Chapter 4: Payback

36 4 1
                                    

Jardell's POV

"Sir Jardell, nakahanda na po ang pagkain sa baba." Tinawag na ako ni Manang Ellie at nagmadali na ako. Todo-todo ako sa pagaayos ng sarili ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero sa totoo lang wala akong ganang kumain.

Dumeretso na ako sa dining area at sinabi kay Manang na babaunin ko nalang yung pagkain. Hinahabol ko rin kasi yung oras at naisipan kong sunduin si Brianna.

"Iho, don't skip your breakfast. Eto na oh na pack ko na, kainin mo yan ah.Ayaw po nila ma'am at sir na pumayat kayo. Malalagot ako."

Si manang na ang nagbabantay samin ngayon. Pumunta kasing New York yung parents ko for other business matters. Pinapasalamatan ko siya lagi para sa pag aaruga sakin habang wala mga magulang ko. Kung kaya ko lang sana mag isa sa bahay na to edi sana hindi ko na siya kailangan abalain pa.I'm trying to be independent kahit papano para naman hindi na siya masyadong mahirapan pa.

Tumango nalang ako at inilagay na ang pagkain sa bag ko. Kakainin ko nalang ito kapag recess na. Nagpaalam na ako agad at kinuha ko na ang mga gamit ko.

"Bakit parang may kakaiba sayo ngayon iho? Ayos na ayos ka ah?" Pahabol na tanong ni manang.

"Hindi ko nga rin po alam eh. Sige po manang alis na po ako, susunduin ko pa kaibigan ko." nahihiya kong sinabi.

Ngumiti nalang ako at lumabas na ng bahay. Walking distance lang naman ang bahay nina Brianna kaya naglakad na ako. Hindi pa naman masyadong mainit kaya hindi ko pa proproblemahin kung pagpapawisan ako.

Nang narating ko na ang bahay nila, nagdoorbell na ako at pinagbuksan ako ng nanay niya.

"Oh Jardell. Good morning, napadaan ka?Pasok ka iho." alok ng nanay nya na may kasamang yakap.

Ang tamis nga lagi ng salubong ni tita Therese. Sobrang bait niya kaso hindi ata namana masyado ni Brianna kasi may pagkasalbahe rin yung babaeng yun. Hindi nagtagal, pinapasok na niya ako at pinaupo sa sofa nila. Gising na kaya si Brianna?

Bata palang kami ni Brianna, madalas na kami maglaro dito kapag kami naman ng pamilya ko ang lumuluwas dati. Kaya hindi nakakapagtaka kung parang pamilya turingan namin dito.

"Allysa anak! May bisita ka! Bumaba ka na dito."

Narinig kong tawag ng nanay ni Brianna. Namiss ko tuloy yung parents ko. Habang nagmamasid ako,nakita ko si Zyrill pababa sa hagdan,nakabihis na sya at handa nang pumasok. Tatayo na sana ako kanina at aasarin siya kasi akala ko si Briana, hindi pala.

"Magandang umaga Zyrill " bati ko. Umagang umaga ang ganda niya seryoso. Kaso mahirap naman kunin kasi may set of priorities siya.

"Magandang umaga rin. I need to go bye" at nagmadali na syang umalis.Agad? May lakad ba yun? Pansin ko sakto ata tong timing ko ngayon,walang kasamang pumasok si Brianna kaya ako na ang kasama niya. Ngunit bakit kaya hindi sila magkasabay ni Zyrill?  Nagaway ba sila o gusto lang niya akong pagbigyan na kasabay pumasok si Brianna?

"Jardell?"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Brianna na nakatayo sa hagdanan. Napangiti nalang ako nang makita kong hindi pa sya nagsusuklay ngunit nakabihis na.Nagmumukha syang mangkukulam...yung cute.

" Good morning pangit!" Bati ko sakanya.Ang ganda ng pambungad ko noh?

"Che! Manahimik ka nga dyan.Bakit ka nandito?" Nagsusungit nanaman siya .Ang cute niyang maasar

"Sabay na tayong pumuntang school."

"Aba , Jardell?ikaw ba yan?Masamang espirito!Lubayan mo ang katawan ng kaibigan ko! Shoo shoo !"

Now That She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon