Kabanata 5

211K 3.1K 142





--Natawa ako may nabasa akong team DraMa daw! Drake + Marie = DraMa. Hahaha! Dedicated 'to sa nagsabi nun, nakamobile lang ako kaya hindi ko matag eh. Pag nakapag online na ako sa laptop aayusin ko yung mga dedications. :)


_____


Kabanata 5




MARIE'S P.O.V




"Turuan mo akong humalik."



Nanlaki ang mata ko sa ibinulong niya! Itinulak ko siya sa dibdib niya pero hinawakan niya ang siko ko at pinagtama ang mata naming dalawa. Ngumisi siya at inilapit ulit niya ang bibig niya sa tenga ko.




"Ipakita mong naka-move on ka na." Bulong niya.




"Drake h'wag ka ngang baliw jan! First kiss? Hindi ba dapat sa special na tao mo makuha yan!" Suway ko sakanya, napansin kong napatingin sa gawi namin si Leo nasa likod kasi ni Drake yung babaeng hinahalikan ni Leo, kaya naman magkaharap kami ng ex kong gago pero inirapan ko lang siya.





"Bakit? Special ka naman ah. Magbest friend tayo Kei Marie.." Bakit ba gustong gusto niyang tawagin ng buong buo ang pangalan ko?! Samantalang si Mama ayaw niyang mabanggit yung 'Kei'. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko sa sinabi niya ay nung sinabi niyang special ako.




"Sira ulo ka! May mag best friend bang naghahalikan?!" Sigaw ko sa tenga niya.




"Depende. Kagaya nalang ngayon, hindi pa yata nakaka move on ang best friend ko.. Mukhang kailangan niya ng tulong ko para maipakita sa ex niya na basura nalang siya at hindi kailanman kailangang i-recycle." Seryosong bulong niya sa tenga ko, medyo nagtayuan ang balahibo ko dahil na rin sa init ng paghinga niya.




Medyo nakaramdam ako ng tuwa dahil sa sinabi niya, talagang best friend na kami.. Masyado siyang mabait saakin.




"Yes Drake, mag best friend tayo. Pero hindi naman kailangang dumating sa point na mag gagamitan tayo para lang maipakita na okay na tayo.. Ayokong maging first kiss mo, bilang best friend mo gusto kong maging special yon para sayo." Bulong ko sakanya, bigla namang nagbago ang tugtog, naging sweet ito kaya naman mas lalo niya akong hinapit sa bewang ko, nakayakap na siya ngayon saakin, inikot ko naman ang braso ko hanggang likod niya.




"Special Drake.. Kailangan special ang first kiss mo." Paalala ko sakanya, humiwalay siya sa pagkakayakap saakin at mariin na tinitigan ang mga mata ko. Napapitlag ako ng ilagay niya sa ilalim ng baba ko ang point finger niya at pinagapang niya yon pataas sa labi ko.



Napalunok ako ng sunod sunod.. Yung mga mata niyang nakatuon sa mata ko, lumipat sa labi ko.



"Then we'll make it special." Bulong niya at halos mapapikit ako ng mariin ng ipatong niya ang mainit niyang labi sa labi ko! Hindi ako makagalaw, parang biglang nawala yung tugtog sa buong bar.




Naramdaman kong una niyang iginalaw ang ibabang labi niya.



"Turuan mo ako Kei Marie..gawin mong special ang first kiss ko." Bulong niya sa ibabaw ng labi ko! Halos mapasinghap ako dahil sa init ng pag hinga niya. Umiling iling ako! Pero iginalaw niya ulit ang labi niya.



"Come on Kei Marie.." Pakiusap niya, at naramdaman kong hinapit niya ulit ang bewang ko para mas maidiin yung labi niya saakin!




"I'm begging you..do this for me Kei Marie.. Ipakita mong naka move on ka na." Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magsalita sa ibabaw ng labi ko!




Nakapikit parin ang mata ko! Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at marahan na tinanggap ang halik niya. Sa una hindi niya masabayan ang pag galaw ng labi ko pero habang tumatagal naramdaman ko ng marunong na siyang humalik at nagiging masarap na rin iyon.




Naramdaman kong nagtaas baba ang kamay niya sa likod ko at ang impit na ungol mula sa bibig niya ay kumawala na. Mas lalo niyang iniriin ang labi niya sa labi ko! Maging ang katawan niya mas lalong nagiging malapit sa katawan ko!




Magkasabay kaming pumutol sa halik para kumuha ng hangin. Halos maghabol na siya ng hininga, ganun rin ako.



