Oblivion

1.7K 112 11

Nagising ako mula sa isang panaginip pero laking pagtataka ko nang mapagtanto kong nagising ako mula sa isa pang panaginip. Inilibot ko ang tingin sa aking paligid. Puro puti. Wala akong makitang kahit ano kundi kulay puti na halos masilaw ang aking mga mata. Nasaan ako? Bakit sa tuwing gigising ako ay napupunta lang ako sa iba pang panaginip?

Muli akong humiga sa malamig na semento. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Unti-unti akong nilalamon ng antok hanggang sa tuluyan akong nakatulog.

Naramdaman ko ang aking sarili na nahuhulog. Napasinghap ako at napabalikwas ng bangon.

"Calling the attention of the passengers that were about to board FG-001, the spacecraft will about to take off, going to a one-way trip to Mars."

"Calling the attention of the passengers that were about to board FG-001, the spacecraft will about to take off, going to a one-way trip to Mars."

"Calling the attention of the passengers that were about to board FG-001, the spacecraft will about to take off, going to a one-way trip to Mars."

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Nasa isang mistulang airport ako. Ang pinagkaiba lang ay napakaadvance ng teknolohiya. Lumulutang ang mga holograms sa paligid. Nagkalat ang mga android robots na may kanya-kanyang trabaho. Ang mga tao ay walang tigil sa paglabas-pasok. Tumingin ako sa glass wall. Napanganga ako nang makita ang isang malaking spacecraft sa labas.

"Hi! Passenger ka din ba ng FG-001?"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita mula sa aking likudan. Hindi ko maiwasang mapatunganga sa kanyang ganda. Nakasuot siya ng uniform ng isang stewardess.

"O-Oo."

"Kailangan niyo na pong sumakay doon kung ayaw niyong maiwan, Mr..?"

"James Sandoval."

"Mr. Sandoval." Ngumiti siya sa 'kin.

Sumulyap ako sa kanyang nameplate.

Muriel Sanchez

Bago siya umalis ay ngumiti muli siya ng isa pang beses.

Isa 'tong panaginip. Alam kong nananaginip ako. Ngunit hindi ko na gusto pang umalis dito.

Tumakbo ako patungo sa pintuan kung saan pumapasok ang mga pasaherong tinatawag kanina upang sumakay sa spacecraft na nagngangalang FG-001 ngunit bago pa ako makarating doon ay bigla akong natumba sa hindi ko malamang dahilan.

Nakaramdam na naman ako ng antok hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Nagising ako mula sa malakas na sigawan mula sa labas at sa malakas na pagsabog hindi kalayuan sa lugar na kinaroroonan ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig. Nasa loob ako ng isang bahay na mukhang makaluma. Sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang mga taong nagtatakbuhan, ang ilan pa sa kanila ay sugatan.

"Ano'ng nangyayari?!" sigaw ko mula sa bintana.

May isang naglakas-loob na tumigil kahit na mukha siyang nagmamadali.

"Inaatake na tayo ng mga taga-China! Tumakas ka na! Kapag nahuli ka nila, gagawin ka nilang alipin!"

Hindi na niya ako inantay pa na makapagtanong ulit. Tumakbo na siya kasama ng iba pang mga tao. Naiwan akong nakatanga sa bintana. Nakita ko ang bawat pagpatak ng mga bomba mula sa langit.

Oblivion (One-shot)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!