"Oy, Ramos! Hanap ka ni Pastrana, mahiya ka daw sa ginagawa mo" nagulat nalang ako sa biglang pagtawag ni Vincent kay Ralph. Napatigil ang dalawa ni Paul sa ginagawa nila, "Ako? Nasaan?" nilapitan agad kami ni Ralph. Kasabay ng paglapit niya ay ang paghampas ni Paul sakanya sa ulo, "Gago! Niloloko ka, ang tigas ba naman ng katawan mo. Nasagwaan si Vincent" aniya.

"Di nga, hanap ako ni Angel?" seryosong tanong ni Ralph sa'kin, "Siguro? Kasabay ko siya pumasok. Nandoon sa room nila"

Wala pang isang segundo nawala na siya sa paningin ko. "Ganun ba talaga kapag in love? Kailangan ko na rin maghanap" wika ni Paul sabay balik sa pwesto kanina. Sinimulan niyang guluhin si Gio.

~

Binabasa ko 'yung speech na ginawa ni Gio. Nagpatulong daw siya sa mommy niya para dito. Nabanggit ang pangalan nina Ralph at ng iba pa niyang kaibigan. Bakit 'yung pangalan ko pa ang nawawala? Hindi nalang ako nagtanong. Sino nga naman ako para isama niya sa speech niya.

"Maganda. Ang galing mo naman sa English, eh. Good luck bukas" sabi ko nang maibalik ko sakanya 'yung papel.

Ang loko, hindi ako pinansin. Hawak niya ang cellphone niya at kanina pa siya nagtetext nang nagtetext nalang. Kung minsan nga may kausap pa siya. Talagang lumalayo siya sa tabi ko para lang kausapin 'yung tumawag. "Oy, Gio. Umamin ka nga, may babae ka ba?"

Nakakuha lang ako ng tingin sakanya. "Ganda ng biro mo. Kain nalang tayo" tumayo na siya ang nagsimulang maglakad palabas ng room.

Leche, iniwan ako dito. Ano ba ang problema niya sa'kin? Dinala ko 'yung speech niya. Hinabol ko pa talaga siya. "Saglit lang naman, biro lang talaga 'yon. Bati tayo. Ikaw kasi, 'di mo naman ako kinakausap. Kanina pa kita kasama pero 'di ka nagsasalita" ayan, sinabi ko na 'yung gusto kong sabihin.

Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. "Ang ganda mo" sabi niya, ganoon kasimple 'yon? Iyon lang ang sasabihin niya? Nagsimula na siyang maglakad.

"Hoy, Angelo, 'di mo 'ko makukuha sa mga pambobola mo na 'yan. Ano ngang problema mo?" hinawakan ko siya sa balikat para naman tingnan niya ako. Ang saklap ng nababalewala. "Wala" sagot niya. Inalis niya pa 'yung kamay ko sa balikat niya.

Dati rati hahawakan niya 'yan kahit saan pa kami pupunta. Ngayon, inalis pa niya. Leche. Ganito ba kapag gagraduate ng may honor? Tumigil ako sa paglalakad. Hindi ko siya sinundan, pinanuod ko lang ang likod niya na maglakad palayo sa'kin.

Naramdaman niya yata na wala ako sa tabi niya at hindi ko siya sinusundan. Hinarap niya ako. Kahit medyo malayo siya sa'kin tiningnan ko siya. Pinakita ko sakanya na naiinis ako. "Marami lang akong iniisip. Sorry kung nababalewala kita ngayon, kumain muna tayo. Mag-uusap tayo habang kumakain" hinawakan niya ang isang kamay ko. Handa na siyang maglakad ulit. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

"Leslie, 'wag ka naman magalit. Ngayon pa ba tayo mag-aaway?"

~

"Ma, wala pa nga ako sa stage umiiyak ka na" nilapitan ko si Mama para amuin. Kanina pa sa bahay siya umiiyak. "Kasi naman anak, hindi lang ako makapaniwala na makakapagtapos ka sa kolehiyo. Tapos sa isang araw iiwan mo na kami, mag-aasawa ka na. Sino bang magulang ang hindi iiyak"

"Ako? Ma naman, si kuya muna bago ako. Tsaka anong kasal? Mag tatrabaho muna ako, ma"

Ganyan ba talaga ang mga nanay kapag ang anak nila ay magtatapos? Hindi niya kailangan mag-alala. Walang magpapakasal ng maaga, pinangako ko sa sarili ko na magtatrabaho muna ako bago ang mag-asawa. Ang bata ko pa, 20 lamang ako. Nasaan ang hustisya kung mag-aasawa na agad ako?

"Ganun na rin ang mangyayari"

"Pa, pagsabihan niyo nga po si Mama. Advance mag-isip" ito namang Papa ko niyakap lang ako, "Anak, huwag mo muna akong bibigyan ng apo" sabi niya sa'kin.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now