Chapter 2

806 31 3
                                    


CHAPTER 2

Daniela'S POV

"Giiiiiiiirl!!" Napatakip na lang ako ng tenga. Ang ingay-ingay naman kase ng bestfriend ko e!

"Ang ingay mo naman!" Iritang sita ko sa kanya.

Ang ingay-ingay na nga late pa sa usapan namin. May usapan kase kaming tumambay sa plaza at kumain ng kwek-kwek gaya ng nakasanayan.

"Ay te ang sungit much? Don't tell me buntis ka?! OMYGAHHHAD! ALAM NA BA YAN NI PAPA ANDREI?" Hinampas ko nga!

"Gaga ka baka may makarinig sayo. Kung anu-anong sinasabi mo."

"Eto naman para nagtatanong lang e." Umupo na siya sa tabi ko.
"Tanong ba yun? Eh nag-assume ka na agad. Psh."

"Eh sorry na. Sungit mo naman kase. Ano bang problema girl?" Binuksan niya ang bag niya at kumuha ng piattos. Inagaw ko agad!

"Hoy hoy akin yan e!!" Pagmamaktol niya.

Nasabi ko ba na paborito naming dalawa to? Yung cheese flavor ha!!!

"Heh! Akin na to. Kapalit ng paghihintay ko sayo." Sinimulan ko ng lantakan yung chips.

"Girl naman e. Tinulungan ko pa kaya si mama sa palengke para lang bigyan ng pambili niyan." Pangongonsensiya niya.

Teka nga kilala niyo na ba yung babaeng to?

Siya lang naman po ang pinakabaliw, makulit na kaibigan ko. Si Alexa Locsin, kapatid na ang turing ko diyan palibhasa parehas kaming only child na dalawa kaya nagkakasundo kami.

Minsan sa bahay namin siya natutulog o kaya naman ako ang mangangapit-bahay sa kanila.

Kasama ko siya sa lahat ng bagay. Kahit gaga yang kaibigan ko, mahal na mahal ko siya. Never niya kong iniwan sa lahat ng problema ko.

"Ano na naman yang drama mo diyan ha? Sige na nga sayo na nga yan basta wag ka lang malungkot."

"Namimiss ko na siya.. Aray!" Batukan daw ba ko?

"Kulang pa yan. Para kang sira. Tatlong araw pa lang nakakalis yung jowa mo tas miss mo na agad-agad? Pano na lang kapag nag-isang taon na? Baka maloko ka na diyan!" Litanya niya.

"Eh alam mo namang hindi ako sanay na mawala siya sa tabi ko diba?"

Nabanggit ko na ba na 2 years na kami ni Andrei my loves?

"Girl naman nag-aaral yung tao para sayo at sa pamilya niya no. Alam ko namang mahal na mahal ka nun kaya wag ka ng sumimangot diyan. Pag ikaw nahipan ng masamang hangin tapos naging busangot ang mukha mo ewan ko na lang kung balikan ka pa niya. Hahahaha." Bruhang to.

"Hoy mas maganda pa din ako sayo no." Pang-aasar ko.

"Oo na! Kaya nga may naghahanap sayo no. Teka nga asan na ba yun?!" Luminga-linga pa siya na parang nay hinahanap.

"Sino bang hinahanap mo?"

"Si Paulo." Hanap pa din siya ng hanap.

"Sinong Paulo ba yun? Jowa mo?" Tanong ko.

"Gaga! Ikaw nga ang hinahanap tas jowa ko." Tumawa lang siya.

"Eh sino nga? Kaklase ba natin?"

"Si Paulo na pinagselosan ni Papa Andrei nung grade 6 tayo." Nasamid naman ako sa sarili kong laway.

"Si Paulo Dela Cruz?!"

MY INNOCENT HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon