6 CONFLICT (BROTHER)
"What's wrong Mari? Bakit parang ang bigat yata ng dala ng buntong hininga mo?" sabi ng boses sa likod ko. Pagkalingon ko ay nakita ko si Kuya Clark. nakaupo sa tabi ng pinto. Ni hindi ko na nga siya napansin pagkapasok ko doon dahil sa lalim ng iniisip ko.
And then, before I knew it tumulo na luha ko. I was holding on to my sanity the entire time sa klase kasi ayokong umiyak and seeing my brother so worried hindi ko na napigilan.
"Is this because Ken is back?" tanong niya. Tumango lang ako habang patuloy sa pag-iyak.
Ikinuyom ni kuya ang kamay niya and then I was shocked.
"Sorry Mari...I don't want to see you like this and all the years na nawala si Ken alam kong kasalanan ko kung bakit ka malungkot. I didn't know what to do nang malaman kong pupunta siya ng New York." saad niya na malungkot ang boses sabay lahad ng isang white envelop.
"Ken gave this to me nang umalis siya. He didn't know how to tell you face to face kasi ayaw niyang umalis pero wala siyang magawa. The day na sasabihin na niya sa'yo ang totoo his mother forced him to go dahil may problema na din sila ng family niya. He was forced to leave sooner. Hindi na siya nakapagpaalam sa'yo"
Tiningnan ko nang masama si Kuya and then cried.
"Umalis ka na kuya. Gusto kong mapag-isa..." sabi ko sa kanya.
He tapped my head and walked away but before he left he said... "I hope you'll be Okay soon little sister. Sana mawala na 'yang lungkot sa mata mo."
There was a complete silence. Naririnig ko ang hangin like a storm in my ear and the students doing their usual thing. Volleyball practice – nakita ko si Troy. Cheerleading practice with Cher and that stupid idiot who caused me this feeling. Naglalakad siya sa grounds...pumunta kay Troy and then Cher and walked around again...tila may hinahanap.
I stared at the letter. Ayokong basahin pero....
P.S. Kung gusto mong maintindihan ang pag-alis ko please read this letter – nakaprint sa likod. It was a handwritten letter.
Gusto kong maintindihan ang lahat so I read it.
Dear Love,
Mari. I love you. I love you and I love you. Alam kong galit ka sa akin ngayon at tatanggapin ko ang galit na iyan. I will come back for you sana mahintay mo 'ko at mapatawad sa mga kasalanan ko sa'yo lalo na sa pag-iwan ko. Hindi ko gustong umalis...ayaw kitang iwan pero wala akong choice. Gusto kong sabihin sa'yo pero duwag ako. Ayaw kong hiwalayan mo 'ko 'pag umalis ako kasi nga di ba ayaw mo ng LDR...pero sana...sana pagbalik ko mahal mo pa rin ako.
Si Troy, alam 'kong crush mo siya at alam kong hindi ko siya mapantayan man lang sa puso mo pero lagi ko siyang sinasabihan na alagaan ka. Sana inalagaan ka niya. Hindi ko alam kung makakarating ang sulat na ito sa'yo kasi sabi ko kay Clark na ibigay to sa panahong maiintindihan mo na ang pag-alis ko.
Si Kuya Clark mo...wala siyang kasalanan. Huwag mo sanang ibunton sa kanya ang galit mo sa akin. Intindihin mo siya. Mahirap kasi ang pinagawa ko sa kanya. Ako ang may kasalanan Love kaya sana huwag mo siyang awayin.
Sana Love mabasa mo ang sulat na ito bago ako bumalik diyan sa Pilipinas. 3 years lang akong mawawala. By then 2nd year ka na sa college. Hahanapin kita kaya sana bigyan mo ako ng 2nd chance. PLEASE. I LOVE YOU AND I'LL MISS YOU ALWAYS
Love Sincerely,
Ken Carlos
Tumulo ang luha ko. Sumasakit ang kabog ng dibdib ko. Kumikirot ang puso ko. Hindi ko mapigilang umiyak nang umiyak. Ang sakit. Nahihirapan akong huminga pero hindi ko kayang tumigil.
Gabi na nang umalis ako ng school. Umuwi ako agad.
"Mari! Kamusta ka na?" si kuya.
Tiningnan ko siya ng masama at pumasok ako ng kwarto. Hindi ko akalaing mag-aaway kami ni Kuya. This is the first time. Pero hindi ko maiwasang magalit sa kanya. Lalo na kapag naaalala ko ang sulat.
Wala siyang kasalanan pero hindi niya binigay sa akin agad ang sulat! Tatlong taon ang nasayang at ngayon kahit na gustuhin kong magalit nang sobra kay Ken ay hindi ko magawa dahil sa sulat na'yon
2c
BINABASA MO ANG
Dearest First Love
RomanceDearest First Love, I never thought I'd always be thinking of you. You were the best thing that ever happened to me. I never run past a day not thinking about you nor regretting about how we end up separated. I have loved you and I still do. But som...
