Kabanata 7

203K 3.2K 165





Kabanata 7




Parang biglang sumama ang tingin ko kay Drake dahil sa sinabi niya, as in kulang nalang mamatay na siya sa titig na ibinibigay ko.




Inilahad nung Maesha ang kamay niya sa harapan ko, sandali kong tinitigan iyon. Napatingin ako kay Drake at sumenyas siya na makipagkamay ako! What the hell?!




"Kei Marie." Pagbabanta ni Drake, dammit! Sino ba siya?!! Padabog kong tinanggap ang kamay ni Maesha at halos manlaki ang mata ko ng pisilin niya ang kamay ko ng sobrang diin! Mabilis kong hinila yon!




"Nice meeting you dear.." Nakangising sabi nitong haponesa na 'to! Nginisian ko lang din siya saka inirapan.




"By the way babe, maiwan muna kita jan, hinihintay rin ako ni Shan.." Malanding paalam ni Maesha.





"Sure babe, tawagan mo nalang ako.." Nakangiting sabi ni Drake saka hinalikan ang labi nito, yuck.. Hinahalikan niya yang babae na yan? Duh.. Pero nalaglag ang panga ko ng makita ng dalawang mata ko kung paano niya pisilin ang dibdib nito..





"Ahh..bye babe.." Paalam ni Maesha saka tumalikod na, hinampas pa ni Drake ang pwetan nito. Mas lalo akong nakaramdam ng inis sakanya.




Humarap na ulit siya saakin.




"Yuck." Bulalas ko saka humarap na ulit ako sa bar counter.




"Yuck?" Natatawang sabi niya.




"Yes. Yuck. As in kadiri ka Drake, paano mo nasisikmurang halikan yon?" Nandidiring sabi ko saka hinila yung beer sa harap niya at tinungga iyon. Hindi seryoso talaga, ang pangit kaya nung haponesa na yon.




"Hahaha! Are you jealous?!" Naibuga ko yung beer sa abs niya! Sht! Ang daming bubugahan sa abs pa talaga niya Marie?!




"Woah. Nice sweetheart, talagang sa katawan ko pa." Nakangising sabi niya, nakakainis! Naiinis ako sa pag asta asta niya! Tumayo na ako at iniwan siyang mag isa don!




"Kei Marie!" Sigaw niya saka hinablot ang braso ko para maiharap ako sakanya.




"Pwede ba Drake, umalis alis ka sa harapan ko!" Naiiritang sabi ko sakanya, napakunot naman ang noo niya.




"Ang taray naman ng best friend ko.. Ni hindi mo manlang ba ako namiss?" Nakangising sabi niya, tinaasan ko naman siya ng kilay.




"At bakit naman kita mamimiss?!!" Sigaw ko sakanya..




"Aish.. Don't shout sweetheart, let's go.. Marami kang dapat ikwento saakin, dalawang taon din yon!" Aniya saka hinila ako sa kamay, nagpupumiglas ako sakanya kaya naman binuhat niya ako ng parang isang sako ng bigas!




"Ibaba mo ako!! Fck sht!!" Sigaw ko pero napanganga ako ng hampasin niya ang pwetan ko!




"Aha. Just like the old times sweetheart.." Ngumingising sabi niya.




Kahit anong gawin kong hampas sa likod niya tinatawanan niya lang ako! Nasa loob na kami ng elevator pero hindi pa rin niya ako binababa!




"Woah, nice one Drake, alam ba ni Maesha yan?" Narinig kong sabi ng isang lalaking kapapasok lang ng elevator.




"Hahaha! Maesha is my little btch dude, best friend ko 'tong buhat ko." Pagyayabang ni Drake. What?! Little btch?




"Hahaha! Little btch for almost one year dude?! Baka mamaya kasal na susunod niyan?!" Natatawang sabi nung kausap niya.




"Psh, sira ulo. Jan ka na." Suway ni Drake ng bumukas ang elevator.





