Chapter 55 - Rescue

79.1K 1.4K 13
                                    

JJenna is busy sorting file of their previous client's ng umilaw ang emergency button sa mesa niya. Kasunod nito ay ang boses na tiyuhin na si Zion.

"Storm, Quen, Zeus, and Aphodite, I need you in my office now." He said in an urgent voice.

Kumunot ang noo ni Jenna sa narinig. Mukhang may hindi magandang nangyari. Mabilis niyang binitiwan ang ginagawa.

Naabutan na niya sa opisina ng tiyuhin ang pinsang si Quen, nakatiim bagang habang tumitipa sa laptop nito. Bigla siyang kinabahan, sino kaya sa pamilya nila ang nasa panganib?

Madilim ang mukha at nakakuyom din ang palad ng kanyang tito Zion.

"Anong meron tito?"

"Maupo ka muna, let's wait for the others." Tipid nitong wika.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din ang magkapatid na si Ap at Zeus.

Napuno ng katahimikan ang opisina ng tiyuhin. Kapag silang magpipinsan lang ang ipinatawag ng tiyuhin ay alam nilang pamilya nila ang involved. May hinala na si Jenna sa isip, ngunit wala siyang lakas na loob na isatinig ito.

Bumuga ng hangin si Zion, "you already knew the reason every time I call for an urgent meeting." Matiim na pinagmasdan ni Zion sina Jenna, Ap, Quen at Zeus. "One of you, is in danger."

Tila nanghina ni Jenna, kahit hindi tukuyin ng tiyuhin kung sino ay malinaw na sa kanilang lahat.

"Thor is in danger, he got caught."

May minamanmanang sindikato ang kanyang kuya Thor.

"I already traced, where he is, buti nalang maagap siyang nakapag-padala ng signal." Quen.

"Kailan ang alis natin pa?" Halos magbuga ng apoy ang mga mat ani Zeus sa galit.

Alam ni Jenna na katulad niya ay nag-aalala ang mga pinsan sa kanyang kapatid. Lumaki silang magkakasama kaya higit pa sa kapatid ang turing nila sa isa't isa.

"Bukas ng madaling araw. " Zion

"I'm In," mariing wika ni Ap, matalim ang kislap ng mga mata.

Tinapik ni Zeus ang kanyang balikat, "Don't worry Storm, Thor can handle it, habang hinihintay niya tayo. You know your brother, magaling yun, torpe lang."

"Yes, kuya."

***

Tulala si Jenna habang pinag-mamasdan ang cellphone sa kanyang harapan. Nagtatalo ang kalooban niya kung sasabihin niya ba kay Caleb ang sitwasyon ng kapatid.

Humugot siya ng malalim na hininga and she dialed Caleb's number.

"Hello baby? Nami-miss mo na naman ako?" Mayabang na bungad ni Caleb sa kanya ng sagutin nito ang tawag niya.

"Hi, baby," kagat labi niyang sagot. Pilit niyang pinasaya ang boses. "Naasan ka?"

"I'm in the middle of conference, baby."

Nanlaki ang mga mata ni Jenna, "What? Bakit mo sinagot ang tawag ko? Sige na, mamaya nalang."

Caleb chuckled, "takot ko lang sa magiging misis ko. Baka lagyan na naman ng mansanas ang ulo ko, mahirap na."

Halos dumugo na ang kanyang labi sa pagkaka kagat. Tumikhim siya para pakaswalin ang boses. " Mauulit lang yun kapag nag-bar ka ulit." Pilit siyang tumawa, "sige na baby, baka kung ano ng sabihin nila sayo diyan. I love you, so much!" "I'm sorry, baby."

"Okay baby, bye, I love you more. See you tomorrow." Masayang paalam ni Caleb sa kanya.

Bumulong si Jenna sa hangin, "I'm sorry baby, ayoko ng dumagdag sa mga alalahanin mo."

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon