NEW: Tap by Wattpad
FREE Addictive Chat Stories 😍🔥
DOWNLOAD NOW!

63. Bryan

"Bryan, calm down. It's just an article. Naglabas na ako ng statement sa press na nagdi-dinner lang kayo ng family mo kagabi nung biglang dumating si Princess. Pure coincidence lang. Out of courtesy niyaya siya ng Mom at Dad mo. Okay? Now, stay calm."

"Thank you, Tita K. I'm still worried but thank you." 

"No problem. Ba't naman kasi hindi mo man lang

sinabi sa girlfriend mo yung nangyari kagabi?"

"I didn't think she had to know that. Malay ko bang bibigyan ng kahulugan ng press yun."

"Alam niya bang nakauwi na yung parents mo?" 

"Hindi rin, Tita. Hindi ko pa nasabi. Dapat kasi surprise na ipapakilala ko siya." 

"O, ayan tuloy ang nangyari."

"Kaya nga po I'll go see her so I can explain things to her. Bago pa makarating sa kanya ang kung anu-anong balita. Thank you uli, Tita."

"Okay. Good luck, hijo. Don't worry, maiintindihan niya yan."

Nag-text ako kay Dee while driving papunta sa bahay nila. Di nagreply. Lalo tuloy akong kinabahan. Ang bilis kong nakarating doon. She's not home though. Sabi ni Desi, nasa park daw.

Ano kayang ginagawa niya sa park?

Maliit lang yung park so alam ko na makikita ko siya agad. And I wasn't mistaken. Nakita ko nga siya agad. Pero hindi ako handa sa iba ko pang nakita.

Kasama niya si Tyler at yakap-yakap si Dee ng magaling kong kapatid.

Anong problema ni Tyler? Is he using Dee to get even with me dahil sa napabalita tungkol sa amin ni Princess? At bakit pumayag si Dee to get close to him?

Hindi ko na sila nilapitan. I went back to my car and sped away. Sobrang init ng ulo ko, baka kung anong magawa ko. Hindi ko namalayang pabilis nang pabilis ang pagpapatakbo ko. And then in a snap, a car emerged from the right. I stepped on the brakes pero huli na.


The last I heard was a loud crash. And then everything went black.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!