Second Shot: Highschool Years

24.7K 1K 345
                                    

Second Shot: Highschool Years

          Highschool. Nilipat ako ng school ng Mama ko na malayo sa bahay namin. Malayo sa dati kong school. Malayo sa kanya.

          RHS. Isa sa pinakamalaking highschool sa Pilipinas. Bagong environment, bagong makikilala, bagong adventure. Bagong lugar na wala sya.

          Kahit na ilang buwan na din ang nakakalipas mula ng lumipat ako sa school ko na 'to bilang isang highschool student, kapag gumabi na, naalala ko na naman yung mga pangyayaring nagpaiyak sa akin. Lalo na nung Graduation Day namin.

          Ang sabi nya, bukas daw magkita ulit kami sa tapat ng school saka nya ako bibigyan ng re-printed na pictures nya. Pero hindi ako pumunta.

          Bakit pa? Para ano? Para makita ko na naman sya? Tapos masasaktan na naman ako kasi maalala ko na lilipat na ako ng school at di na kami ulit magkikita?

          Hindi ko pala nasabi sa kanya na lilipat ako ng school. Ang buong akala nya sa SOH pa din ako mag-aaral. Sabi pa nga nya dati na sana daw maging magkaklase kami.

          Pero, heto ako ngayon, nasa isang public highschool, at sinusubukang kalimutan sya at baguhin ang sarili ko.

          Masaya naman ako sa bago kong school. Nakakilala ako ng mga bago kong kaibigan. At sila rin ang naging dahilan para magbago ako.

          Dati, wala kong pakialam sa sarili ko. Ni hindi ako marunong mag-ayos o kahit magpulbo man lang. Wala akong pakialam sa magiging itsura ko kapag papasok sa school. Basta malinis at nakaplantsa ang damit ko, okay na. Hindi ako kagaya ng ibang classmate ko na babae na nacoconcious na sa sarili nilang itsura. Yuing mga nagpapaganda para lang mapansin sila ng mga crush nila. Bakit pa ako mag-aayos eh ang pangit ko? Wala namang magbabago kung mag-ayos ako eh! Yun ang lagi kong dahilan sa sarili ko.

          Hindi ako ganoon...dati. Kaya siguro hindi ako napapansin ni Opeda noon kasi para nga akong hindi babae. Ni di nga ako nagsusuklay ng buhok ko. Di marunong mag-ipit. Parang di babae.

          Kahit nga noong lumipat na ako sa RHS wala pa ding nagbago sa akin. Maliban na lang sa marunong na akong magsuklay at mag-ipit ng buhok. Pero ng makilala ko si Chrezel, naging best friend ko noong nasa RHS pa lang ako, tinuruan nga ako paano mag-ayos sa sarili. Kung paano magpaganda.

          Tinuruan nya ako paano maglagay ng eye liner para daw ma-emphasize ang mata ko. For the first time may pumuri sa mata ko. Wala ng tumawag sa akin na malaki mata noong nasa highschool ako. Pinuri ni Chrezel ang mata ko kasi ang ganda daw, kulay brown.

          Binago ni Chrezel yung tingin ko sa sarili ko. Kahit papaano, nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko. Na hindi naman talaga ako pangit gaya na lang ng inaasar sa akin ng mga clasmate ko noong elementary. Na kulang lang ako sa ayos at tiwala sa sarili ko.

          Oo, madami pa din akong peklat sa paa ko. Noong lumipat kasi kami sa lugar namin ngayon, nagkanda sugat-sugat ako. Dala na rin ng pagkabata na mahilig sa laro. Pero sabi ni Chrezel, mawawala din daw yun. Na maaalis yun. Kaya mas lalo akong nagkaroon ng pag-asa na may igaganda pa ako. Na magiging babae din ako balang araw. Na mayroon din magkakagusto sa akin.

          Mula noon, nagkaroon na ako ng mga matatawag kong kaibigan at hindi classmate lang. Kaibigan na lagi kong nakakasama, mga nakakaramay ko at nasasabihan ng problema. Mga kaibigan na kasama ko sa tawanan at trip sa buhay. Mga taong hindi ako iniwan kahit na nagkaroon na sila ng boyfriend.

          Doon ko unang naramdaman na may nagmahal sa akin. Na may nag-aalala para sa akin. Na may mga kaibigan ako na pinapahalagahan ako.

4663293Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon