Chapter 18

//

Uwian na namin. Ako ang huling naiwan sa classroom. Bigla ko kasing naalala 'yung papel na binigay ni Daniel sakin. Kinuha ko sa bulsa ko yung papel. Hanggang ngayon nagdadalawang isip pa ko kung babasahin ko na ba ngayon o hindi. 

Matagal akong nakipagtalo sa sarili ko at nagpagdesisyunan ko na basahin na ang sulat.

Dear Alisha,

                    Bhess, I'm very sorry. Sorry for everything. Sorry kung nagbago ako. Sorry kung napakadami ng nagbago sakin. Alam mo bang para sa'yo 'tong pagbabago ko kasi gusto kita. Mali, hindi lang pala kita gusto kasi mahal kita. Hindi man kapanipaniwala, pero yun ang totoo. Matagal na talaga kitang mahal Alisha. Ayoko lang talaga aminin sayo dahil baka layuan mo ako. Baka akalain mo na niloloko lang kita, napinagtritripan lang kita. Pero Alisha, mahal talaga kita. Ginawa ko ang lahat para sumikat ako dahil gusto ko maipagtanggol kita kasi diba promise ko sayo yun diba, na ipagtatanggol kita sa mga mang aaway sayo. Na lagi akong nandito para tulungan kang labanan sila. Kaya ako nagpakasikat ng ganto para matakot sila sakin, para wala ng mang aapi sayo.

                  Si Alisha Garcia ang nagiisang babae na nakapagpatibok ng puso ko ng ganito kalakas at kabilis. Nga pala about kay Alyssa, yung babaeng kasama ko sa Enchanted Kingdom. Pinagseselos lang kita nung mga panahon na yon kaso pakiramdam ko, hindi naman tumalaba. Pero naisip ko na mas okey na 'yon para kapag na wala na ako, may magtatanggol parin sayo.Kapag nawala na ako, may yayakap parin sayo kapag natatakot kapa. Kapag nawala na ako, meron paring taong magpapasaya sayo sa mga panahong malungkot. Kapag nawala na ako, may mga gagawa padin ng mga bagay na dati ako ang gumagawa para sayo. Bakit ko sinasabi 'to? Dahil habang lumilipas ang mga raw, baka hindi ko na magawa ang mga 'yon. Pero pinapangako ko sayo Alisha, na habang nandito pa ako ipagtatanggol kita, yayakapin kita at pasasayahin kita dahil yun lang naman ang paraan upang iparamdam ko sayo na mahal kita. Alisha Garcia, mahal na mahal kita. Wag mo sana akong kakalimutan at hinding hindi din kita makakalimutan dahil ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko at dahil sa iyo 'to Alisha. Salamat.

               Sana mapatawad mo ako sa lahat ng mga nangyari at naganap. Sana maging okey na tayo. Sana bumalik na sa dati lahat lahat. Kung pinapatawad mo na nga ako, maaari bang pumunta ka sa Floraldays Cafe, 6:00 ng hapon. Hihintay kita Alisha. Sana pumunta ka. Maghihintay ako sayo kahit gaano ka pa katagal.

                                                                                         Nagmamahal,

                                                                                           Daniel

Hindi ko na pala namalayan na lumuluha na pala ako ngayon. Isa lang ang pumasok sa isip ko, ang pagpapatawad kay Daniel. Oo, pinapatawad ko na siya. Agad kong tiniklop ang papel at inilagay sa bag ko. Isinakbit ko na din ang bag ko sa balikat ko.

Agad akong tumingin sa wall clock ng classroom, 5:00 pa lang. May isang oras pa ako, pero para sa akin napakaikling oras nun para makarating sa cafe. Agad ko naman pinunasan ang mga luha ko at tumakbo na papalabas ng room.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!