Secretly Married is now published in print

Summit Media, PopFiction | English

Available in bookstores and newsstands nationwide

287 pages come with a free bookmark

195php

 _______

Bago pa nasabi ni Kent ang mga salitang iyon, bago niya masabi ang tanong na iyon, kinakain na siya ng kaba. Dahil baka sa pagsagot ni Phoebe, ang hindi niya naman inaasahan ang marinig niya.

“Phoebe…” ulit niya. Lalo kasi siyang kinakabahan sa pagtahimik nito. Lalong hindi niya mabasa ang nasa isip nito. “Mahal kita… Mahal mo pa rin naman ako diba?” Gusto niya itong yakapin ng mahigpit, pero nakatingin lang siya sa mukha nito. Naghihintay ng sagot.

“It’s crazy… That’s a crazy question…” sagot ni Phoebe habang iniiwasan ang mata niya.

“Sagutin mo lang!!” humigpit ang hawak niya kay Phoebe kahit pinipigilan niya. “Sasagot ka lang Phoebe! Sasagot ka lang!” para na siyang nagagalit, pero desperado na si Kent.

“Ayoko na kasi… Kent.” Mahinang sagot ni Phoebe.

Lalo siyang natakot sa sagot nito. Hindi siya makapagsalita.

“Loving me?” dugtong ni Phoebe “…and kissing other woman, maybe hindi nga lang yun ang nagagawa mo sa iba eh… Bakit ba ayaw mo pa makipaghiwalay? Gusto mo lang talaga ako kontrahin sa lahat? Am I not doing you a favor??”

“HINDI YAN TOTOO!!! Phoebe… galit ka lang… nasaktan ka lang… Don’t do this to me!!!”

“Oo galit ako! Nasaktan ako! At nasasaktan pa rin ako! Kung alam mo naman pala, tigilan na natin ito.” Sagot ni Phoebe.

“Hindi ako titigil! Kasi mahal kita. At alam ko mahal mo ako!!! You love me! Alam ko yun!! Hwag na nating pahirapan sarili natin! Phoebe naman! Kahit ngayon ang hwag ka ng stubborn!” di alam ni Kent kung anon a ang sasabihin, kaya kung ano-ano na lang ang lumabas sa bibig niya. Kahit alam niyang hindi ganoon kadali yun. Kahit alam niyang mas komplikado pa ang lahat kumpara sa mga salita lamang.

“You think you’re always right? Akala mo alam mo na lahat ng nararamdaman ko? Kent hindi! Minsan mali ka!”

Nasaktan siya sa sinabi nito. Pero hindi siya babagsak. Ayaw ni Kent na sumuko. Hindi pwede, hindi ngayon.

“Kaya nga sagutin mo ako eh… Phoebe! Mahal mo pa ba ako?” ipinagdiinan niya ang bawat salita. Kasi para sa kanya, eto na ang verdict. A matter of life and death.

Tinignan niya ito. Ayaw niyang kumurap. Kahit napakasimple ng tanong niya, eto na yata ang pinakamahirap na salita na nasambit niya. Yung tipong isang sagot lang ang gusto niyang marinig.

“Mahal ko yung bata…” nagulat siya sa sagot nito. Pero nakikita niya yung sakit sa mata ni Phoebe. Alam niyang mahirap yun makalimutan, at alam niyang ayaw din kalimutan ng asawa niya na nagkaroon ng bata sa tyan nito.

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!