Nagtext si Troy.
Ø Sure...nasa kwarto ako. Wait..Bababa ako.
(Opens the door)
Naabutan ko si Troy sa labas ng kwarto ko. Kakatok na sana.
"Sabi ko kay Tita na sa kwarto mo na lang tayo mag-usap..." aniya.
"Ah eh...hindi ako nakapaglinis. Nakakahiya..At saka hindi magandang tingnan ang isang babae't lalaki sa iisang kwarto." sabi ko sa kanya. He frowned.
"Kailan ka pa natutong mahiya? Besides we've been staying in your room or your brother's room kung nandito ako. And Tita doesn't really mind..." sabi niya in an irritated tone.
"Fine! Halika pasok."
He got in and umupo sa kama ko. I went to my study table at doon ako umupo.
He stared at me for a while... #AWKWARD!
I opened my laptop...naka sleepmode lang kasi...I was updating my blog nang nagtext siya. I was writing about me and Ken...and I'm also starting a blog about friendship to lovers and versa.
My blog was open. Akmang icoclose ko nang lumapit siya.
"What's that all about?" tanong niya sa likod and then na click ko ang X button. Hay salamat! No one should ever know na I'm writing a blog.
"Wala nagbabasa lang ng mga blogs. Why? and Ano ba sadya mo sa akin?"
He stared at me, his face inches away from me. He frowned and I felt his teeth clench...parang kinakabahan siya.
"Ano na? Magtititigan na lang ba tayo ngayon? Are you here to tell me na kayo na ni Julia?" dretso kong sabi. I didn't like the idea of making things more complicated so straight to the point na...Kinakabahan ako pero I have to do this to save our friendship - atleast.
"Ha? ah..eh...uhm...Yes and No" naririnig ko ang pagnginig nga boses niya and I can see him tensed.
"Yeah...Oo nga pala...Hindi ko nasabi sa'yo na kami na ni Julia. How did you know by the way?" tanong niya.
"Friends kami ni Julia – you should know na the circle is very small para hindi ko malaman while "the friend" who ought to tell me...eh bigla na lang umiwas sa akin without a word. Gusto kong isipin na lahat ng lalaking malapit sa akin iniiwan ako ng walang pasabi. I wouldn't mind kung sasabihin mo sa akin na you don't want to be friends with me anymore. Atleast I know and I can live with that."
"Huwag ka namang ganyan Mari...wala akong sinabing ganyan. I just got busy..."
"Oo...busy sa panliligaw kay Julia. You didn't even mention na niligawan mo siya at sa iba ko pa nalaman na kayo na pala. Thanks for indirectly telling me na inunfriend mo na ako" I said bitterly
"Mari...I'm still your friend and please...I'm trying to understand everything that's going on! Especially noong sinabi ni Julia na....ano...naa...."
"Na ano Troy? Na gusto kita? Na matagal na kitang gusto noon pa?!"
He stared at me.
"I know Troy na kaibigan lang ako and you will never feel the same and I can live with that. I understand....iyon lang ba? Wala na tayong dapat pag-usapan!" angil ko sa kanya.
"You don't understand Mari! I don't understand din ang nararamdaman ko! So please give me time!" sabi niya.
"Bahala ka sa buhay mo!"
Kinuha ko ang bag at cellhpone ko and I walked out on him. Ayoko sa mga ganitong magulo! I need to calm myself and have some fresh air. Nag-init ang ulo ko bigla bwisit na Troy!
*
Ayan na Lovers! Nag-uumpisa na si Troy na maloka sa mga pangyayari...Ano na kaya susunod na mangyayari! Please keep reading!
Thanks mucho for reading Lovers! Please don't forget to vote and comment! Love you! Mwah!
BINABASA MO ANG
Dearest First Love
RomanceDearest First Love, I never thought I'd always be thinking of you. You were the best thing that ever happened to me. I never run past a day not thinking about you nor regretting about how we end up separated. I have loved you and I still do. But som...
