Kabanata 6

211K 2.8K 139







Kabanata 6




MARIE'S P.O.V




"Bilis na girl!!" Sigaw ni Mateo! Katrabaho ko siya sa company nila Rica, gusto ko sanang mag flight attendant kaso hindi ako pumasa sa medical dahil may history ako ng sakit sa puso, kaya naman ipinasok nalang ako ni Rica sa Go De Perfumè Company na pag aari ng Daddy niya. Si Rica naman mas piniling magparty kung saan saan, habang si Jasmin naman ay isang nurse na!





Minamadali ako ngayon lumabas ni Mateo dahil nai-close namin ang deal sa mga investors dito sa boracay, kaya naman nagyaya na siyang mag night life. For sure maghahanap lang ng lalaki yang bakla na yan!





Pagkalabas na pagkalabas ko mabilis na sinuri ni Mateo ang buong katawan ko, nakasuot ako ng red two piece at white see through na palda.




"Perfect!! Sexy mo girl!" Hiyaw niya saka hinila na ako palabas ng hotel!





Dumiretso na kami sa mga nagpaparty na tao, sobrang ingay dahil sa sigawan at lakas ng tugtog, kaagad pumunta sa dance floor si Mateo at nakipag gilingan sa kung kaninong lalaki! Napailing nalang ako at umupo sa bar stool.




"Bloody mary please!" Hiyaw ko sa bartender kaagad naman niyang ginawa ang order ko at pinadulas iyon papunta saakin sabay kinindatan ako, napangisi ako.




Lumapit siya sa isang kasamahan niya at tinapik niya ang braso nito saka sumenyas na may pupuntahan lang. Ibinalik niya ulit ang tingin saakin at naglakad palapit saakin.




"Mind if I join you?" Tanong niya, nginitian ko siya, maya maya lang mabilis na niyang inangkin ang labi ko! Pero kaagad ko din siyang itinulak sa dibdib niya at pinadulas ko ang point finger ko sa hubad niyang katawan.




Ngumisi siya, actually hindi siya gwapo, maganda lang ang katawan.




"Ayaw mo?" Natatawang bulong niya sa tenga ko.




"I'm sorry, hindi ka marunong humalik." Nakangiting sabi ko, napanganga siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi, kung humalik akala mo first timer. Psh. Kinuha ko ang drinks ko at iniwan na siyang mag isa don, nilapitan ko si Mateo at hinila ko siya. We dance like there was no tomorrow.





"Alright! Come on crazy girl!" Hiyaw ni bakla saka inikot ako! Ibinato ko yung baso ko dun sa sand at sinayaw ko si Mateo!




"Yuck girl! Gusto ko lalake!" Natatawang aniya, nginitian ko lang siya pinag igihan ang pagsasayaw! wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, wala naman akong ginagawang masama sakanila, at isa pa kanya kanyang paraan lang yan para maging masaya.




Sa dalawang taong lumipas masasabi kong naging masaya ako kahit kaunti, masasabi kong nakamove on na ako. Pero mananatili sa puso ko ang anak ko, at kahit kailan hindi ko siya makakalimutan.




May mga naging boyfriends na rin naman ako, yeah with 'S' so what? Masama na bang makipag boyfriend? Pero this time sinisigurado ko ng hindi ako ang masasaktan, kundi sila.. Sinisigurado ko ng kahit kailan hinding hindi na ako iiyak para lang sa isang lalaki dahil wala silang kwenta.




"Hahaha! Girl! Pagod na ako!" Sigaw ni Mateo sa tenga ko saka hinila na ako palayo sa mga sumasayaw, sobrang lakas ng tawanan naming dalawa, mabilis kaming humiga sa sand at tinignan ang kalangitan na sobrang daming bituin.




"Ma, Pa.. Salamat sa pagbabantay, nai-close namin yung deal!!" Sobrang tinis ng boses nitong si Mateo, yeah kinakausap niya ang parents niya..na parehong nasa langit na, yun siguro ang isang dahilan kung bakit naging magkasundo kami, pareho kaming nawalan ng minamahal, siya ang mga magulang niya, ako naman ang anak ko.




"Baby Ria...thank you." Bulong ko at naramdaman ko nalang na pinunasan ni Mateo ang luha sa gilid ng mata ko, tumawa kami ng malakas na akala mo nababaliw! Umupo kami at inakbayan niya ako, humilig ako sa balikat niya. Bukod siguro sa mga kaibigan kong si Jasmin at Rica, maituturi ko ring kaibigan itong baklang 'to..




"Oy girl, nakita kita kanina.. Tinulak mo si mr.bartender.." Natatawang sabi niya.




"Hahaha! Yun ba? Wala eh, hindi marunong humalik. Kala mo first timer.." Natatawang sabi ko..




Natahimik kaming dalawa ng may lalaking nakatayo sa may pampang ng beach, naka-beach short ito, pero nakatop less. Napanganga kaming dalawa ni Mateo dahil sa abs nito, sobrang tangkad niya na akala mo tumungga ng isang dosenang cherifer, yung buhok niya medyo basa at gulo gulo, ang tangos ng ilong at medyo singkit ang kanyang mata, maputi rin siya. Geez, maputi pa ata saakin. May kausap siya sa cellphone niya, at napatingin siya sa gawi namin, nalaglag ang panga ko ng makita kong nagmura ang dimple niya sa pagkakatawa dun sa kausap niya sa phone, shtness overload! Ang gwapo! Saan ko nga ba nakita ang dimple na yon?




"Teh..nalaglag yata ang panty ko.." Natatawang sabi ni Mateo, yep! Nagpapanty yang gaga na yan!




Napakunot ang noo nung gwapong lalaki na nagmumura ang dimple ng magtama ang mata naming dalawa, parang may kung anong humihila saakin sa mga titig na ibinibigay niya. Bigla siyang ngumisi, isang ngisi na nakakaasar na parang sobrang yabang, tinaasan ko siya ng kilay pero nanlaki ang mata ko ng tawanan nanaman niya ako.



"Teh.. Ang ngiti sayo bongga!" Bulong ni Mateo.




Pagkatapos niyang makipag usap dun sa letcheng cellphone niya naglakad siya palapit saamin!




"Teh..ayan na ayan na.. Ipakita mo na yang sexy body mo! Ang yummy teh, ay shet teh bat ganun yung lips ang pinkish sarap kagatin.." Napakahaliparot talaga nitong bakla na 'to, pero totoo ang sinasabi niya parang ang sarap halikan ng labi niya.




Nang makalapit na siya sa pwesto namin laking gulat ko ng hilahin niya ang kamay ko at bigla niya akong niyakap!! Ang init....ng abs niya, at ang bango..hmm, sarap singhutin, hanggang balikat niya lang ako kaya naman nakapatong ang pisngi ko sa dibdib niya! Pero bigla akong natauhan! Mabilis ko siyang itinulak! At syempre kunyari pakipot effect, sinampal ko siya ng malakas!




"Bastos!!" Sigaw ko! Napahawak siya sa kaliwang pisngi niya! Hinila ko na si Mateo saka naglakad pabalik dun sa mga sumasayaw! Nilingon ko ulit yung lalaki pero tinawanan niya lang ako habang minamasahe yung panga niyang namumula sa pagkakasampal ko! Nanlaki ang mata ko ng kinindatan niya ako. I raised my middle finger in the air saka binelatan ko siya na mas lalong nagpatawa sakanya! Dammit! May nakakatawa ba sa ginawa ko?! Hindi ko na siya crush! Yuck crush? Pang high school.. Hehe..




Nakipagsayawan na ulit kami ni Mateo at uminom hanggang sa maramdaman ko na rin ang pagkahilo, grabe na rin makipag sayaw ang ibang tao dito, pero lahat sila ngiting ngiti. Nahagip ng mata ko yung lalaking sinampal ko kanina, nakakainis dahil nakangiti pa rin siya saakin kahit na may kasayaw siyang ibang babae, nanlaki ang mata ko ng bigla niya itong halikan sa labi, dammit! Magaling siyang humalik! Nakita pa ng dalawang mata ko kung paano niya lakbayin ang loob ng bibig nung babaeng kasayaw niya!




Tumingin ulit siya saakin sabay kinindatan ako at lumagok ng beer na hawak niya, namumula na ang mukha at dibdib niya dahil siguro sa alak. Inirapan ko na siya.




"Zee-ar lang ako.." Paalam ni Mateo na akala mo nakadrugs dahil ngiting ngiti, if I know lasing na yan! Kanina pa siya CR ng CR eh.




"Gora." Sabi ko sabay tinapik ko siya sa balikat. Naglakad na ako paalis ng dance floor para kumuha ng alak sa bar counter.



"Two shots of vodka!!" Hiyaw ko saka tumungo ako, ang sakit na ng ulo ko pero kaya ko pa naman..




"Make it four!" Napatingin ako sa tumabi saakin, nagpapacute ba 'tong sira ulo na 'to?! Oo! Yung may malapandesal na abs! At nagmumurang dimple ang tumabi saakin! Yung boses niya lalaking lalaki at boses gwapo!




"Nang aasar ka ba?!" Sigaw ko sakanya! Pero tumungga lang siya sa beer na hawak niya at nginitian ako saka umiling..




"Long time no see.." Nakangising sabi niya, napakunot ang noo ko.




"Pinagsasasabi mo jan?!" Hiyaw ko sakanya, kinuha ko na yung vodka na binigay ng bartender at mabilis kong tinungga iyon.




"Woa, dahan dahan.. Ngayon ka lang ba ulit nakatikim ng alak?" Nakangiting sabi niya, ghad! Yung dimple niya nakakainis talaga, at yung ngipin niya sht lang pantay pantay at sobrang puti, at gaya ng sabi ni Mateo, pinkish ang lips nitong lalaki na ito.




"Oo! Bakit ba?! Isang taon na rin ang lumipas simula ng makatikim ng alak ang lalamunan at dila ko!" Hiyaw ko, yep halos isang taon na rin akong hindi laman ng bar.




"That's good to hear sweetheart.." Halos magtayuan ang balahibo ko sa itinawag niya saakin.



"E-excuse me?!!" Nakakunot noong tanong ko!



"Dadaan ka?" Nakangising sabi niya! Nanlaki ang mata ko at sa hindi ko malamang dahilan hinampas ko ang dibdib niya!



"Woah!" Sigaw niya at hinila yung kamay ko! Parang nawala yung kalasingan ko ng mahawakan niya ang kamay ko! Mainit yung kamay niya na parang may dalang kuryente.




Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at halos makiliti ako sa paghinga niya!




"I miss you Kei Marie.." Bulong niya sa tenga ko na naging dahilan para manlaki ang mata ko! Kilala ako nitong damuho na 'to?!!




Itutulak ko sana siya pero sobrang lakas niya, ang higpit higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko, at nalaglag ang panga ko sa sunod na ibinulong niya sa tenga ko habang siya ay patuloy sa pagngisi!



"Turuan mo akong humalik."


Dun na ako nagkaroon ng lakas para hilahin ang kamay ko! Itinulak ko siya at mariin ko siyang tinitigan sa mukha! At halos mapanganga ako ng makilala ko na siya.. Isang lalaki lang ang nagpaturo saaking humalik at siya si....



"Drake??" Hindi makapaniwalang tanong ko.



Ngumisi nanaman siya.



"You got me sweetheart." Dammit! Bakit ganun yung boses niya?! Sht! Ang manly lang! At medyo husky dahil sa alak..




Ang laki ng ipinagbago niya, dumako ulit ang tingin ko sa abs niya at napalunok ako.. Itong lalaking 'to? Si Drake Cortezano?




"I-ikaw ba yan?" Kinusot kusot ko pa ang mata ko pero hinila niya ang kamay ko.




"Hahaha! H'wag mong kusutin ang mata mo!" Suway niya, pati pagtawa niya ang sexy!




"Di-diba nasa Japan ka??" Pagtataka ko.



"Yes sweetheart, pero kababalik ko lang last week.." Nakangiting sabi niya, napatango tango nalang ako.. Naiilang ako dahil sa mga titig niya, hindi lang itsura at pananalita ang nagbago sakanya, maging ang mga mata niya nanghihila..




"So, what's new? May boyfriend na ba ang best friend ko?" Untag niya, ahh..yeah, were best friends.




"Uhm, kabebreak lang last month." Nakangiting sagot ko, saka ininum ko yung isa pang vodka na inorder niya.




"Umiyak ka?" Nakangising tanong niya.



"What?! Of..ofcourse not!!" Sigaw ko!



"Hahaha! Chillax sweetheart."



"Hey! Stop calling me in that way.. Eerrr.." Naiiritang sabi ko.


"Sweetheart.."



"Shut up!" Sigaw ko, pero ngumisi siya at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at tinitigan ako sa mata.




"Sweetheart..." Bulong niya, napalunok ako dahil amoy na amoy ko yung alak na ininom niya at yung init ng paghinga niya.. Napatingin siya sa labi ko, napansin ko naman ang paglunok niya kaya kaagad siyang lumayo.




"Babe?!"



Napatingin ako sa isang babaeng kasing tangkad ko lang din. Maputi siya at singkit ang mata, may balingkitang katawan, medyo mataray ang mukha.




"Oh!" Biglang sabi ni Drake saka tumayo mula sa pagkakaupo sa bar stool at hinapit sa bewang ang babaeng tumawag sakanya saka siniil ng sobrang lalim na halik, kitang kita ko kung paano maghabol ng hininga ang babae dahil sa halik niya.




"Uhh.. Drake not here.." Natatawang sabi nung babae..




"Alright babe.." Nakangising sagot ni Drake.. Nagbitiw na silang dalawa, napansin ko namang nakatingin saakin yung babae, tinaasan ko naman siya ng kilay dahil iba ang titig na ibinibigay niya.



"Sino siya?" Tanong niya kay Drake.



"Ah!" Sigaw ni Drake na parang biglang may naalala, hinila niya ang babaeng singkit palapit saakin.




"She's my best friend. Naaalala mo yung kinukwento ko sayo?" Aniya, kinukwento niya ako?!




"Ahh.. So, ikaw pala si Kei Marie, hello?" Nakataas din ang isang kilay niya ng batiin niya ako, inirapan ko lang siya, duh, kung mataray siya mas mataray ako sakanya, lakas ng loob magtaas ng kilay wala namang kilay! Eye liner lang naman! Psh.




Pero hindi ko nagustuhan ang sumunod na sinabi ni Drake..




"And, Kei Marie, this is Maesha Shibazaki...my girlfriend."


****

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!