Chapter 38: Unfinished Business

Magsimula sa umpisa

“Kung ganoon ay bakit mo pinalabas na masama ka kung sakaling wala ka ngang masamang intensyon? Ano ba yung gulong hindi mo naayos? Ang dami kong tanong sayo Israel. At isa pa, kailan mo pa nakakasama si Jack?”

Ipinatong ni Israel ang kanyang siko sa lamesa at ipinatong naman niya ang kanyang baba sa kanyang kamay...

“Limang daang taon na ang nakalipas simula noong malaman kong isa akong Legendary Vampire. Kagaya ni Van noong una ay hindi ko pa alam kung paano kontrolin ang aking kapangyarihan. Si Gallian Walker ang nagturo sa akin kung paano ito kontrolin, inabot ng isa o dalawang taon bago ko makuha ang huling form ng isang Legendary Vampire. Matapos noon ay ginampanan ko na ang tungkulin ko sa Vampire Clan, madaming umaasa sakin, madaming nagagalit, madaming expectations, kaunting maling galaw mo ay mapapansin nila pero hindi nila mapansin yung mga hirap na nararanasan ko maprotektahan lamang sila” iniyukom ni Israel ang kanyang kamao at tumingin sa kawalan na para bang inaalala ang mga nangyari noon... “Nagbabadyang magkaroon noon ng Great War at kailangan ko iyong pigilan para maiwasan ang pagdanak ng dugo. Nagsimula ‘yun ng malaman kong may chemical na finoformulate ang Vampire Hunter Clan na labag sa batas. Nakasaad sa batas na bawal gumawa o magformulate ng kung ano ang parehong Vampire at Vampire Hunter Clan pero hindi sila sumunod. Nagfoformulate sila ng mga chemical upang gawing panlaban sa mga bampira at panghanda sa Great War...”

“Teka...posible kayang ang mga Vampire Hunter din ang may kagagawan ng pagkalat ng chemical sa mga water systems na siyang naging dahilan kung bakit naging Insane ang mga tao?” tanong ko sa kanya...

“Maaaring sila nga. Nangyari na din iyon noon, kumalat ang chemical sa mga water systems at nalason ang mga tao. Para silang mga asong ulol, naglalaway, nawawala sa sarili at kalaunan ay namamatay. Napigilan lamang ito ng i-quarantine ang buong distrito at nilinis ang mga water systems. Noong ako ay nagbalik, ginusto ko pang burahin lahat ng tao sa distrito...”

Nanlaki ang aming mata sa sinabi niya... “B-Bakit naman?”

“Hindi natin alam, baka may mga taong naaapektuhan pa pala ng chemical pero nagawa nila iyong kontrolin pero matapos ang ilang araw, linggo at buwan ng pagreresearch ay nalaman kong maayos naman ang kalagayan ng buong distrito...”

“So, ano ‘yung gulong hindi mo naayos noon?”

“Hindi ko nagawang ubusin ang lahi ng mga Raven”

***

Third Person’s POV

“Nasaan na ang mga dugo, Victoria?” tanong ni Ivan Crone kay Victoria. Nasa loob sila ng laboratory ng Vampire Hunter Clan kung saan magsasagawa na naman si Ivan ng isang eksperimento...

Inilapag naman ni Victoria ang suitcase sa may lamesa at binuksan ito. Magkakasunod na nakalatag ang mga tubes na may lamang dugo ng mga representatives ng Vampire Clan.... “Mag-ingat ka sa paghawak sa dugo ni Frost at Phoenix, mainit at nagyeyelo ito at hindi ko alam kung anong meron sa dugo ni Van, nung hawakan ko ang tube ng dugo niya ay halo-halong elemento ang naramdaman ko, nakuryente ako, napaso, at nagyelo pa ang daliri ko ng hawakan ito. Nakakabaliw” pahayag ni Victoria habang kumukha ng gloves at isa-isang inilabas ang mga tube at inilagay sa test tube rack...

“Pinapakita lang nito na napakamakapangyarihan nila...” nangingiting sabi ni Ivan habang pinagmamasdan ang mga dugo ng mga bampira. Hindi na siya makapag-intay, gusto na niyang simulan ang kanyang eksperimento. Nakahanda na din ang kanyang plano kung paano sisimulan ang eksperimento. Sinisigurado niyang magiging matagumpay ang kanyang gagawin...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!