Chapter 17

//

ALISHA'S POV

" Aray! " sabi ko pagkatapos na pagkatapos kong mapaupo sa sahig dahil sa impact.

Napatingala naman ako sa lalaking nabangga ko.

" So-sorry." sabi ko sabay hinawakan ko ang aking ulo. Ang sakit kasi nung pagkakauntog ko sa dibdib niya. Kaya nga ako napa-aray. 

"  Miss, okey ka lang ba? " tanong niya

" Ha? Ahh! Oo, o-okey naman ako. " sabi ko sa kaniya. Nakitang kong iniabot niya sakin yung kamay niya at tinulungan akong tumayo.

" Sorry din ha. Di kasi ako natingin sa dinadaanan ko. " sabi naman niya sa akin.

" Hi-hindi. Ako yung may kasalanan. " sabay nginitian ko siya.

" Ako nga pala si Ashton Sanchez. " sabay iniabot niya yung kamay niya. I think gusto niya makipagshake hands.

" Ako naman si Alisha. Alisha Garcia. " tapos inabot ko na ang kamay niya at nakipagshake hands na sa kaniya.

Biglang napatingin ako sa mukha niya. Agad ko naman inalis ang tingin ko sa kaniya dahil inabutan niya ako ng isang matamis na ngiti. Isang ngiti na makakapagpahina ng mga tuhod ng isang babae. Syempre, babae ako at hindi lalaki kaya ako kinikilig ngayon. Inaamin ko, gwapo kasi siya. As in gwapo talaga. 

" Alam mo ba kung saan yung room ng IV-C? " tanong ni Ashton saken.

" Yup! Classroom ko kaya 'yun. " sagot ko naman sa kaniya.

" Pwede bang samahan mo ako papunta dun, Alisha? " tanong niya.

" Si-sige. " pagkasabing pagkasabi niya nun ay bigla niya akong inakbayan. Sa sobrang kilig ko, hindi ko na ito pinansin o tinanggal man lang. Nanghihina talaga ako sa kagwapuhan niya. Erase erase. Si Daniel lang dapat ang gwapo sa paningin ko. 

Naglakad na kami papunta sa room. Nang makarating kami, agad kaming pumasok. Pati si Ashton pumasok din sa loob ng room. Tumayo lang siya sa harapan na ikinigulat ko pero hindi ko na lang ito pinansin at nagdirediretso na lang ako sa upuan ko para maupo.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang magsalita si Ashton sa harapan, " Good morning class. I'm your new english teacher. Call me Sir Ashton." 

Ano daw? Class? Ha? Wait, tama ba talaga yung nainig ko? Pakiulit nga.

" Teacher ka namin?! " napasigaw ako sa gulat.

" Mukha ba kong nakikipaglokohan? " sabi niya sakin. Sabi ko nga! Hindi siya nakikipaglokohan. Di ko naman alam eh.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!