Pagkapasok na pagkapasok namin sa isang kwarto binalibag niya ako sa kama!




"Bullsht!!" Sigaw ko sakanya! Buti nalang malambot yung kama! Nakakainis!




"Hindi ka pa rin nagbabago, mahilig ka pa ring magmura.." Nakangising sabi niya saka tumungo sa ref at kumuha ng tubig.




"Anong gusto mong inumin? Juice? Beer? Water? Ic--"




"Wala!!" Putol ko sa sasabihin niya.




"O-okay." Aniya saka umupo na siya sa couch na kaharap ng kama.




Tinitigan ko siyang mabuti, sobrang laki na talaga ng ipinagbago niya..




"Baka matunaw ako." Nakangiting sabi niya.




"Psh, mayabang." Bulong ko.




"Hahaha. Pero seryoso, namiss kita." Sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko, pakiramdam ko nag init ang mukha ko dahil sa mga titig niya.




"Ayos naman talaga ang tadhana, talagang pinagtagpo tayo dito.." Natatawang sabi niya. Gusto kong matawa sa pagkamakata niya.




"Hindi ba magagalit yung girlfriend mo? Alam mo na nandito ako sa kwarto niyo.." Sabi ko sakanya, mahirap na baka mapaaway pa ako sa maling akala.




"Haha, h'wag kang mag alala hindi naman selosa yon. Saka isa pa, hindi ko girlfriend yon." Aniya saka ginugulo ang buhok niya, napakunot ang noo ko.




"Hi-hindi ba kanina lang sinabi mong girlfriend mo siya? Saka sabi din nung nakasabay natin sa elevator, one year na kayo.." Pag uusisa ko, bakit ba, curious ako!




"Hahaha, yun ba? Wala yon. Sinabi ko lang na girlfriend ko siya, baka hindi maka-points." Natatawang sabi niya, napataas ang kilay ko.




Lumapit siya saakin at pilit ibinaba ang kilay ko.




"Masyadong mataas." Nakangising sabi niya.




"Tumataas lang ang kilay ko kapag hindi ko nagugustuhan ang naririnig ko.. Kailan ka pa nagbago Drake? Bukod diyan sa itsura mo kailan pa nagbago ang ugali mo?" Naiinis na tanong ko sakanya, hindi ko na talaga matiis. Sobra na talaga.




"Ha?" Naguguluhang tanong niya. Tumayo ako at lumayo sakanya.




"Mas mabuti pa yung Drake na dating nerd, yung Drake na alam kong hindi nanloloko ng babae." Naiinis na sabi ko.




"At least yon alam kong hindi siya hayop kagaya ng ibang lalaking manloloko." Dagdag ko, napanganga siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi, mas gusto kong maging kaibigan yung dating siya, hindi yung ngayon na parang mauubusan ng babae kung umasta.




Akmang aalis na ako pero hinila niya ang kamay ko at hinarap niya ako sakanya, nakipag sukatan siya ng tingin saakin!





"Kei Marie.." Bakit ba sa tuwing tatawagin niya ang pangalan ko bat parang ang lambing lambing?! Geez!




"Ano?!!"




"A-ano..siguro nga tama ka, gago ako. Gago ako kasi nanloloko ako ng babae.." Hinila ko ang kamay ko saka humalukipkip.




"Akala ko ba usapan natin maghahanap tayo ng magmamahal saatin ng totoo? Eh mukhang gaguhan pala ang hinanap mo sa Japan?!" Bulyaw ko sakanya! Yes, sineryoso ko ang sinabi niya saakin noon, sinubukan ko namang maghanap eh, yun nga lang yung mga napapatapat saakin iisa lang ang gusto! Hindi ko naman akalain na itong Drake na 'to eh katulad na rin pala ng gagong ex ko!




