79: Championship game

2.8M 61.1K 31.6K
                                    

CANDICE


Ang aga naman yata ni Lucas? Akala ko, mamaya pa siya pupunta sa bahay. Makapasok na nga rin. Tutal, dumating naman na siya, e.

"Mama, alis na po ako!"

"Sige, anak, ingat ka!"

Pumunta muna ako sa kwarto ni Kuya Charles baka gising na siya kaso wala, e, tulog pa. Seryoso pala talaga siyang kailangan daw niya ng maraming tulog kasi championship game na ng basketball mamaya. Sabihin niyang napuyat siya kagabi kakabantay sa 'min kung anong oras kami uuwi ni Jeydon galing EK. Ang daya nga, e. Porke excused sila, sinamantala naman niya. Huhu, gusto ko ring ma-excuse, e, inaantok pa ako.

Lumabas na ako ng bahay tapos binuksan ko 'yong gate.

"Lucas, ang aga mo—" Uh-oh, hindi pala si Lucas 'yong nag-doorbell. "Hubby! Akala ko ba mamaya ka pa papasok?" Ang sama ng tingin niya sa 'kin. Huhu! Patay ako nito, hari pa naman ng selos 'to.

"Gusto kasi kitang kasabay pumasok kaya maaga akong papasok ngayon." Hindi naman siya mukhang galit.

"Wow, ang sweet naman ng hubby ko! Hehe, sige, tara na!" Hinawakan ko 'yong kamay niya tapos hinila ko na siya paalis pero hindi naman siya umalis sa pwesto niya.

"Mabuti pa, hintayin mo na lang si Lucas dito tapos kayo na 'yong sabay pumasok," sabay walk out. Psh! Walk Out King talaga siya.

E, ikaw naman kasi, Candice! Sino bang hindi magseselos do'n? Hay, kung ako rin 'yon, magagalit ako. Wah! Jeydon naman kasi, e! Sabi niya, mamaya pa siya papasok. Hinabol ko na lang siya. Grabe, ang bilis niyang maglakad, ah. Takbo na 'yong ginawa ko tapos siya, naglalakad lang. Mas mabilis ba 'yong pusa kesa sa aso?

"Hubby!"

Hindi niya ako nilingon.

"Uy, hubby naman, teka lang!" Ayaw pa rin niya ako lingunin.

"Hoy, Pusa!"

Ayaw mo talagang lumingon, ha? Ah, alam ko na! Ayaw mo talaga akong pansinin?

"Aray! Aray! Ang sakit." Nagpanggap akong sumasakit 'yong tiyan ko. Umupo pa ako sa sahig para kapani-paniwala. Best actress lang ang peg. Hindi naman ako nabigo kasi nilingon niya na ako tapos lumapit pa siya sa 'kin. Haha! Hindi mo rin ako matitiis, Jeydon.

"Wifey, anong masakit?" Alalang-alala siya sa 'kin. "Ano? Anong masakit sa 'yo?"

"Ito, o. Masakit." Tinuro ko 'yong puso ko. "Sumasakit kasi hindi mo ako pinapansin."

"Aish! Huwag mo na ngang ulitin 'yan. Akala ko, totoo na. Pinag-alala mo ako."

Ikaw kasi, e! Ang snob mo. "'Yon lang ang naisip ko para pansinin mo ako."

Itinayo niya ako tapos niyakap niya ako. E, ano ba, Jeydon? Huwag naman dito sa gitna ng kalsada. Hehe, joke.

"Sorry, nagselos lang talaga ko."

"Sorry din, hubby! Kaya ko lang naman in-expect si Lucas kasi—" Waaa! Hindi ko pwedeng sabihin! "Basta, hehe." Ngumiti na lang ako sa kanya.

Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa 'kin. Naka-poker face lang siya. Ihahanda ko na 'yong sarili ko, baka magalit na naman siya.

"I trust you."

"You trust me?"

"I love you, that's why I trust you."

"Huhu! I love you, hubby!"

Hindi niya ako sinagot. Hinalikan na lang niya ako. Ganyan ka ba mag-I love you too, Jeydon?

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon