WASMAG 6: Bothered...

Start from the beginning
                                    

"Oo na oo na! Atat naman nito masyado!" Pagkatapos nyang magreply sa akin ay pasimple itong tumingin sa relo nya.

"Ahy Ice, Blaze sorry kung kailangan ko nang umalis ah! Gabi na rin kasi at...uhmm...ano kasi ehh hehe..." Anubato? Di nya masabi ang mga katagang 'Magdadate kami ni Nike ngayon' oh diba simple lang naman, di nya pa mabigkas.

Inaabangan naman nilang lahat ang katuloy nito.

"...uhmm may pupuntahan kami ni Nike ngayon." Malumanay na sabi nito.

"Ow okay... So Nike ingatan mo to ah!" Sabi sa akin ni Ice at nagtaas baba pa ng kilay. Nagets ko naman ang nais nitong maipahiwatig kaya naman ngumiti at tumango na lang ako sa kanya.

Tumayo na ako at naglakad na. Nakita kong masama ang tingin sa akin nung Ford ba yun? Problema nito! Tusukin ko mata nya eh.

Nang malapit na kami sa pinto ng wala man lang nagsasalita ay bigla na lang may tumawag kay Konan.

"Konan! San kayo pupunta?" Tanong ng hampaslupang sarap hampasin sa lupa.

Hindi na ako nakatiis at ako na ang sumagot. "Hindi nya ba nasabi sa iyo? Magdadate kami ngayon. Narinig mo? DATE! Kaya naman, may you excuse us at may pupuntahan pa kami." Sabi ko dito saka ngumisi. Haha ano ka ngayon! Wala ulul ka kasi.

Umakbay pa ako kay Konan na tahimik pa rin hanggang sa pumasok kami sa kotse.

"So saan mo gusto pumunta?" Tanong ko sa kanya.

"Uhmm kahit saan lang ikaw na bahala."

"Bakit ba ang tahimik mo? Ayaw mo ba akong makasama?" Tanong ko with palungkot effect pa.

" Hindi naman sa ganun. Kasi...ano ehh...nahihiya ako. First time ko kasing makipagdate hehe." Ahh! So kaya pala.

"Then I'll make your first time your best time and definitely not the last time." Nginitian ko na sya at nginitian nya na rin ako pabalik. Shucks! Cute nya talaga.

"Ayan! Mas cute ka kapag nakasmile hindi nakasimangot. Kaya smile ka na palagi ah!" Sabi ko saka inistart na ang kotse.
Balak ko kasi syang dalhin sa place na gustong gusto ko noong bata pa ako.

Medyo malayo ang pupuntahan namin kaya pinatulog ko muna sya.

--------

Nasa 30 minutes rin ang byahe papuntang Antipolo, Rizal.

Dito ko siya gustong dalhin. Isang overviewing of Metro Manila.

Pagkababa namin ay kinuha ko na ang ibang gamit na gagamitin namin. Inopen ko na rin ang iba't ibang kulay na mga ilaw na nakakakabit sa puno. Buti na kang walang pumupunta dito. Nagmistulang christmas lights ang mga puno.

Si Konan naman, ayun! Parang batang nakakakita ng fireworks. Wow kasi ng wow eh.

May inihanda na rin akong table for two at pagkain para na rin dito sa date namin. Nagpatulong pa ako sa mga tauhan ng papa ko para labg dito.

"So nagustuhan mo ba?" Tanong ko kay Konan ng nakaupo na kami. "Yes! Super, grave ang ganda dito Nike! Sobrang kitang kita mo ang Metro Manila! Tapos ang gaganda pa ng mga lights na nilagay mo sa puno! Basta alll in all ang ganda talaga."

Nakakatuwa naman na nagustuhan nya ang effort ko.

"Syempre naman! Diba nga sabi ko, I'll make your first time the best time and definitely not your last time." Nginitian nya ako. Syet! Ayan nanaman ang mga insekto sa akin tyan.