Sobrang lalim ng titig niya saakin, lumunok siya ng sunod sunod at dun ko lang napansin na nakatingin siya sa dibdib ko! Hinampas ko ang dibdib niya dahilan para matauhan siya! Tumalikod siya sandali at hinila ang isang tshirt na nakasabit sa couch at laking gulat ko ng isuot niya yon saakin!





"Look Kei Marie,.maganda ka, sexy ka, kaakit akit ka. Kaya utang na loob h'wag kang magsusuot niyan sa harapan ko dahil baka makalimutan kong best friend kita." Hindi mapakaling aniya, halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya kaya naman tumingkayad ako para maabot ang buhok niya at sinabunutan ko siya!




"A-aray!! Kei Marie!!" Sigaw niya ng hilahin ko pa lalo ang buhok niya! Hinawakan naman niya ang braso ko at pilit inilalayo sa pagkakasabunot ko sakanya!




"Bastos ka!! Kailan ka pa naging manyak na gago ka!! Nerd ka lang dati!! Ako lang ang nagturo sayo na mag ayos ka! Pero hindi ko itinuro sayo na maging bastos kang sira ulo ka!!" Sigaw ko sakanya at mas lalong pinag igihan ang paghila sa buhok niya!!





"Aish!! Kei Marie!!!" Hiyaw niya saka hinapit ako sa bewang at binuhat saka inihiga ako sa kama! Pinagtutulakan ko siya pero natigilan ako ng tumambad ng sobrang lapit ang abs niya sa mukha ko! Napalunok ako ng sunod sunod! Bumaba siya ng kaunti para magkapantay ang mukha naming dalawa, nasa ibabaw ko siya kaya naman parang ang init init! Oo na! Inaamin ko ng ang hot hot na niya! Pero hindi ko pa rin siya crush! Tse! Katulad lang din siya ng iba jan! May pa-little btch, little btch pa siyang nalalaman!




"Tapos ka na?" Pagbabanta niya!




"Bwisit ka! Babaero! Manyak!" Sigaw ko sakanya! Akmang hahampasin ko siya sa dibdib niya pero mabilis niyang hinuli ang kamay ko at mariin niya akong tinitigan sa mata.




"Isa pang hampas at sigaw mo hahalikan na kita." Pagbabanta niya! Napalunok ako, sige Drake halikan mo nalang ako! Para matapos na 'tong sigawan na 'to! Este! Ano ka ba naman Marie, hindi purket ang gwapo gwapo na niya eh bibigay ka na, at hindi rin purket may malapandesal na abs at nagmumurang dimple siya eh magpapahalay ka na sa manyak na yan!




"Subukan mo! Sasapakin kitang manyak ka!" Hiyaw ko sakanya! Napangisi nanaman siya!




"Hahaha! You sure sweetheart?" Pang aasar niya, ayan nanaman siya sa sweetheart niya! Ang sexy lang ng boses niya, napakamanly lang talaga.





"Oo! Sasapakin tal--" Pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng lamunin na niya ng halik ang labi ko! Hindi ko siya magawang itulak dahil nakakapanghina siyang humalik, mariin na halik na akala mo hinahabol ng kung ano! Napaawang ang bibig ko ng kagatin niya ang ibabang labi ko! Ang init init ng labi niya at lasang alak, hindi ko na namalayang tinutugon ko na rin ang halik niya na naging dahilan para mas palalimin niya ang halik saakin, kailan pa siya naging good kisser?! Wala na Marie, bumigay ka na kaagad sa abs niya.





Pinaghiwalay niya ang labi naming dalawa at umangat siya ng kaunti, dun ko lang napansin na nakapikit siya. Dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at halos tumigil ang pintig ng puso ko ng titigan niya ulit ang mata ko at nagsalita siya.




"Alam mo bang halos mabaliw ako nung gabing tinuruan mo akong humalik. Kakaiba Kei Marie, dahil kahit ilang babae na ang nahalikan ko, yang bibig mong parang machine gun kung magmura pa rin ang hinahanap hanap ko."


****


Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!