Ch. 16: True Feelings (Edited 05/05/2020)

241 13 0
                                    

Natagalan ang pageedit ko. Tinamad kasi ako simula nung naglockdown. But here it is! Enjoy <3

-iammisskenny

---

Chapter 16: True Feelings (Edited 05/05/2020)

KEAN's POV

Another week has started, another event is also on the way. Katatapos lang ng interhigh at nag aasikaso naman kami ngayon para sa Foundation Week, another extra-curricular activity next week.

"Okay, so ang gusto niyo ay cafe?" pagco-confirm ni Ayen sa sinabi ni Xandra na napili ng lahat para sa gagawin namin sa Tuesday after ng club day sa Monday. Actually, napili ng mga babae at wala lang choice ang mga boys so, ayun na nga.

Nilista ni Ayen sa mini notebook niya ang gagawin namin. Bukod kasi sa presentation ng every club sa Monday, kailangan din namin magpresent as a section. At inuumpisahan na nga ni Ayen ang mag ikot para ilista ang mga gagawin ng mga section sa 4th year. Hindi sya nagvolunteer, take note. Inutusan sya ni Angelo.

Every section in every year are required to this activity every year. Laging nakarambol ang schedule ng mga magpaparticipate at mauuna ang 4th year students ngayon, then ang 3rd year students, 2nd year students at huli ang mga 1st year students.

"Ano nga palang theme niyo?" tanong pa ni Ayen.

Ngumiti bigla si Xandra. "Disney characters." ngumisi naman si Ayen.

Hindi naman makaangal ang boys dahil kanina pa nagsusungit si Xandra sa kanila. Ang kulit din kasi nila e. Kanina pa sila tinatanong tapos ayaw naman sumagot ng matino kaya si Xandra na ang nagdesisyon. Maski si Angelo, di nakaangal e.

"Maiwan ko na kayo, mag iikot pa ko. Xands, ikaw na bahala." sabi ni Ayen at kumindat pa kay Xandra bago lumabas.

Tumayo naman si Xandra at naglakad papunta sa harapan. "Okay, guys!" Tawag ni Xandra sa atensyon ng mga kaklase namin. "Pag usapan na natin ang costumes, settings at menu natin para sa cafe!" Sabi ni Xandra nang makuha nya ang atensyon ng lahat.

"Since, disney characters ang theme natin, expected na may gowns na gagamitin at masyadong hassle iyon lalo na sa paggalaw around." maarteng sabi ni Noelle. "Why don't we improvise the costumes that we're gonna wear? Kean?" sabi ni Noelle at tinawag ako.

Napaisip naman ako sa sinabi niya at parang may bumbilyang umilaw sa ulo ko nang makaisip ng ideya. "Bakit hindi nating gawing dress instead of gowns? We can make it look like the design of the gown but shorter, para hindi mabigat at hindi sagabal pag gumalaw." Sagot ko kay Noelle.

"Pwede..." napapaisip ding pagsang ayon ni Xandra."Paano natin sya gagawin? At saan natin sya gagawin?" tanong naman ni Noelle.

"We can do it. Some of us can make their own dress at may sewing machines tayo sa Home Economics building. We can borrow them." sagot ko.

"Okay, so bago natin gawin yang mga costumes, sino muna ang mga characters na ico-cosplay niyo?" tanong ni Xandra sa lahat.

"Sullivan!" sigaw ni Kevin at tumawa pa.

"How about no? Seryoso, Kevin. Isusumbong kita kay Ayen." pagbabanta ni Xandra kaya nanahimik naman sya.

Bigla namang pumasok si Ayen, mukhang tapos na sya mag ikot.

"Anong isusumbong sa akin?" tanong nya pa.

Tumingin naman si Xandra kay Kevin at mukhang nakuha naman ni Ayen ang ibig sabihin non kaya agad syang umupo sa tabi ni Kevin at pasimpleng kinurot si Kevin sa dibdib nito. Narinig ko na lang yung aray nya at malutong na mura.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon