Sixteen

17.8K 323 9
                                    

Chapter 16
Prom

**

Pagkatapos naming manood ng sine ay nagpasya kaming pumunta sa mini garden ng mall na nasa third floor. Pagpunta namin doon ay nagtaka ako dahil kaunti lang ang tao. Romantic naman ang lugar pero kaunti lang ang tao.

May dalawang couple na naroon at mayroon namang isang babaeng aakalain mong gumagawa ng music video dahil sa pagkakatulala nito habang nakatingin sa langit. Iniihip pa ng malakas na hangin ang buhok niya.

Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at hindi na pinansin. Umupo kami ni Niel sa isang bakanteng bench doon. Nilingon niya ako nang makaupo kami.

"Wait lang, ha? Stay here," he said.

"Huh? Saan ka pupunta?" nakakunot-noong tanong ko. He's leaving me here? He smiled and patted my head.

"Basta. Saglit lang ako," aniya bago tumayo. Hindi ko na siya napigilan pa dahil tumakbo na siya paalis.

Saan kaya siya pupunta? Baka mamaya uuwi na pala siya tapos iwan niya 'ko rito, ha? Sasapakin ko talaga siya.

Mga sampung minuto na yata akong naghihintay nang makabalik siya.

"Sorry, natagalan. Ang haba kasi ng pila, eh," sabi niya.

Napansin kong may dala siya kaya napatingin ako doon. May dala siyang dalawang Mcfloat at isang BFF fries. Napangiti ako. Alam niya talaga ang favorite ko.

Tahimik lang kaming kumakain doon habang nakatingin sa harap. Akala mo naman ang ganda-ganda ng view. Kung tutuusin, isang condominium lang naman ang nasa harapan namin. Okay na sana, eh. Ang ganda na sana ng moment na ito dahil romantic din ang paligid. Panira lang 'tong condominium na 'to. Wala tuloy magandang view.

Sabagay. Kahit naman siguro wala ang condominium na iyon, ulap lang din naman ang makikita ko.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang bigla na lang naming marinig na sumigaw ang babaeng parang gumagawa ng music video. Napatingin kami sa kanya. Napatingin din sa kanya ang dalawang couple na narito.

"Walang forever! Iiwan din kayo ng mga lalaking 'yan!" sigaw niya sa kawalan.

Nagulat pa ako nang bumaling siya sa amin pati na rin sa dalawang couple. I was surprised when I saw her crying. Basang-basa na ang mukha niya dahil sa luha. But behind those tears, I can also see the anger and pain in her eyes. She looks broken.

"Kayo! Makinig kayo sa'kin. Iyang mga kasama niyong lalaki ngayon, iiwan din kayo niyan! Walang forever, okay? Iiwan din nila kayo... tulad ng ginawa niyang pag-iwan sa'kin. May pa-promise-promise pa siyang nalalaman na hindi niya ako iiwan, pero anong ginawa niya? Nasaan siya ngayon? Ayun! Nasa babae niya! Kaya kayo, huwag kayong pakampante na hindi kayo iiwan niyan! Tandaan niyo! Ang lalaki, hinding-hindi mabubuhay nang walang kinakalantaring babae!"

Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya habang umiiyak pa rin.

"What was that?" I heard Niel asked.

I shrugged. Somehow, naaawa ako sa babaeng 'yon. Halatang kagagaling niya lang sa isang relasyon. At mukhang hindi naging maganda ang ending ng relasyon nila ng kung sino mang lalaki iyon.

"Ano kayang nangyari sa kanya?" tanong ko.

Nagkibit-balikat si Niel. "Hayaan mo na lang 'yon. Mukhang masyado yata siyang nasaktan sa ginawa sa kanya ng ex niya."

"Naaawa ako sa kanya. Mukhang hindi na yata siya maniniwala sa forever dahil sa naging boyfriend niya. Baka tuluyan na niyang isarado ang puso niya sa iba. Ano kayang nangyari sa kanila?" curious kong tanong.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon