Chapter 1

4.9K 98 6
                                    


"Amanda,ihja kailangan mong sumama sa akin sa probinsya wala na tayong ibang kamag-anak pa dito tayo na lamang ang natitira at ako nalang ang nag-iisang tao na pwedeng humalili sa iyo."

Sabi ng aking tiya Esmeralda habang nakatayo kami sa harapan ng puntod ng aking mga magulang na kalilibing lamang dahil nasangkot sila sa isang aksidente. Tumingin naman ako sa aking tiya,she's right I don't have anyone anymore wala na akong ibang kamag-anak pa,solong anak lamang ang aking papa matagal na rin akong walang mga lolo't lola ang aking ina naman ay mayroong nagiisang kapatid lamang at iyon ay si Tiya Esmeralda na bumiyahe pa maynila para lamang sa akin. Niyakap niya naman ako na naging sanhi para lalo akong mapaiyak,lubos na akong ulila kung kailan malapit na akong makatapos ng pag-aaral at maisakatuparan ang pangarap namin nina mama tsaka naman sila nawala.

***

At dahil sa wala na nga akong iba pang pagpipilian ay nag drop out na lamang ako sa aking pinapasukan na private school at sumama kay Tiya,kasalukuyan kaming nakasakay sa tren at pinagmamasdan ko ang kapaligiran mula sa bintana.

"Tiya,gaano ho ba kalayo ang bayan ninyo sa siyudad?" Binasag ko ang katahimikan na kanina pa bumabalot sa amin,iniayos ni Tiya Esmeralda ang kaniyang eye glass,well she's not that old mas matanda lamang siya ng 6 na taon sa aking ina kamukha din siya ni mama maliban sa mas maputi si Tiya actually hindi lang maputi...maputla siya yung para bang hindi nasisikatan ng araw,balot na balot din siya lagi ng itim o puti na belo halos walang pag asa ang araw na masikatan siya. "Ang bayan ng San Salvatore ay malayo sa siyudad hindi ito madaling puntahan at alisan dahil lib-lib na bayan ito,maliit lamang ang populasyon na nakatira roon." Sagot niya naman,napatango nalang ako.So ibig sabihin malayo nga dahil actually halos mag dadalawang oras na kaming nabiyahe ngunit puro puno at bundok pa lamang ang aking natatanaw,pakulimlim na din ang kalangitan.At dahil sa tagal ng biyahe di ko namalayan nakatulog na pala ako.

***
Nagising ako dahil sa may naalog sa akin kahit gustong-gusto ko pang matulog ng mahimbing ay pinilit kong ibukas ang aking mga mata,pag mulat ko tumambad sa akin si Tiya Esmeralda.
Pasensya na ihja sa paggising ko pero nandito na tayo." Nakangiti niyang sabi tumingin naman ako sa labas ng bintana ng tren pero wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng kalangitan di na ako magtataka gabi na rin kasi.Bumaba na kami ni Tita Esmeralda ng tren at binuhat ang aming mga bagahe pero malaki ang pinagkaiba ng istasyon dito ng tren kesa sa aking pinagmulan kahit na madilim na ay kitang-kita ko kung gaano ito kaluma halos matanggal na din ang sign board dahil sa simoy ng hangin at wala rin kaming kasabay na bumaba,kami lang ba ang pumunta rito? Tumingin ako sa paligid at tanging guard na natutulog sa may bench at matandang babae sa ticket Booth ang nandito.Hindi ko alam pero parang ghost town ang lugar na ito tumingin ako kay Tiya na kasalukuyang inaayos ang kaniyang itim na bistida.
"Halika na ihja." Sabi niya at may inilabas na puting flashlight,don't tell me mag lalakad kami? Pero saan? Wala bang taxi or kahit na bus dito? Tumingin ako sa palagid dahil bukod sa train station ay mga pananim na mga mais at nagtataasang damo ang nakapaligid sa amin,saan kami pupunta?
"Tiya,uhm wala ho bang susundo sa atin?" Di ko na napigilang magtanong. Tumingin naman siya sa akin. "Wala ng kahit anong sasakyan ang naibiyahe sa ganitong oras maliban sa tren kanina kaya tayo'y maglalakad wag kang mag-alala malapit-lapit lamang ang bahay na tutuluyan natin." Nakangiti nitong sabi. Napabuntong hininga na lamang ako,teka! Anong oras na nga ba? Kinuha ko ang aking handphone at pag bukas ko nito shocks bakit walang signal? At ang mas kinagulat ko pa it's already 12:13 am ang tanda ko umalis kami sa siyudad 5am ganoon ba katagal ang biniyahe namin?! Halos kalahating oras din kami naglakad grabe nakakapagod buti nalang at flast shoes ang suot ko I looked at Tiya Esmeralda pero parang hindi man lang siya napagod,napatingin ako sa pinasukan namin...Barangay? No I think...Bayan?  I looked at the sign board na halos hindi ko na mabasa kahit malinaw pa ang aking mata lumang-luma na kasi kaya halos burado na ang pangalan.

Pagkapasok namin sa bayan ay naglakad pa kami ng kaunti at medyo umakyat sa parang burol,well yung ang tawag ko dahil paakyat itong dinadaan namin.Napatapat kami sa isang napakalaking gate as in super duper laking gate.
"Nandito na tayo." Sabi ni Tiya Esmeralda sabay labas ng susk at binuksan ang malaking gate,pero mas napanga-nga ako pag pasok namin sa gate dahil kung super duper malaki ang gate kanina well I think ang bahay sa loob ng gate na iyon ay extra no I think triple ang laki,as in hindi mo na siya matatawag na mansyon pa cause it really looks like a castle.  "Di..dito po ba tayo titira?" Manghang-mangha kong sabi,ngumiti naman si tiya at tumango,binulsan niya rin ang double door gamit ang hawak niyang napakaraming susi.Pag kapasok namin doon sumalubong sa akin ang dalawang staircase yung parang nasa ball ka ng isang kaharian dahil may red carpet pa at naglalakihang Chandelier,halos isang daang katao ang pwedeng manirahan dito sa sobrang laki.Iniabot sa akin ni Tiya ang mga hawak niyang susi. "Mamili ka na lamang ng kuwarto mo sa taas kung may kailangan ka nandito lamang ako sa kuwarto sa baba maari mo akong tawagin." Sabi ni Tiya sabay naglalakad palayo,tinignan ko naman ang 12 susi na hawak ko at may kaniya-kaniya silang letra S.A.N.S.A.L.V.A.T.O.R.E  Lahat ng susing ito binubuo ang pangalan ng bayan at napansin ko din habang naglalakad kami kanina ang tahimik ng bayan na ito hmm marahil dahil gabi na pero feeling ko may kakaiba sa bayan na ito at ang isa pa...Napakalayo masyado ng tinitirikan ng mansyong ito sa mga kabahayan na nadaanan namin. Umakyat na ako sa hagdanan na siyang papunta sa Second floor ng Mansyon naka Red Carpet din ito at miski sa taas may Chandelier na nagsisilbing tanglaw sa pasilyo ng second floor. Hmm Saan kaya ako pwe-pwesto? Sabi naman ni Tiya mamili na lamang daw ako sa it means free lahat ng kuwarto,kung iisiping mabuti hindi halata na abandunado na itong buong lugar dahil napaka-ayos.Pero dahil sa pagod at inaantok na ako oinili ko nalang ang pangalawang pintuan na may naka-disenyo pa talagang Rosas,akala ko sunod-sunod ang mga pintuan hanggang sa mabuo ang 'SAN SALVATORE' pero ang napili kong kuwarto. 'V' agad ang nakalagay,pagbukas ko ng pinto malakas na hangin ang sumalubong sa akin mula sa malaking bintanan na nakabukas,binuksan ko ang ilang or should I say Chandelier din at di ko alam kung kuwarto ba ito pero super laki niya daig niya pa ang bahay namin sa siyudad.Meron itong napakalaking King size bed na magkakasya ang limang tao,makaluma din ang style ng kuwarto at kung titignan hindi din halata na walang nagamit dito.Napakalinis at may piano pa sa tabi ng napakalaking aparador,may extra ordinary din na laking salamin na nakatapat sa kama at sa pader naman ay ang daming painting ng mga rosas.Di kaya babae ang nagmamay-ari nito? Wait,baka patay na ang nag mamayari nito tapos...tapos bigla niya akong multuhin? Halos mapatakip ako ng bibig dahil pinigilan ko ang pagsigaw sa narinig king tunog mula sa labas ng bintana ng kuwarto.OHMYGOD sabi na mumultuhin ako ee.Pero tunog yun ng parang isang gustong lumabas sa isang pintuan diba? Nag concentrate ako at hinintay kung meron pang tutunog pero wala na so nilaksan ko ang loob ko at sumilip sa nakabukas na bintana. Ibinaba ko ang tingin ko at nakakita ako ng isang maliit na...bodiga ba yun?

......

WAH so how is it? Ahahaa sorry lame siya pero please kung sa tingin niyo nagandahan kayo well thank u and do VOTE & COMMENT para malaman ko din ang inyong opinyon 😉😉😘

thanks pooo

THE FORBIDDEN DOOR (Tagalog-English) HIATUS Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon