Chapter 19


//



" Gising na, may pasok ka pa. "
narinig kong sabi ni kuya, kaya napamulat bigla ang mga mata ko galing sa mahabang pagkakatulog. Hindi ko man lang namalayan na umaga na pala.


" Ayoko. " sagot ko naman. Hanggang ngayon kasi, malungkot padin ako dahil sa nangyari


" Dali na bumangon ka na Alisha. Andyan si Daniel sa baba oh. " kaya napatayo agad ako para maligo. Nagmadali talaga ako ng marinig ko ang pangalan ni Daniel. Nabuhayan ako bigla na pumasok ngayon dahil sa sinabi ni Kuya Tj.


Nang matapos ako maligo at magbihis ay agad akong bumaba para salubungin ang pinakamamahal kong bestfriend sa balat ng lupa. Agad ko naman siyang nilapitan. Ang gwapo gwapo niya talaga. Kaya marami talagang babae ang nagkakamdarapa para sa kaniya.


" Daniel! "
masaya kong tawag sa kaniya sabay yakap ko pa.


" Bhess, di ka pa kumain diba? " tanong niya.


" Oo nga eh. " sabay medyo tumawa ako. Inabutan naman niya ako ng tinapay para kainin.


" Salamat. " sabay yakap ko ulit sa kaniya. Oo, kailangan talagang paulit ulit ang pagyakap dahil gusto kong iparamdam sa kaniya na mahal ko siya at lagi lang akong nandito, lalo na at may sakit siya.


" Yakap ka ng yakap sakin eh. " sabi niya habang nakangiti.


" Ganun talaga! Tsaka katulad nga ng sabi ko kahapon, mahal kita kaya ko ginagawa 'to. " sabi ko naman.


" Umiyak ka kagabe? Lagi na lang ako ang dahilan kung bakit ka umiiyak. Tss. "


" Hi-hindi kaya ako umiyak. " sabi ko naman kahit halata na sa pugto kong mata na umiyak ako.


Naglakad na kami ni Daniel at nang makarating kami sa school, pinagtitinginan nila kami. Isa lang naman ang dahilan kung bakit. Magkaholding hands kasi kami. Siya naman din ang may gusto, pero syempre gusto ko din naman kaya hindi ko na siya pinigilan.


" Si Alisha ba 'yon? "

" Sino yung girl? "

" Bakit sila magkaholding hands? "

" Sila na ba? "

" Ano ba yan? Taken na ata si Prince Daniel. "


Nagbubulungan na naman pala ang ibang mga estudyante. Hindi ko na lang sila papansinin. Feel na feel ko lang talaga 'tong paghawak ni Daniel ng kamay ko kaya dapat ienjoy ko na at walang pwedeng sumira ng moment na 'to.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad namin hanggang makarating kami sa tapat ng classroom ko. Nagpaalam ako sa kaniya kaso nga lang hindi pa din siya umaalis sa tapat ng pinto kaya naman nagtaka ako.

" Oh hindi ka pa ba pupunta sa classroom niyo? " tanong ko sa kaniya with matching kunot pa ng noo ko.

" May good news kasi ako sayo. " tapos ngumiti siya sa akin. Isang nakakalokong ngiti. Halata na sa mga ngiti niya na may kakaibang mangyayari o nangyayari na.

" Ano na naman 'yan? " 

" Kasi magkaklase na tayo. I know, hindi kapanipaniwala pero ayoko na talagang may mang away pa ulit sayo. " paliwanag niya.



" Talaga lang ha. Pano nangyari 'yun? " nagtataka kong tanong. Of course! Hindi kapanipaniwala yung sinasabi niya noh! Hindi naman pwede na sa isang snap lang ng fingers niya, magkaklase na agad kami diba?

" I got some help sa itaas. " ahh! Itaas? As in yung sa faculty and the prncipal. Malakas kasi si Daniel sa kanila. Pano ba naman, siya ang dahilan kung bakit maraming gusto mag aral dito sa school at isa din siya sa dahilan kung bakit laging nananalo sa basketball ang varsity namin.

" Wow ang galing. Ikaw na. " sagot ko naman. 

Kahit masaya ako na classmate ko na siya, deep inside nalulungkot ako dahil sa sakit niya. Pero bakit ganun? Parang wala naman siyang sakit. Parang walang pagbabago? Ganun padin siya kaactive katulad ng dati.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!