Chapter 4

7 1 0
                                        


4 RETURN

It's been a month since nagcool off sila Cher and Troy. Cool off nalang para hindi assuming kasi nga hindi pa naman sila nag-usap eh. Yep, isang buwan na pero hindi pa rin sila nag-uusap. Hindi ko na nga alam kung paano i-comfort si Troy.

"Mr. Troy Mendez, ayusin mo grades mo sa finals baka bumagsak ka. Hindi porket varsity ka pagbibigyan na kita plus. Baka matanggal ka sa DL." sabi ng teacher naming sa Major.

Hala ka! Heto na nga ang epekto ng ginawa ni Cher. I have to know the reason! Kailangan kong gumawa ng paraan.

"Troy okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"NOPE! Sige lang babawi ako sa finals." sagot niya.

"SIGURADUHIN MO LANG! Huwag kang Amards ng amards alalahanin mo ang future mo and your parents." sabi ko sa kanya.

He smiled.

Alam ko kapag wala na siyang masagot nagsasmile na lang siya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa kanya. PUtik naman kasi tong si Cher. Sinaktan pa si Troy. Hindi ko siya pwedeng pabayaan.

"May proposal ako."

"Ano 'yon?" sabi niya sabay tingin sa akin.

"Sabay na lang tayong mag-aral para sigurado akong babawi ka. 2 weeks na lang finals na. Magpass ka ng plates on time para wala kang problema. Tutulungan kita sa quizzes." sabi ko sabay titig sa kanya.

He smiled again.

"Thanks! Sige Call ako diyan."

And so we did. Nag-aral kami ng sabay. Sinamahan ko siyang magpass ng plates and lagi siyang nakakabawi sa scores niya sa quizzes. Buti na lang nandito ako para sa kanya. Haissssst.

"Very Good Mr. Mendez. Buti na lang tinutulungan ka ng TF mo." sabi ni Miss nang masalubong naming siya sa Faculty room.

"TF?" tanong ko.

"True Friend! Ayyyyy...matalino nga loading naman." sabi niya

Tumawa silang dalawa ni Miss. Tatawa na sana ako nang may makita akong familiar figure. Tiningnan ko. Sinundan siya ng mata ko. And bigla akong kinabahan. THIS IS NOT GOOD! Siya ba 'yon? Bakit siya bumalik? Nakita niya ba ako? Oh no!

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Sigurado ako sa nakita ko. I can't forget those broad shoulders and his hair. Ganoon pa rin. Iyon yung favourite hairstyle ko sa kanya. Alam niya iyon sinabi ko iyon sa kanya.

Aissssssssssssht! ASSUMING! Hindi ka na niya mahal Mari! May gusto na siyang iba!

Two days after.

Nasa library ako. Mag-isa. Wala si Troy may practice sila. Nakita ko si Cher papasok. Gusto ko sanang lapitan pero natigil ako sa pagkakatayo nang makita ko kung sino ang nasa likod niya. Cher smiled. He smiled.

Kinakabahan ako. TUG DUG TUG DUG TUG DUG. Sa akin sila nakatingin. Ano ba?! What's up with this?

Lumapit si Cher sa akin samantalang pumunta siya sa shelves. Hindi ko na siya pinansin hindi ko na rin kasi siya nakikita.

Pinakalma ko ang sarili ko. Hindi ko gustong makita ni Cher na may epekto pa siya sa akin.

"Hi Mari!" bati ni Cher. She smiled.

"Can I talk to you?" sabi niya with that friendly tone.

"Ano naman pag-uusapan natin...?" sagot ko

"Alam mo naman kung sino. Please?" Ooooops! CUTE! Aiiiiiiishhht....Cute talaga ni Cher.

"Fine. Saan tayo mag-uusap?" tanong ko sa kanya.

"Sa taas na lang para hindi tayo marinig ng librarian. Come on." she said dragging me upstairs.

"Susunod ako. Huwag mo kong hilahin." sabi ko sabay bawi sa kamay ko.

"Sorry."

Habang paakyat kami. Nahagilap ng mata ko siya 'yong lalaki. Biglag lumakas ang tibok ng puso ko. TITIG. Nagkatitigan kami. Kinakabahan ulit ako. ANO BA MARI! STOP! INHALE! EXHALE!

"Kamusta si Troy?" tanong sa akin ni Cher nang nasa taas na kami.

"Hindi siya okay...teka ba't ako tinatanong mo? Buti pa mag-usap na lang kayo..." kinuha ko cellphone ko para tawagan si Troy.

"Huwag! Please! Hindi pa ako ready...Ayoko siyang saktan..." sabi ni Cher.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Sinasaktan mo na siya..." sabi ko sa matigas na tono.

"Alam ko...pero mas masasaktan siya kung mag-uusap pa kami. Mas mabuti na ito." sabi niya sabay sa pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"Hoy! Huwag kang umiyak. Baka sabihin nila inaaway kita!" sabay ko naman na medyo natataranta.

"Sorry. Hindi mapigilan eh. Sa'yo ko lang to sasabihin Mari kasi ayokong ma misunderstand mo ang sitwasyon namin. Alam kong close kayo ni Troy at sana intindihin mo 'ko."

Hindi ko alam ang sasabihin. Tinitigan ko na lang siya.

"Change of heart – that's what happened. Hindi ko alam how it happened bigla na lang akong na inlove sa iba. And I texted Troy about it pero all he said was Okay... Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba talaga ako o hindi." pagpapatuloy niya.

"Tinawagan mo na lang sana. Sama mo! Pero bakit ba? Anong nangyari sa inyo? I was rooting for both of you." sabi ko sa kanya.

"I can't explain it. Hindi mo naman maiintindihan kasi hindi pa ito nangyari sa'yo. Basta sana you take care of Troy kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko...I hope he'll do well without me."

"Teka! May tanong pa ako....May kinalaman bas i Kuya dito?"

Natigilan siya. That's an answer. She fainted a smile – another answer.

"Hindi mo na kailangang sumagot. Alam ko na...I do hope you'll also be well."

And then she left.

"Wait! May itatanong pa ako...." and then she disappeared.

Saan na ang bruha? Nawala bigla. Me sa engkanto ata ang babaeng iyon.

And there I was still standing. Iniisip ko ang sinabi ni Cher and while I was at it. I felt someone walk towards me. Biglang lumakas ang kaba sa dibdib ko. That familiar scent - parang iyong binili kong cologne para sa kanya.

When I turned around, hindi ko mapigilan ang luha. They came down running. He stood there shocked.

I walked out on him, binangga ko siya. He held my arm and looked at me in the eyes. And then I saw him shocked and sad and then he let go of me. Tumakbo ako palabas ng library.

Bakit pa siya bumalik? Ano ang dahilan niya? Bakit niya ako iniwan. Hindi ko siya kayang patawarin. Mahal ko pa ba siya? Hindi ko alam! Ahhhhhhhhhhhhhhh! ANO BA?!

z1'C *(ICNDLNS

Dearest First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon