Napansin kong lumungkot ang tingin niya saakin.


"Fine.. Ganun nga ako Marie, pero ayoko namang magaya ka saakin.. Ayoko, saka ano ba?! Nagkakaganyan ka dahil kay Leo?! Lalo mo lang ipinapakita sakanya na malaking kawalan siya."


"Look who's talking, hindi ba naging ganyan ka lang din naman dahil sa ex mo.. Ano ba Jas, maging masaya ka nalang..and besides, nag eenjoy ako, ang sarap pala ng feeling na maraming nagkakagusto sayo." Sabi ko.



"Maraming nagkakagusto sayo noon pa, sa katunayan pwedeng pwede mong iwanan si Leo noon, ikaw lang 'tong tanga." Litanya niya, kailangan talagang isampal sa pagmumukha ko na tanga ako, kahit matagal ko ng alam.



"Yaan mo na.." Yun nalang ang naisagot ko sakanya, alam ko tumatawa ako, gabi gabi laman ako ng bar, pero deep inside sobrang sakit talaga, buong sistema ko hinahalukay nung sakit dahil sa ginawa ni Leo, buong pagkatao ko pakiramdam ko ginago niya.


"Kei Marie Gonzales!" Sa wakas tinawag na ako sa registrar, kaagad akong pumirma at inilagay sa bag ko ang T.O.R ko, pero natigilan ako ng biglang may humawak sa balikat ko, humarap ako.



"Hi?" Napanganga ako ng makita ko kung sino siya, si Mr.Labo, malabo ang mata. Wow ha, two weeks na ang lumipas, akalain mong makikita ko siya.



"Oh, hey! Kumusta?"

"Eto, ikaw?" Walang ganang sagot niya.


"Ayos lang, mag eenrol ka dito?" Tanong ko sakanya, tumango siya bilang sagot.


"Ikaw? Dito ka ba nag aaral?"


"Uhm, dati. Kagagraduate ko lang.." Sagot ko.


"Pano? Mauna na ko?" Paalam ko pero bigla niyang hinila ang braso ko.



"Best friend, mamaya na. Hintayin mo muna akong matapos mag enrol, malapit na 'to. Gimik ulit tayo." Nakangiting sabi niya, ang cute lang ng dimple niya lumalabas kapag nagsasalita siya. Best friend talaga ha?


"Eh? Ulit?"


Tumango siya.


"Dun sa dati.." At inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko saka bumulong.. "May beer ulit ako sa compartment ng sasakyan ko."



Nanlaki ang mata ko, gusto kong matawa sakanya! Seriously? Kailangang ibulong? Hahaha!


"Sige na? Kei Marie?" Tanda niya ang pangalan ko, pero siya hindi ko matandaan..


"Wait, ano nga ulit pangalan mo?"


"Drake." Matipid na sagot niya, magsasalita pa sana ako pero hinila niya ang kamay ko papunta sa cashier! Pinagtitinginan kami ng mga estudyante, maging si Jasmin binigyan ako ng nakapagtatakang tingin.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!