Hinawakan ko ang kamay nya na nasa ilalim ng table, tapos na kasi kaming kumain, tamang kwentuhan na lang talaga, pero hindi pa ng nagtatagal eh kumuha sya ng tubig, hindiko alam kung sinadya ba yun para maalis yung kamay ko? tinopak na naman.

"madaming subdivision sa may sto tomas di ba? pumili na kayo dun na pwede nyo tirhan bibilhin namin regalo na namin sa kasal nyo, at bawal tumanggi"

Nagulat naman ako sa sinabi ni mama, seryoso talaga yun?? May nakita na kasi ako inaayos ko palang yung requirements.

"wala ng bawian ahh, salamat po"

Malay ko ba kung nagloloko lang sila.hehehe

"salamat po, mom dad"

Tumayo pa si Yna para gawaran ng halik ang mga magulang ko Buti talaga tanggap sya nila. Natutuwa ako pero yung kiss ko asan? T_T

"ok lang yun, if gusto mo na magpahinga iha, ok lang na umakyat ka na, baka napagod ka sa byahe"

"salamat po mom, medyo masakit nga po ang ulo ko, good night po"

Umakyat na nga sya ng hindi man lang ako tinitingnan, wala din akong good night kiss T_T

"iho, hindi ka na ba nagsawa sa topakin na magulang at pati  pinakasalan mo topakin din?? hindi ba kayo nagkabati kanina?

Akala ko hindi halata, sabagay alam ng topakin ang ugali ng mga topakin. Kaya siguro madali sa kanila na makasundo sya.

FIVE MINUTES (BABY FACTORY) [Unedited]Where stories live. Discover now