Kumain na kami at nagkwentuhan na rin.

Pagkatapos magkwentuhan ay naglatag ako ng isang blanket sa damuhan at humiga kaming dalawa doon, nakatingin sa stars.

"Alam mo Nike, pinasaya mo talaga ako ngayong araw. Salamat ah!" Sabi nya pambasag katahimikan.

"Walang anuman basta ikaw." Nakangiti kong saad sa kanya.

"Pero matanong nga kita Nike, wala ka bang trabaho or girlfriends or something?"

"Uhmm...actually, my dad is your CEO and President of your company." Nagulat naman daw sya doon. "Seriously?" Tanong nya. Tumango na lang ako.

"Pero bakit hindi naman kita nakikitang nagtratrabaho?"

"Kasi, ayaw ko pa. Pinilit na nga ako ni Gray, ni mommy, ni daddy at kung sino sino pa pero kasi hindi pa nga ako handa. Parang gusto ko pang maranasan ang maging free kasi parang pag may trabaho ka na eh parang mawawalan ka na ng time sa sarili mo. Hindi mo na magagawa yung mga bagay na kaya mong gawin dati like, partying, pagbabar something like that." Nakatingin lang sya sa akin, nakikinig.

"Eh asan mommy mo tsaka wala ka bang kapatid?"

"Ahh...yung mommy ko, nasa states tapos wala na rin akong naging kapatid hehe tsaka bakit dami mong tanong?" Sabi ko sa kanya.

"Okay but one last question, bakit ang libog mo?"

"Ahahahahahahahaha!!!!" Tawa ko.

"Oh bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Siya.

"Ah wala naman. Siguro iniisip mo pa rin yun noh? Bakit, gusto mong gawin natin? Right here, Right now" sabi ko with my seductive voice.

"Yuck!! Ang baboy!" Sabi nito with matching facial expressions pa at hand gestures.

Katahimikan nanaman ang bunalot sa amin.

"Uhmm Nike? Bakit mo to ginagawa?" Tanong nya.

"Ahh wala lang. Gusto lang kitang mapasaya. Kasi naman ang cute mo atsaka yung mga ngiti mo parang ang hirap tanggalin ang mga ngiting yun. Plus kung tumawa kapa, stress reliever na. Hehe" sabi ko sa kanya at napangiti na rin ito. Cute nya talaga.

Ilang sandali pa ay hinatid ko na sya sa bahay nila.

"Salamat ah! Salamat sa lahat!" Ngumiti nanaman ito sa akin.

"Ayan! Smile ka lang ah! Okay lang yun!" Sabi ko.

Papasok na sana ito sa bahay nila nang bumalik ito sa akin at hindi inaasahan ang gagawin nito sa akin.

Hinalikan ako nito sa cheeks. Saka dali daling pumasok na sa bahay nya.

Ako naman parang naestatwa na dun. Hindi ko alam ang gagawin ko. Automatically, yung heart ko super pump nanaman na parang wala nang bukas atsaka yung mga insekto at paruparo sa loob ko.

Tama nga talaga ang hinala ko.

Akala ko admiration lang ito dahil nga cute sya.

Hindi ko naman alam na pupunta pala dito sa puntong ito.

Basta, iisa lang ang naiisip ko ngayon. Kailangan ko nang sabihin sa kanya sa lalong madaling panahon at hindi ko na hahayaang mapunta sya sa iba lalo na sa Ford na yun. dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko.
.

.

.

.

.

.
Mahal na kita...

.

.

.

.

.

.

...Konan.

=========

Chumacharot si Nike oh! Haha.

Anyways, salamat sa support nyo dito at walang sawang paghihintay sa UD ko.

Sa totoo lang talagang napakahectic ng schedule ko. Super daming gagawin sa school lalo na at STE student ka tapos g10 pa. Wew...

So salamat po sa inyo! I love you all!


When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. IIWhere stories live. Discover now