Chapter 56 - Anong nangyayari?

73.4K 1.4K 22
                                    

Isa-isa silang niyakap ni tito Zion, pagkababa nila ng speed boat.

"Good job mga anak, sobrang proud ako sa inyo." Madamdaming saad nito.

Isinakay na sa naka stand by, na ambulance ang sina Thor at Zeus. Sinamahan ni Quen ang mga ito. Si Dwayne at Ap ay sumabay kay Zion.

Sila nalang ni Caleb ang naiwan sa pampang.

"Ba—by," nanantiyang tawag ni Jenna sa nobyo.

Binuksan nito ang pinto ng sasakyan nito. "Get in." Caleb said, coldly.

Walang imik na tumalima siya.

"Mayor, idideretso ko na ba sa hospital?" Nakatingin sa review mirror na tanong ni Manong Randy.

"Huwag na po, manong." Maagap na tutol ni Jenna sa driver ni Caleb. "Sa bahay nalang po."

"Sigurado ka ma'am?" tanong nito sa kanya ngunit kay Caleb nakatingin.

"Op-----"

"Sa bahay daw, kuya." Walang emosyong putol ni Caleb sa salita niya.

Pinili nalang ni Jenna ang manahimik. Tatanggapin niya ang galit ni Caleb, total kasalanan naman niya dahil hindi siya nagpaalam dito.

Dahil sa pagod at sakit ng katawang tinamo, nakatulog si Jenna ng hindi niya namamalayan.

***

"Sa tanda kung ito mayor, parang gusto kong maging bayolente at gantihan ang gumawa kay ma'am niyan." Bahagyang sumulyap si Manong Randy kay Jenna.

Nagtangis ang mga ngipin ni Caleb. Kanina pa niya pinipigilan ang galit magmula ng makita niya ang itsura ni Jenna. Putok ang labi nito at may sugat sa noo.

Hindi siya nagagalit hindi dahil hindi ito nagpa-alam, nagagalit siya sa gumawa nito sa dalaga. Mukhang halang ang kaluluwa ng mga nakaharap ng mga ito, dahil kahit babae ay pinatulan nito.

Inaamin niya na nakaramdam siya ng tampo. Bakit hindi man lang sinabi ni Jenna ang problema sa kanya? Dahil hindi pa ba siya parte ng pamilya nito?

Pwes, sisiguraduhin niya ngayong ding araw na ito magiging parte siya.

"Kuya, ideretso mo na sa bahay. Ako na ang gagamot sa mga sugat niya."

***

Nagising si Jenna dahil sa marahang pagdampi ng malambot na bagay sa kanyang bibig. Malamlam na titig ni Caleb ang sumalubong sa kanya ng imulat niya ang kanyang mga mata.

"Shhh, stay still," hinawakan ni Caleb ang kanyang mga braso ng magtangka siyang bumangon.

Inikot niya ang paningin, pamilyar sa kanya ang silid. Bakit siya nandito? Dalawang oras ba siyang nakatulog at hindi niya namalayan na nasa Sta. Monica na siya, sa kuwarto pa ni Caleb.

Jenna pouted ng maalala ang malamig na pagtrato ni Caleb sa kanya kanina.

Ngunit agad din siyang napaaray. Tsaka lang niya naalala na may sugat pala ang labi niya.

"Ouch," daing niya.

Caleb glared at her, "Ang tigas kasi ng ulo, sabi ng huwag gumalaw."

Ng matapos ni Caleb ang paggamot sa mga sugat niya ay tumayo ito. "Take a bath, pagkatapos mo ay may pupuntahan tayo."

"Where?"

Hindi na sumagot si Caleb, tinitigan lang siya nito. "Sungit," kahit masakit pa ang katawan ay pinilit niyang tumayo at sinunod ito. "Pasalamat kang mayor ka at kasalanan ko."

Paglabas niya ng banyo nakalatag na sa kama nito ang isang puting bestida na sa tantya niya ay aabot sa kanyang tuhod.

Napangiti siya ng maisuot ang bestida, it looks simple and elegant.

Pilit niyang inaabot ang zipper sa kanyang likod ng bumukas ang pinto ng silid at iniluwa si Caleb.

Napatitig siya sa repleksiyon ni Caleb sa salamin, nakasuot ito ng long sleeve na puti.

"Pasalamat ka mayor, dahil putok ang labi ko. Kung hindi kanina pa kita pinapak."

"You're drooling." Mayabang na saad nito.

Jenna rolled her eyes, "hindi ah." Pagde-deny niya. "Saan ba tayo pupunta?"

Marahan nitong pinalis ang kamay niya at ito na mismo ang nagtaas ng zipper ng bestida niya. Sa halip na sagutin siya ay hinawakan nito ang kamay niya "Let's go!"

Pumasok ang sasakyan nila sa grahe ng hindi pamilyar na mansion. Paglabas nila ng sasakyan ay mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya.

Natawa tuloy si Jenna. "Woah, hindi ako tatakbo mayor. Kung makakapit ka wagas?" Biro niya kay Caleb. Ngunit agad ding nawala ang ngiti niya ng maramandamang nanlalamig ang palad nito.

Napalingon si Jenna sa kanyang likod. Maluwang ang pagkakangiti ng matanda, kabaliktaran kay Caleb na seryoso ang mukha. "Manong, kanino po bang bahay to?"

Sa halip na sagutin siya ng matanda, ay iba ang lumabas sa labi nito "Congrats, ma'am!"

"Ha?"

Nagtatakang nagpapat-lipat ang tingin niya kay manong Randy at Caleb. Bakit ba ang weird ng mga ito? May nangyari ba habang tulog siya?

Isang matandang lalake at babae ang nadatnan nila.

"Siya na ba iho?" Maluwang ang ngitin sa labing tanong ng matandang lalake.

"Opo, ninong."

"Napakaganda nga niya." May paghangang nakatingin sa kanya ang matandang babae.

"Magaling pumili ang inaanak ko, mana sa ninong." Tumawa ang matandang lalake. "Tara na sa office, at ng masimulan na natin. Kung ako ba naman ang nasa katuyaan mo iho, maniniguro din ako."

Hinampas ito sa braso ng matandang babae. "Ginawa mo na nga."

Naguguluhan man ay pilit na ngumiti si Jenna. "Anong nagyayari? Hindi ako makarelate."

Judge Renato Fortun, basa niya sa nakapatong sa mesa. Judge? Hindi pa nakakapag-function ang utak niya ng magsalita ang matanda.

"Nasan ang singsing iho?"

Singsing?

Nanlaki ang mga mata ni Jenna ng inilabas ni Caleb ang kahita mula sa bulsa nito.

Judge?

Singsing?

Tinignan ni Jenna ang kanyang damit at ang kay Caleb

Puti?

Anak ng-----

Marahan niyang pinalis ang kamay ni Caleb ngunit humigpit ang hawak nito sa kanya.

"Saglit, anong nagyayari?"

"Ba--by" Dumaan ang takot sa mga mata ni Caleb habang nakatitig sa kanya.





The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon