Kabanata 4

228K 3.2K 205






Kabanata 4



DRAKE'S P.O.V




Pagkahatid ko sakanya dumiretso na rin ako pauwi sa bahay namin. Pero hindi ko inaasahan ang taong makikita ko sa tapat ng bahay namin. Ang gago ng malabo kong mata, hanggang ngayon maganda pa rin siya sa paningin ko kahit sinaktan niya ako.




"Drake.." Para akong timang tuwing maririnig kong tinatawag niya ang pangalan ko.




"Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong ko, lalagpasan ko na sana siya dahil hindi rin naman niya sinagot ang tanong ko. Pero hinawakan niya ang braso ko.




"Drake I'm sorry..h-hindi ko sinasadya.."




"Alin ang hindi mo sinasadya? Ang gaguhin ako? Dahil ba 'to sa pang aasar ko sayo nung mga bata pa tayo? Bullsht. Ayan na! Panalo ka na! Masaya ka na?! Nasaktan mo na ako!" Ayokong sigawan siya pero hindi ko mapigilan! Dahil hanggang ngayon masakit pa rin yung ginawa niya.




"Hindi! Drake hindi yon!" Ngayon iiyak iyak siya? Bakit? Kasi guilty siya!




"Then what?!! Aminin mo nga saakin Misha, anong pinagpustahan niyo para magawa mong gaguhin ako ng ganito?!" Sandali siyang natigilan sa tanong ko, nanginginig ang mga kamay niya at halatang natatakot sa pagsigaw ko!




"M..money." Matipid na bulong niya na naging dahilan para mas lalong umapaw ang galit sa puso ko.




"P-pera?! Hah! Naghihirap na ba kayo Misha?! Bankrupt na ba yung kumpanya ng Lolo mo na ipapamana sa Daddy mo?! Imposible naman yatang hindi ka binibigyan ng pera, dahil kung Kuya mo nga niregaluhan ng studio ng magulang mo! Ikaw pa kaya na pangalawang anak?!" Puta, pera?! Kapalit ng pag papaikot saakin? Nanatili siyang nakatungo habang umiiyak!




"H'wag kang umiyak Misha, dahil wala kang karapatang umiyak sa ginawa mo saakin.. Sana umpisa palang sinabi mo ng pera lang pala ang katapat mo para hindi na kita niligawan, babayaran nalan--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dumapo sa mukha ko ang kamay niya! Sinampal niya ako.





"Hindi ko kailangan ng pera mo Drake dahil marami kami niyan. Oo niloko kita ng dahil sa pera! Niloko kita just for fun pero hindi ko naman akalain na ganun kabilis kitang mamahalin! Kaya natalo ako sa pustahan!" Galit na galit na sigaw niya saakin, takte? Kasalanan ko pa ngayon kung bakit natalo siya? Anong klaseng buhay 'to? Bakit ngayong sinasabi niyang mahal niya ako mas lalo lang akong nasasaktan?! Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at mariin ko siyang tinitigan sa mata.




"Tandaan mo Misha, pag sisisihan mong ginago mo ako, at kapag dumating ang araw na yon hinding hindi mo ako mabibili. Kahit ubusin mo pa lahat ng pera niyo."




Tinalikuran ko na siya. At pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay dun na nagsimulang tumulo yung gagong luha ko para sakanya.




"Kuya pinatatanong ni Mama kung hindi ka ba daw talaga sasama sa Japan next month?" Tanong ng kapatid kong si Yesha..




"Sasama na ako."



______




MARIE'S P.O.V




"Hep! Saakin 'to!"



"Ako ang nauna kaya saakin 'to!"




Aba't! Kanina pa niya sinasagad ang pasensya ko ha! Nakikipag agawan lang naman saakin itong isang mukhang bisugo sa dress na nakita ko dito sa Department Store! Ako ang nauna kaya saakin dapat mapunta 'to! Kailangan kong mabili 'to para sa birthday ni Rica mamaya!




Nakipagtitigan saakin ang babae kaya naman hinila ko ulit ito!



"Mineeee!!" Sigaw ko! Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami dito sa mall.



"Ah..eh..Ma'am marami pa po kaming stock niyan, kung gusto niyo ikuku--"



"Hindi!! Gusto ko ito!" Halos magkasabay na sigaw namin nung babae! Nagkatinginan kaming dalawa at sa hindi malaman na dahilan nagkatawanan kami na parang baliw.




"Tapos na kayo? Ang boring niyong panoorin. Gusto niyo ibili ko pa kayo ng tig sampu niyan?" Napatingin naman ako sa pamilyar na boses na narinig ko!




Hindi lang boses ang pamilyar sakanya! Maging mukha niya pamilyar na pamilyar!



"Whatever Kuya! Miss! Since madami naman palang stock magpakuha nalang tayo ng bago, baka mamaya puro germs pa 'to sa dami ng sumukat.." Nandidiring sabi nung babaeng kaagawan ko kanina sa dress, napangiti ako.




"Alam mo tama ka." Pag sang ayon ko! Saka nagpakuha na kami sa sales lady ng bagong stock na halata namang napapailing na dahil kung kanina halos magpatayan na kami nitong babae na 'to sa dress ngayon naman magkasundo na kami!




Tumalikod na ako ng makuha ko na ang new stock pero laking gulat ko ng hablutin saakin yon ng lalaking nakiextra sa usapan namin nung babae.



"Regalo ko nalang sayo 'to." Nakangising sabi niya, napakunot ang noo ko! Tinitigan ko siyang mabuti at napatingin ako dun sa dimple niya, saan ko nga ba nakita yung dimple na yon? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, ang gwapo niya, yung katawan niya medyo humuhubog na, I mean nagbibinata? Medyo nagkaka-abs?




"Kilala ba kita?" Kunot noong tanong ko. Tumawa siya ng nakakaloko!




"Miss. Kei Marie, nawala lang ang brace ko at nagcontact lens lang ako hindi mo na kaagad ako makilala?" Nakangising sabi niya na akala mo proud na proud sa sarili! Nanlaki ang mata ko!



"Oh my ghad.. Drake?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko!



"Kilala mo 'tong kuripot na 'to?!" Sigaw nung babaeng kaagawan ko sa dress.



"Yesha!" Pagbabanta niya, so kapatid niya pala 'to. Small world huh?


"Kuripot naman talaga, isang dress lang nilibre saakin." Naiinis na bulong nung Yesha.



Sinuri ko ulit si Drake, isang buwan lang ang lumipas bakit nagkaganito na ang itsura niya?



"Ang macho mo na ah!" Pang aasar ko sakanya, medyo malaki kasi yung braso niya.



"Haaay nako, yang kuripot na yan kulang nalang tumira na sa gym!" Sigaw nung Yesha.



Napatawa nalang ako.



"Naka-move on na?" Nakangising tanong ko, ngumiti lang siya saakin.




"Pano? Sagot ko na 'tong dress mo." Alok niya.



"Tatanggi pa ba ako?!"



Ngumisi siya saka dumirestso na kami sa cashier.. Pagkatapos niyang magbayad hinila niya ang kamay naming dalawa ng kapatid niya! So, nasa gitna namin siya at pinagtitinginan kami sa mall, sht lang baka iniisip nitong mga 'to dalawa kaming girlfriend! Duh!



"Kuya saan tayo pupunta?" Tanong ni Yesha.




"Kakain." Matipid na sagot niya pero bago pa kami makapasok sa isang restaurant may sumigaw ng pangalan ko.



"Marie!!" Sabay pa kaming napalingon ni Drake.




"Rica?"



Lumapit siya saamin at binigyan niya kami ng kakaibang tingin.




"Akala ko ba bibili ka ng dress para sa party ko mamaya? Eh mukhang hindi yon ang pinunta mo dito sa mall.." May halong pang aasar na sinabi ni Rica iyon saakin.




"Baliw. A-ano si Drake, tapos si Yesha kapatid niya.."




"Hi.. Best friend niya ako." Nanlaki ang mata ko? Bakit ba nagugulat pa rin ako sa tuwing sinasabi niyang best friend niya ako!



"I'm Rica.." Inilahad ni Rica ang kamay niya na kaagad namang tinanggap ni Drake.



"By the way baka gusto mong sumama mamaya sa birthday party ko..9pm sharp!" Anyaya ni Rica na nagpalaglag ng panga ko. Tumango tango naman si Drake.



"Sure! Matagal tagal na rin simula ng makasama ko 'tong best friend ko!"



"Aha- best friend.." Masuspetsang sagot ni Rica! Pinandilatan ko siya ng mata pero nginisian niya lang ako.




"Ako rin!" Biglang sigaw ni Yesha.



"Sure, wait may invitation yata ako dito sa bag ko.." Masiglang sabi ni Rica, saka inabot ang isang purple na invitation kay Drake.



"Thanks."



"No biggie.."




Pagkaalis na pagkaalis ni Rica hinarap ni Drake ang kapatid niya.



"You're not going." Matigas na sabi ni Drake.



"What?! Kuya hindi mo ba narinig invited din ako!"



"No Yesha, bata ka pa."



"So what?!"



"So what? Kei Marie sabihin mo sakanya kung anong makikita sa bar party." Napataas ang kilay ko ng saakin naman ipasa ni Drake ang pagpapaliwanag sa kapatid niya.



"Ah, uhm.. Btch party??" Mahinang bulong ko na medyo patanong pa.




"Ano naman?! Kuya hindi naman yung mga btch ang pupuntahan ko dun.. Yung party!"



"No Yesha--"



"Ah, Drake ano ka ba! H'wag ka ngang kj jan! Pasamahin mo na siya, hindi naman btch party yon, niloloko lang kita.."



"Kei Marie, minsan mo na akong hinila sa loob ng bar, ayokong makakita si Yesha ng mga ganun and for pete's sake she's only fifteen!" Ma-awtoridad na sigaw ni Drake! Nanlaki ang mata ko! Fifteen lang si Yesha?! Ang tangkad niya ha!




"Aish... Kainis ka Kuya!!" Sigaw ni Yesha saka tumakbo na palabas ng mall!



"Huy sundan mo!"




"Ayoko, hayaan mo siya uuwi din yan, nagtatampo lang. Let's go." Aniya saka pumasok na kami sa loob ng restaurant.



____



Tinitignan ko na ngayon sa tapat ng mirror ang dress na binili ko, ooppss, binili pala ni Drake.




"Marie anak..nandyan na yata yung sundo mo." Napataas ang kilay ko ng magsalita si Mama sa may pintuan ng kwarto ko, sundo??




"Opo Ma malapit na po akong matapos!" Sagot ko, humarap muna ulit ako sa salamin bago ko isinuot ang heels ko.




"Aalis na po ako!" Sigaw ko saka tumakbo na ako palabas ng bahay, narinig ko pang sumigaw si Mama pero nagmadali na ako, I'm sure papagalitan nanaman ako nun dahil gabi nanaman ako kung gumala, simula kasi ng maghiwalay kami ni Leo palagi ng nagiging umaga ang gabi ko.




Pagkalabas ko ng gate nanlaki ang mata ko ng makita ko si Drake na nakahalukipkip habang nakapikit at nakasandal sa kotse niya. Tinignan kong mabuti ang tindig niya, ang laki na din ng pinagbago niya kahit isang buwan palang ang lumipas, kaunting tangkad pa masasabi ko na talagang hindi na siya totoy, napapitlag ako ng bigla niyang imulat ang mata niya at ngumiti, kaagad siyang lumapit saakin at nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi!




