Chapter 7

8 1 1
                                        


7 FIRST ATTEMPT

"Good Morning Class!" bati ni Sir Ken na nakangisi at nakatingin sa akin.

"Good Morning Ms. Mendoza!" sabi niya sabay ang nakakalokong ngiti.

Tinukso kami ng buong klase. Pati na nga ni Troy. Sige pa Troy tuksuhin mo pa ako. Hindi na talaga kita crush!

Ayoko sanang pumasok o magpakita sa mga tao. Hindi ko pa alam kung ano ba dapat mararamdaman ko. Hindi ko alam kung si Ken pa rin ba o mas pipiliin ko si Troy – siya na hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin bilang alam mo yon?... Ilang buwan na mula nang maghiwalay sila ni Cher pero wala pa rin siyang ginagawa kaya siguro hanggang friends lang kami.

And...here I am...

Iniisip kung ano na? ano bang dapat kong gawin?

Habang iniisip ko ang mga bagay ay hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase at ako na lang at si Ken ang naiwan sa silid.

"Mari? Pwede ka bang makausap?" sabi ni Ken na titig na titig sa akin.

Hindi ako nakakibo.

"Mari? Mari? Hoy..." sabay tapik sa balikat ko.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong niya na nakatingin pa rin sa akin.

Nilingon ko ang silid at doon ko lang napansin na nakasara na ang pinto at wala nang makakakita sa aming dalawa.

"Anong sasabihin mo?" sabi ko sabay tingin sa lupa

"Sorry..." mga katagang namutawi sa bibig niya.

Hindi ako naka-imik. Hindi ako handa sa mga ganitong pagkakataon. Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa kanya.

Masarap sa pakiramdam tila nabunutan ako ng tinik pero... may tumutulak sa akin na magalit sa kanya...na awayin siya...hindi ko alam pero...

"Sorry? Ano'ng maggagawa ng sorry mo? 2 years Ken...2 years akong nagmukmok, umiyak, nagalit. Hindi ko alam kung sapat ang sorry mo..." bigla kong nasabi.

"Tatanggapin ko lahat Mari. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo at naiintindihan ko..." sambit niya...

"Inaasahan ko na naman ang reaksyon mong ito and I truly understand...gusto ko lang sabihin na hanggang ngayon mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung mahal mo pa rin ba ako o kung kayo na ni Troy pero hindi ako titigil sa pagmamahal ko sayo Mari." sabi niya – may luhang nabubuo sa kanyang mata.

Bigla akong nakaramdam ng sakit, awa at pag-intindi. Hindi ko alam kung bakit ko pa nagawang sabihin sa kanya iyon. Siguro dahil gusto kong mailabas lahat ng sama ng loob ko sa kanya.

"Sorry din Ken pero wala nang pag-asa sa ating dalawa. Isa pa teacher kita at hindi pwedeng maging tayong dalawa." sabi ko sa kanya.

"Break na tayo – now this is offial. Wala ka namang maggagawa eh di ba?"

Tumingin sa akin si Ken na tila nagmamakaawa. Hindi ko na siya tiningnan baka bawiin ko lahat ng sinabi ko.

"Si Troy ba? Kayo na ba?..." sabi niya na may bahid ng lungkot.

"Wala ka nang pakialam Ken, mula noong iwan mo 'ko nawalan ka na ng karapatang malaman lahat ng nangyari sa buhay ko at ngayon wala na rin..."

Kahit na puno ng pagsumbat ang mga sinabi ko deep inside alam kong wala na dahil sa sulat na nabasa ko...nawala lahat ng galit, tampo at hinanakit ko sa kanya pero alam ko na ginagawa koi to para sa kanya. Alam ko na gusto ko lang na lagi siyang nakikita, gusto ko na hindi siya umalis kahit masakit makitang hindi na kami pwedeng magkasama basta makita ko lang siya lagi okay na ako.

Two days later nagdecide akong gumawa ng Blog...lahat tungkol kay Ken, sa amin, sa mga nararamdaman ko. Random ang posts ko minsan poems and pinoposts ko, essays or narratives. Basta kung ano man ang nararamdaman ko...usually tungkol sa kanya.

Hindi na kami nagpapansinan ni Ken. Minsan niloloko niya pa rin ako sa klase at sumasabay na lang din ako pero afterwards wala na. Deadma. Nakikita ko siyang tumitingin sa akin at pinipigilan ko na tumingin sa kanya. Tumitingin lang ako kapag hindi siya nakatingin.

Si Troy, ewan ko sa baliw na 'yon pero hindi na siya sumasama sa akin. Hindi ko rin mahagilap minsan. Hindi din siya nagrereply sa mga text ko. Ewan ko kung ano ang sumanib sa kanya. May topak na naman.

"Mari! Alam mo ba? Si Troy may pinupormahan ngayon nasa kabilang Block. Kilala mo daw kasi magkaklase kayo sa senior high?" sabi ni Rica, kaibigan ko noong senior high.

"Really? Sino daw? Anong pangalan?" tanong ko hay naku! Wala talaga akong pag-asa sa mokong na iyon.

"Julia...kaibigan mo daw iyon eh..." sagot niya naman.

Si Julia! As in Julia na naging close friend ko? Putik! Eh alam niyon na crush ko si Troy eh! Tanungin ko mamaya ang mokong! My gosh! Hindi ko alam ang iisipin!

Napansin kong kumunot ang noo ni Ken. Nasa kabilang table siya sa canteen eh. Lagi siyang ganoon...lagi ko siyang nakikita. Feeling ko nga sinusundan ako ng mokong eh. Isa din siya! Gusto ko siyang tirisin! Kinikilig ako tuloy sa kanya! Putik eh! Mababaliw ako sa sarili ko!

(Mari inlove ka kay Troy! Wala ka nang feelings kay Ken...please remind yourself!) lagi kong sinasabi sa sarili ko pero para akong baliw. Hindi naman nakikinig ang puso ko eh!

Dearest First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon