Chapter 1

16 2 1
                                        

1 FRIENDSHIPS

"Good morning Mari!" sabi ni Troy habang nakangiting palapit sa akin. I blushed.

"Good morning! What's up?" tanong ko sa kanya samantalang alam ko naman kung ano ang kailangan niya.

"Cher, she's been avoiding me. I don't know why." –Troy

Ouch! Sabi ko nga eh. Wala akong pag-asa dito sa mokong na 'to. Ano ba naman laban ko doon sa girlfriend niya. Eh maganda na nga nagme-make up pa eh di sobrang ganda na. Perfect body plus cute personality kaya lang minsan OA na siya. Ako hamak sa simpleng babae lang. make up? Light lang para hindi masyadong OA. Medyo mataba ako pero hindi naman balyena 'yong tamang taba lang.

Si Troy? Crush ko matagal na. 1st year pa lang kami sa college crush ko na siya. 2nd year na kami ngayon pero wala eh. May girlfriend siya. Friends kami. Naging friends kasi magkasama sila ni Kuya sa Varsity –Volleyball. Ako naman tanga! Hintay ng hintay sa kanya. Naghihintay ng chance kaso going strong sila ng girlfriend niyang si Cher. Oo na TANGA NA NGA! Eh sa sanay na akong magpakatanga sa lalaki eh. Si Troy na po kasi ang "Guy for me" I BELIEVE! kasi nga gwapo na, cute pa, cool na cool lalo na sa klase at sa volleyball court and most of all seryoso siya sa buhay at sa lovelife. Perfect talaga. Varsity + Gwapo + Dean's Lister = TROY = PERFECT! Ganoon iyon!

1 year na din kaming magkaibigan ni Troy at feeling ko close na kami. Kasi minsan sabay na kami kumakain and most of the time magkatabi kami sa klase. Minsan nga kaming tatlo ni Cher ang magkatabi-tabi. Siyempre si Troy sa gitna. Sa mga general education courses lang kami magkaklase ni Cher kasi iba 'yong degree na kinuha, Psychology, kami naman ni Troy Civil Engineering. O di ba? Cool kami.

Don't get me wrong guys! Magaling din naman ako sa klase. Dean's lister din ako noh?! Nakakahiya kung mas magaling pa crush ko sa akin. Eh inspired kaya ako lagi dahil sa kanya.

++++++++++++++++++++++++

"Bakit? Galit ba si Cher sa'yo?" tanong ko sa kanya. YES! Sana maghiwalay kayo! Sa loob-loob ko! Aissssssssht! Ang sama ko naman! Hay naku!

"Hindi ko alam. Wala naman akong maalala na ginawang masama." sabi niya.

"Baka red tide lang! Alam mo na kapag kabuwanan ng mga babae. Ganoon." comfort ko sa kanya.

"Salamat Mari ah. Always there ka talaga kaya nga love kita eh!" sabi niya sabay ngiti sa akin.

Napatigil ako. Nag-init ang pisngi ko. I know I'm blushing kaya I hid my face in a natural way. PUTIK! Huwag kang pa-fall Troy baka magsisi ako. Hindi mo pa naman ako sasaluin. Haisssssssssssssssst!

"Uy! Nagbablush ka! Ayyyeeeeee! Love mo rin ako noh?!" – Troy

"Putik naman Troy eh! Huwag ka ngang ganyan! Mas masakit umasa sa taong may mahal nang iba!" sagot ko sa kanya. Napatigil siya.

(Pak!) Hinampas ko siya.

"Joke lang uy! Seryoso 'to! Sinasabayan lang kita Baliw!"

Aisssssssssshhhhhhhhht! Ano ba kasi eh! Bawiin ko na lang kaya. HINDI SIYA JOKE BAAAAAA!

Nagsmile si Troy sa akin. Medyo nagblush siya. Kita ko kasi medyo maputi siya. Saktong puti. Nagpink kaya cheeks niya. Hay naku! Ang cute lang.

"Ikaw talaga. Buti na lang friends tayo kung hindi baka naniwala ako sa'yo." –Troy

OUCH! Friendzoned ba! ARAY KO AH!

"Ay ses! Hindi ka na nasanay sa kulitan natin."

Biglang nagseryoso mukha ni Troy.

"Pero...THANK YOU ha? Kasi kahit na hindi maganda pakiramdam ko ngayon dahil sa pag-iwas ni Cher napapasaya mo 'ko nakakalimutan ko tuloy siya." sabi niya sabay tawa. kinurot pa pisngi ko. Nagblush siya.

Cute niya talaga.

So iyon na nga. Doon ko narealize na close na kami ni Troy. Our friendship is something that I would want to treasure. Okay lang na hindi ako 'yong romantic love niya ngayon. Basta love niya ako. Iyon ang mahalaga.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>.....<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

"Mari! Nood ka ng game naming mamaya ah! Para mag-ayos sa game si Troy. Ayaw niyon mapahiya sa'yo eh" sigaw ni Kuya habang naliligo ako sa banyo.

"Oo na Kuya! Alam mo namang nanood naman talaga ako lagi eh. Support ko kay Troy....at sa'yo na rin." sabi ko sabay tawa.

"Dahan-dahan ka diyan sa crush mo. Baka maghiwalay sila ni Cher maging rebound ka pa. Baka ano magawa ko doon.." saad ni Kuya habang kumakain kami.

"ALAM KO! Ayaw ko rin maging rebound noh? Hindi ako bola. Ako bahala sa akin kuya." sabi ko naman.

Bakit? Maghihiwalay na ba talaga sila? Anong alam ni Kuya?

3D%2D֥c

Una pa lang 'ya Lovers! 

Dearest First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon