CHAPTER 1
"Hindi ba pwedeng wag ka na lang umalis?" Umiiyak na tanong ko.
Ako nga pala si Daniela Mendoza, 14 years old na ko at 3rd year high school sa pampublikong paaralan dito sa Leyte.
Bakasyon namin ngayon pero hindi ko magawang magsaya dahil aalis na aking nobyo.
"Diba napag-usapan na natin to mahal ko?" Pinunasan niya ang mga luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko. "Apat na taon lang naman akong mawawala."
Siya si Andrei Cortez, una at huli kong magiging nobyo.
Alam kong bata pa lang ako para sabihin ito pero yun ang nararamdaman ko.
Kung mapupunta lang din naman ako sa iba, mas gugustuhin ko pang mawala na lang sa mundo.
Ipinangako ko na din sa sarili ko na siya lang ang tanging lalaking mamahalin ko.
Siya ang lalaking makakasama ko sa buong buhay ko.
Siya ang lalaking magiging kabiyak ko.
Siya ang magiging ama ng magiging mga anak ko.
Siya ang taong makakasama ko kapag kulubot na ang mga balat ko.
Maliit lang ang baryo namin kaya magkakakilala na ang bawat isa. Nakakalaro ko na siya dati pa man. Pero hindi pa kami naging sobrang close nun.
Mas matanda kase siya sakin ng dalawang taon tapos magakaiba pa ang eskwelahan ng elementary at high school dito.
Isa pa napakasungit niyan noong nagbibinata siya, naging sobrang seryoso siya sa pag-aaral kaya hindi ko na siya masyadong nakakausap pero ewan ko ba diyan at bigla na lang akong nilapitan nung may kumakausap sakin na kaklase ko noong grade 6.
Sabihan ba naman yung lalaki na layuan daw ako kesyo nagseselos siya kapag may lumalapit na iba sa girlfriend niya.
At dahil nga maliit lang itong lugar namin, agad kumalat ang balita.
Hindi naman ako pinagbawalan ni nanay dahil sabi niya may isip na ako at alam ko na ang tama at mali. Hindi naman kase ako kagaya ng ibang babae na puro lovelife lang ang iniisip. Tumutulong ako kay inay sa paglalabada niya. Scholar din ako sa eskwelahan namin kaya hindi ako pabigat sa kanya.
"Mahal natahimik ka na diyan.." Niyakap na niya ko. "Wag ka ng umiyak please. Alam mo namang ayaw kitang nakikitang ganyan."
"Mas lalo na lang kaya akong umiyak para di ka na umalis?" Tumingala ako sa kanya. Nakaupo ako sa mga bato dito sa ilog na palagi naming tinatambayan habang siya ay nakatayo.
"Daniela.."
"Hay. Oo na sige na. Mamimiss lang naman kase talaga kita e."
"Alam ko naman yun. Bakit akala mo ba sakin hindi kita mamimiss?"
"Susulatan mo ko ha?"
"Oo naman lagi kitang papadalan ng sulat. Kay nanay ko na lang ipapadala para hindi mahal ang bayad." Nabigyan kase siya ng pagkakataong nag-aral sa UP Diliman kaya siya aalis.
Pambihirang pagkakataon ito para sa amin kaya hindi maaaring palampasin.
Proud naman ako sa nobyo ko dahil siya ang kauna-unahang makakapag-aral sa Maynila sa baryo namin kaya lang hindi ko talaga maiwasang malungkot.
"Maraming magagandang babae dun.." Hindi ko napigilang sabihin.
"Ikaw ang pinakamaganda para sakin."
"Maraming sexy dun."
"Ikaw ang pinaka-sexy para sakin kahit para kang tingting." Tawa pa siya ng tawa. Kinurot ko nga!
"Tignan mo to. Tingting pala ha! Psh. Nag-iisa lang to no."
"Oo naman nagi-isa ka lang na tingting at... flat chested. HAHAHAHA."
"ANDREI. Hindi nako natutuwa ah." Inalis ko na yung pagkakayakap niya sakin.
Alam ko namang flat chested at tingting yung katawan ko e. Kaya nga ako nag-aalala dahil nabalitaan ko sa bestfriend ko na ang mga babae daw sa Maynila ay puro sexy. Huhuhu.
Ang gwapo pa naman ng Andrei ko. Hindi malayong hindi sila magkagusto sa kanya.
Hinarap niya yung mukha ko sa kanya. Hindi ko siya tinignan. "Mahal ko.. tignan mo ko.." Pakiusap niya kaya di ko din siya natiis.
"Ikaw lang ang babaeng mahal ko okay? Mahal kita kahit may mas maganda pa kong makilala sa Maynila." Inirapan ko nga.
"HAHAHA. Ehem. Mahal kita kahit na diretsong-diretso yang katawan mo-"
"Isa!" Nakakainis na ha!
"Mahal kita kahit na napakasungit at matampuhin mo. Mahal ko lahat ng bumubuo sayo. Mahal na mahal kita." Hinalikan niya ko sa pisngi.
Nawala lahat ng pag-aalinlangan ko ng dahil sa isang halik mula sa kanya.
Mahal ko talaga ang Andrei ng buhay ko.
***
Two years ago ko pa dapat to ipo-post kaya lang di ko ma-finalize yung mga mangyayare, pero ngayon okay na.
Dapat ituloy o hindi?
BINABASA MO ANG
MY INNOCENT HEART
Teen FictionHi Francis Daniela Mendoza! Thank you for joining our game and congratulations for winning!