Kabanata 2

250K 3.2K 108




Kabanata 2



MARIE'S P.O.V



Nakaupo kami nila Jasmin sa waiting area ng registrar office, kukuhanin nanamin yung T.O.R, yeah graduate na rin ako sa wakas. Tourism ang course ko, at gaya ng sabi ko nung una Nursing naman si Jasmin.



Naging magkaibigan kami ni Jas nung fourth year high school kami, dahil yun yung panahon na nililigawan ako ni Leo, oo high school palang ako nililigawan na niya ako, maraming nagkakagusto sakanya sa school namin at isa na ako don. Sinagot ko siya nung graduation namin nung high school hanggang tumagal na kami kahit na alam ko namang una palang lokohan lang ang gusto niya. Umasa ako na titigil siya sa pambababae niya dahil ako lang yung niligawan niya pero nagkamali ako.



"Nakausap ko si Le--" Hindi naituloy ni Jasmin ang sasabihin niya dahil biglang may humila ng buhok ko!!


Dammit!! Pakiramdam ko matatanggal ang anit ko sa pagwagayway niya sa buhok ko! Hinila ko ang kamay niya at itinulak ko siya sa tiyan niya!



"Ang kapal ng mukha mo!! Pati boyfriend ko inagaw mo?!! Inagaw mo nga noon si Leo pati ba naman si Justin?!!" Napakunot ang noo ko!



"Excuse me? Si Leo inagaw ko sayo?! Baka nagkakalimutan tayo, ikaw itong haliparot na lumalandi sakanya nung kami pa!!" Sigaw ko! Yeah, you heard me right! Isa siya sa mga babae ni Leo nung kami pa!


"Kahit na! Inagaw mo pa rin siya saakin! Tapos ngayon si Justin!" Sigaw niya at akmang sasampalin ako pero kaagad kong nahuli ang kamay niya at mahigpit kong hinawakan iyon!



"Ano ngayon? Siya ang may gusto hindi ako.. Bakit hindi mo tanungin yang si Justin, siya ang lumapit saakin.. Siya Jenny.. Siya ang humalik saakin, siya ang--"



"Shut up!!!" Halos mabasag na ang boses niya sa pag sigaw, oh well baliktad na ngayon, kung dati ako itong inaasar niya sa pang aagaw niya saakin kay Leo, ngayon naman ako na.. Tama naman siya, may nangyari saamin ni Justin, ginusto ko rin. Pero walang commitment, mahirap na baka masaktan lang ulit ako and this time, marunong na akong mag ingat.


Marahas niyang hinablot ang kamay niya sa pagkakahawak ko at padabog na umalis! Inayos ko ang buhok ko at tinignan ko ang mga estudyanteng nakatingin saakin.


"What? Tapos na ang palabas, masyado kayong sinuswerte, libre na nga ang live show mukhang gusto niyo pang magpa-autograph!!" Sigaw ko, lahat naman sila agad nag iwas ng tingin saakin, hinila ni Jasmin ang kamay ko.



"Btch! Ano 'to? Hindi ka naman ganyan dati ah? So, totoo ba ang mga naririnig ko? Na kung kani-kanino ka sumasama?!"


"Hindi kung kani-kanino Jas, pinipili ko. Kung papasa sila sa taste ko." Sabi ko saka nagsindi ng yosi, hinila niya saakin yon at itinapon.


"Ano ba Marie?"


"Ano ba Jasmin? Hindi ba ganun ka rin naman?!!" Sigaw ko.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!