"Pangit mo." Pang aasar niya! Hinampas ko ang braso niya! Inirapan ko siya bago ako sumakay sa kotse niya, tumawa naman siya.




"Binibiro lang kita, sinambi ko na nga noon sayo na maganda ka." Aniya pagkasakay na pagkasakay niya. I know right, maganda ako. Chusera lang.



"Bakit mo ako sinundo?!"



"Sus, tatanong ka pa nakaupo ka na nga jan." Nakangising sabi niya saka pinaandar na yung kotse niya.




"Sobrang ikli pala niyang dress na pinag aagawan niyo ng kapatid ko.." Biglang sabi niya, napansin kong napatingin siya sa hita ko pero kaagad din niyang ibinalik ang tingin sa kalsada.



"Ano naman?" Pagsusungit ko, ngumiti nanaman siya dahilan para magmura nanaman yung dimple niya.



"Wala naman. Itatapon ko yung dress ni Yesha." Napatingin ako sakanya!



"Bakit ba ang mean mo sa kapatid mo?!" Sigaw ko sakanya!



"Haha. Hindi naman, ayoko lang na isuot niya yon, napaka bata pa niya. Unlike you, ilang taon ka na nga?" Tinaasan ko siya ng kilay bago ako nagsalita.



"Twenty one." Matipid na sagot ko.



"See."




Pagkadating namin sa bar kung saan gaganapin ang birthday ni Rica dumiretso kami sa isang table kung saan nakaupo si Jasmin. Medyo marami na ring tao at sobrang lakas ng tugtog. May mga nagsasayaw na rin sa dance floor.




"Hey! Siya ba yung sinasabi ni Rica na best friend mo? Hindi mo yata naikukwento saamin yan?" Pang aasar ni Jasmin.



"Ah..yeah, Drake this is Jasmin friend ko.."



"Hello Drake??"



"Cortezano." Pagtatapos ni Drake, tumango tango si Jasmin.




"Btch. Nasabi na ba sayo ni Rica na nandito si Leo?" Bigla akong kinabahan..napalunok ako ng sunod sunod na para bang mag nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Dammit Marie! Move on!



"Ah.. Hi-hindi, hayaan mo siya." Sagot ko saka kumuha ako ng vodka na dala dala ng isang waiter saka ko tinungga yon.



"Jasmin! Mind if I dance with you?!" Sigaw ng isang lalaki.



"Oh sure dear!" Magiliw na sabi ni Jasmin saka tumayo.



Tumungga ulit ako ng vodka, pero laking gulat ko ng hawakan ni Drake ang braso ko para ibaba ang hawak kong shot glass.



"Move on Kei Marie, Leo? Siya ba yung ex mo?" Alright, nakalimutan kong hindi slow itong kasama ko.




"Ano ka ba? Naka move on na ak--" Pero hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita ng dalawang mata ko kung paano makipaghalikan si Leo sa isang babae dun sa dance floor.




"Siya ba yon?" Bulong ni Drake sa tenga ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot, ano ba! Akala ko ba nakamove on na ako?! Pero bakit naninikip pa rin ang dibdib ko ngayong nakikita ko siyang may kahalikang iba.




Natauhan ako ng hilahin ako ni Drake papunta sa dance floor! At dun kami mismo pumuwesto sa tabi nila Leo!




"Drake!" Sigaw ko sa tenga niya! Pero laking gulat ko ng hapitin niya ako sa bewang ko at bumulong siya sa tenga ko ng hindi ko inaasahan.



"Turuan mo akong humalik."

****

A/N: Hello! Naka.mobile lang po ako, kaya pasensya na sa spacing at sa typos. Yun din ang dahilan ko kung bakit hindi ko masagot yung mga comments niyo saka post sa MB ko. Sasagutin ko po yan baka by next month pa. Thank you! ;)

Love lots.

Ate Abo.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!