"Thanks for teaching me sweetheart. My heart skip a beat for second..ibig sabihin ba nito special ang naging first kiss ko?" Nakangising sabi niya! Halos mag init ang mukha ko dahil sa ibinigay niyang endearment! Geez, pang matandang endearment talaga?! Pero bago pa ako mabaliw dito kay Drake itinulak ko na siya, nakita kong nakanganga si Leo habang nakatingin saamin.



"Asshole." Bulong ko habang nakatingin ako sakanya, sinigurado ko namang nabasa ni Leo ang iminungkahi ng bibig ko!




Umalis na ako sa dance floor at lumabas ng bar. Nagsindi ako ng yosi at mabilis na hinithit yon, pero bigla nalang may humila non at itinapon sa kalsada.



"What the--"



"Hell?" Patuloy niya.



"Dammit Drake!"



"Affected ka pa rin." Pang aasar niya, titig na titig siya saakin kaya naman tinalikuran ko siya. Pero hinila niya ang kamay ko at pinasakay ako sa kotse niya, umikot siya sa harapan at sumakay na rin siya.




"Alam ko hindi ko dapat sinasabi sayo 'to. Pero Kei Marie, we have to move on. Alam nating hindi lang sila yung mga taong darating sa buhay natin, at alam kong may mas hihigit pa kesa sakanila." Litanya niya saakin.



"Naka move on ka na ba Drake?" Biglang tanong ko, diretso lang ang tingin ko sa harapan ng sasakyan niya, ganun rin siya.




"I'm not. Pero habang tumatagal nawawala na yung sakit, habang tumatagal unti unti ng nawawala ang pagmamahal ko sakanya." Seryosong sabi niya..



Sandali kaming natahimik. Ako kaya? Kailan ko kaya mararamdaman na mawawala na yung sakit.




"Pupunta akong Japan bukas." Napatingin ako sakanya.



"A-anong gagawin mo dun?"



"Mag aaral. Dalawang taon lang naman. Pero alam kong sobra na yung dalawang taon na yon para tuluyan ko na siyang kalimutan." Bilib din ako sa lalaking 'to, ang bata bata pa niya pero kayang kaya niyang sabihin na magagawa niya ang isang bagay kung gugustuhin niya.



Tumingin siya saakin.



"Makakahanap din ako ng taong paglalaanan ko ng pagmamahal ko Kei Marie, at kapag nahanap ko na siya sisiguraduhin kong magiging makatotohanan na 'to.." Mariin na sabi niya..




"Kaya promise me na kakalimutan mo na siya, at maghahanap ka na rin ng taong mamahalin mo. I know, wala akong karapatan pagsabihan ka. But being your best friend nag aalala ako sayo.." Bulong niya.. Napakunot ang noo ko.




"Why Drake? I mean, bakit ang bilis mo namang mag alala saakin gayong kakikilala palang natin?"



Ngumiti siya.



"I don't know why. Pero isa lang ang alam ko, masaya ako kapag kasama kita." Hindi nawala ang ngiti sa labi niya..



"Promise me ha? At sana pagbalik ko galing Japan, may bago ng boyfriend ang best friend ko.." Paninigurado niya saka pinisil ang baba ko.




"Boyfriend ka jan, paano kung wala?"



"Kung wala? Edi liligawan kita!" Nakangising sabi niya.




"Sira ulo ka Drake!" Natatawang sabi ko, kakaiba rin siyang magbiro ha?



"Hahaha. Biro lang best friend.." Nakangising sabi niya saka pinaandar ang sasakyan niya, ni hindi na kami nakapagpaalam kela Rica, kaya naman itinext ko nalang siya.




Tumigil siya sa isang coffee shop, pumasok kaming dalawa don at siya na mismo ang umorder ng kape.




"Mahaba habang kwentuhan ang gawin natin ngayon, dahil simula bukas hindi na tayo magkakausap." Nakangiting sabi niya saka umupo sa kaharap kong upuan.




Tinitigan kong mabuti ang mukha niya, may bakas pa ng kaunting pagkatotoy pero halatang gwapo naman siya.



Uminom muna ako ng kape bago ko siya tanungin.



"Ano bang gusto mong pag usapan?" Tanong ko sakanya, sumandal siya sa upuan niya at isinuot niya sa bulsa niya ang dalawang kamay niya saka tinitigan ang mata ko, ang lalim lang niyang tumingin, para bang hinuhukay niya yung pagkatao ko.




"Tell me about him. Gusto kong malaman kung bakit naging broken hearted ang best friend ko." Seryosong sabi niya.



Huminga ako ng malalim, wala namang masama kung ikwento ko sakanya, and besides, siya na rin ang nagsabi, best friend kami. Pero kung totoong best friend ang tingin niya saakin matatanggap niya ang past ko.



"He killed my baby.." Bulong ko.




Napakunot ang noo niya, ipinatong niya ang kamay niya sa mesa at mariin akong tinitigan.




"Let me say, anak namin.." Bulong ko, ayan nanaman yung mga karayom na tumutusok sa puso at katawan ko, unti unti nanaman silang kumakalat. Ikinuwento ko sakanya ang lahat, nakikinig lang siya sa bawat sinasabi ko at yung luha ko naman tumulo nanaman ng tumulo.




"Wala..siyang kwenta..a-akala ko mahal niya ako..hi-hindi pala, kasi kung mahal niya talaga ako hindi niya gagawin yon.." Umiiyak na sabi ko, tumayo siya at lumipat sa upuan na katabi ko, hinila niya yung tissue sa kabilang mesa saka pinunasan ang luha ko.




"Kung una palang sinabi mo na saakin yan, edi sana naiganti na kita kanina.. Fck, sinong lalaki ang manununtok ng babae?" Galit na bulong niya, napansin kong naikuyom niya ang kamao niya sa mesa.




"Gustuhin ko mang gumanti sakanya, hindi ko magawa. Dahil unang una wala na rin naman yung anak ko, para saan pa diba?" Hindi na naubos ubos yung lintik na luha ko. Hinimas niya ang likod ko.




"Alright, tama na.. H'wag ka ng umiyak. Sayang ang luha sa gagong yon. Kalimutan mo na siya Kei Marie."




"Last na 'to." Humihikbing sabi ko.




Tahimik lang kami hanggang sa kumalma na ako.




"Pasensya ka na. Ikaw kasi eh." Naiinis na sabi ko, ngumiti naman siya, wagas talagang magmura yung dimple niya.




"Pero at least napagaan ko na yang pakiramdam mo." Sabi niya saka inalalayan na akong makatayo, dun ko lang napansin sa wall clock ng ceffee shop na alas dose na. Tama naman siya eh, napagaan niya kahit papano ang loob ko. Parang nabunutan na rin ako ng maliit na tinik sa dibdib.




Sumakay na ulit kami sa sasakyan niya.



"Ikaw? Bakit ka naman nag eemote nung gabing nakilala kita?" Pang aasar ko sakanya habang ini-start niya yung engine ng auto niya.




"Haha! Wala, napagpustahan lang ako. Pero wala na yon, wala na akong pakialam sakanya. Madami pang babae diyan, tama na yung pagmumukmok ko." Natatawang sabi niya.



"Ganun, pero iniyakan mo ng bongga!"



"Sus, natural lang yon. Ganun naman talaga kapag nasasaktan, alam mo kasi Kei Marie kung hindi ka iiyak mas lalong masakit." Nakangiting sabi niya at pinaharurot ng pagkabilis bilis ang sasakyan niya!




Pagkarating namin sa tapat ng bahay ko, bumaba na kaagad ako. Sumunod naman siya saakin.



"Thanks for tonight." Nakangiting sabi ko sakanya.



"H'wag ka ng iiyak." Sabi niya, lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.



"Yung usapan natin--"



"Maghanap ng taong mamahalin ka ng lubos." Natatawang sabi ko, dahil kanina pa niya pinaulit ulit saakin yan sa sasakyan niya. Ngumisi siya. Bigla nanaman kaming natahimik pero yung mga mata niya nakatitig lang sa mga mata ko.




At halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng halikan nanaman niya ako sa labi ko. Mabilis ko siyang itinulak!



"Baliw ka ba Drake?!"



"Sarap mong halikan." Nakangising sabi niya. Nag init ang mukha ko dahil sa sinabi niya..



"Hoy! Nakatikim ka lang ng first kiss, sabik na sabik ka naman!" Suway ko sakanya saka inirapan ko siya!




"Haha! Special eh. Sige na, good night. See you soon, sweetheart." Sabi niya sabay kumindat pa bago sumakay sa sasakyan niya.




Napailing nalang ako sa pinag-gagagawa niya. Pero at the same time, napapangiti ako.


****

A/N: Mobile again. :3 salamat po! Sa nagsasabi po na magpinsan po si Drake at Misha, hindi po hehe. Pinsan kuno lang po sila, kuno-kunyari. Kasi po magkaibigan ang family nila kaya naging turingan nila is magpinsan kahit hindi magkadugo. ;) salamat po!

ATE ABO.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!