Kabanata 1

332K 4K 279
  • Dedicated kay VirusBabes! Iloveyou Babes! ;)




Kabanata 1


MARIE'S P.O.V


Tinawagan ko si Leo at sinabi kong mag usap kami ng maayos. Hindi pa rin alam ni Mama ang kalagayan ko ngayon, ayokong sabihin dahil gusto ko kapag nalaman niya kasama ko si Leo.


Pinapapunta niya ako ngayon sa apartment niya at doon daw kami mag usap. Pero laking gulat ko ng makita kong nandun ang ibang barkada niya, masaya silang nag iinuman don.



"Leo.." Tawag ko sakanya.

"H'wag kang mag alala! Tara.." Anyaya niya saakin at hinila ang kamay ko papunta sa kusina.


"Ikukuha lang kita ng juice.." Paalam niya bago siya tumalikod saakin.


Pagkabalik na pagkabalik niya kaagad niyang inabot saakin yung juice. Iinumin ko na sana pero parang amoy alak.


"Ininuman ko kanina yan ng alak, pasensya na nakalimutan kong hugasan." Walang ganang sabi niya, tumango nalang ako dahil napansin kong medyo may tama na siya ng alak at panay pa ang yosi niya.



"Yung..tungkol--"


"Ubusin mo muna yan, mag usap tayo pagkatapos niyan." Aniya! Kung yun lang ang paraan para magkausap kami ng maayos gagawin ko! Tinungga ko yung juice at dun ko lang nakumpirma na may halong alak yon, pero hindi ko na binigyang pansin iyon.


"Now, mag usap tayo."


Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya..


"Leo.."


Mariin niyang ipinikit ang mata niya bago ulit tignan ang mga mata ko.


"Alam mong hindi pwede Marie.. Hindi pa pwede, magiging okay lang tayo kapag ipinalaglag mo yang bata." Hindi ako makapaniwala na sakanya ko ngayon naririnig ang mga salita na yan, pakiramdam ko sinusunog ako sa mga sinasabi niya.



"How dare you! Leo dugo mo rin 'to!! Paano mo nagagawang sabihin ang mga yan?!!" Sigaw ko sakanya, halos magwala ang puso ko ng makita ko ang galit sa mga mata niya.



"Putangina kasi bakit hindi ka nag iingat?!!" Sigaw niya saakin!! Sinampal ko siya!!

"Ang kapal ng mukha mo!! Tayong dalawa ang gumawa nito!!"


Nag unahan nanamang tumulo ang luha ko at kasabay pa non ang pagsikip ng dibdib ko! Nginitian niya ako, isang ngiting nakakatakot.


"Wala ka ng magagawa Marie, dahil sa ayaw at sa gusto mo mawawala na yang bata na yan sa tiyan mo." Matigas na sabi niya at saka hinila niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang balat ng gamot! Halos manlaki ang mata ko dahil sa ibinigay niya.



"Masarap naman yung juice hindi ba?" Nakangiting sabi niya, kahit hindi ko itanong kung ano yung gamot na yon alam ko na kung ano yun dahil sa ngiti niya..

"Demonyo ka!!!" Sigaw ko sakanya at magkakasunod na sampal ang ibinigay ko sakanya!!



"Hayop ka Leo!!" Pilit niyang hinuhuli ang kamay ko pero magkakasunod na sampal pa rin ang ibinigay ko sakanya!! Pero halos mayanig ang mundo ko ng maramdaman ko ang kamao niya na malakas na dumapo sa tiyan ko! Halos mamilipit ako sa sakit! Hindi pa siya nakuntento, dalawang magkasunod na suntok pa ang natanggap ko mula sakanya! Pakiramdam ko mamamatay ako sa sobrang sakit... Kasabay non ang pag agos ng dugo sa binti ko..



"No...my baby.. Hayop ka Leo!!"



"Dude! What happened?!! Ang daming dugo!!"

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!