Chapter 38: Unfinished Business

Farrah’s POV

“Tinayo niya ang Blood Organization para maayos ang gulong hindi niya nagawang maayos noon”

Nagkatinginan kami ni Jick. Ni isa sa amin ay walang balak magsalita, parang may kung anong nakabara sa aming lalamunan. Hindi ko alam kung paano ko isisiksik sa aking utak ang sinabi niya. Anong gulo? Kung hindi si Israel ang may dahilan kung bakit nagkaroon ng mga Fiends, eh sino ang lumikha sa mga nilalang na iyon? Sino ba talaga si Israel Walker? Napakadaming katanungan sa aking isip na para bang sasabog na ang utak ko. Hindi ko na alam kung paano ko iaanalisa ang lahat...

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Jick...

“Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung natapos ko ang aking tungkulin noon” napalingon kami sa pinanggalingan ng boses sa aming likod at nakatayo si Israel Walker habang nasa likudan niya si Jack na diretso lamang na nakatingin sa amin...

“Sino ka ba talaga?! Bakit ginagawa mo ang lahat ng ‘to?! Si Kiel? S-Si...Jack...ano ba talagang kailangan mo?!” galit na sabi ni Jick. Hinawakan ko ang kanyang braso upang mapakalma siya. Tumingin siya kay Jack at kita sa mga mata ni Jack ang sakit. Alam kong hindi madali sa kanya ang iwan si Jick lalo na’t napakalaki ng pinagsamahan nila hindi lamang bilang magkapatid kundi bilang kasangga at kaibigan...

Nagpakawala ng malalim na hinga si Israel. Hindi ko alam pero mukhang nahihirapan din siya... 

“Tutal ay nandito na rin lamang kayo, sumunod kayo sakin”

Muli kaming nagkatinginan ni Jick at tumango sa isa’t-isa. Hinawakan niya ang aking kamay at sumunod kay Israel. Ang lamig ng kamay ni Jick. Pareho lamang kaming kinakabahan, hindi ko alam kung handa na ba akong malaman ang lahat. Mukha kasing hindi lamang basta-basta ang dahilan ni Israel, nararamdaman kong isang malaking impormasyon ang aming makukuha...

Sumakay kami sa may elevator at ramdam na ramdam ko ang tensyon. Pinindot ni Israel ang button na may nakalagay na -5 at bumaba ang elevator. Dumagdag pa sa kaba ko ang mabilis na pagdating namin sa palapag na dapat naming puntahan. Pagbukas ng elevator ay bumungad naman samin ang buong floor na mistulang opisina. Kakaunti ang tao dito at habang naglalakad kami ay tumatayo ang mga empleyado at nagbobow kay Israel. Mga bampira din sila, sila ang mga normal na bampira lamang na nabibilang sa mga clan pero hindi na-acquire ang mga kapangyarihan nito. Kumbaga may mga dugo sila ng mga matataas na uri ng bampira pero wala silang kapangyarihan. Paano ko nalaman? Syempre, bampira din ako at naaamoy ko ang dugo nila at kung anong lahi ng bampira sila...

Pumasok kami sa isang glass door at dumiretso naman si Israel sa swivel chair at umupo. Nakatayo naman sa tabi niya si Jack. Umupo kami ni Jick sa may couch na kaharap ang table ni Israel...

“Hindi ko na ito pahahabain pa, napakadami kong gustong ipaliwanag. Wala na kaming dahilan para itago pa sa inyo ito dahil nandito na rin lamang kayo para mag-imbestiga. At isa pa, hindi na kaya ni Jack na maglihim sa nag-iisa niyang kapatid” tumingin si Israel kay Jack at ngumiti...

Tumikhim naman si Jick para makuhang muli ang atensyon ni Israel... “Sabihin mo sa amin ang lahat. Bakit bigla ka na lang bumalik at ang masaklap pa nito, pinatay mo si Kiel? Bakit kailangan mong manggulo?”

“Wala akong masamang intensyon” maikling sabi ni Israel...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!