Chapter 1 -

2.1K 61 3
                                    

"Kenzo Kimura!"
Sigaw ng mga fans.

Di magkamaliw sa tilian at hiyawan ang mga tao nang lumabas ito sa stage ng Big Dome sa Tokyo kung saan nagaganap ang kanyang big concert.

KENZO KIMURA! Patuloy na pagsambit ng mga fans at ang iba ay naluluha pa sa sobrang paghanga dahil sa kanyang kakaibang karisma at kakisigan. Habang nagpeperform, nararamdaman ni Kenzo ang tensyon na nagaganap sa loob ng dome, nanunuot sa kanyang tenga ang tilian at hiyawan ng mga tao. Halos masilaw sa mga nagkikislapang mga ilaw mula sa camera at mga spotlight na nakatututok sa kanya.

...

At bigla na lamang...

"Alex, buksan mo ang pinto!" Wika ng kumakatok sa labas ng pintuan sa kanyang silid.
At doon ay nauntol ang kanyang imahinasyon.

Pinagmamasdan niya ng mga sandaling iyon ang kanyang sarili sa salamin habang ginugunita ang kanyang nakaraan.

Lumingon sya sa pinto na patuloy ang pagkatok.

Nilapitan nya ang pinto at ito'y kanyang binuksan.

"Alex? Bakit naka lock ang pintuan sa ating silid?" Nagtatakang tanong ni Gisele. Hindi agad makakibo si Alex.
Pagpasok ni Gisele ay may nakita siyang magazine na nakalapag sa ibabaw ng tukador.
Kinuha niya ang magazine at kanyang tiningnan.
"Magazine sa Japan ito ah? Pero luma na, saan mo naman nakuha ito? Ngayon ko lang nakita ito?" Nagtatakang tanong ni Gisele habang binubuklat ang lumang magazine.

"Ah, dala ko pa yan nung umuwi ako galing Japan, naitago pala ni mama yan e, nakita ko sa kwarto nya kanina," sagot ni Alex.
Tiningnan ni Gisele ang cover.
"Kenzo Kimura? Sya yung nakadisplay sa harapan ng perfume shop namin, brand ito ng isang pabango, hmm," wika ni Gisele. "Oo, alam ko," sagot ni Alex. "Pero sayang, diba patay na to? Pero, mabenta pa din ang mga pabango nya hanggang ngayon, at nagtataka ako, sya pa rin ang naka display sa lahat ng branches namin, kahit nga daw sa ibang bansa eh," sabi ni Gisele at umupo ito sa gilid ng kama at kanyang tiningnan ang mga pahina ng magazine at kanyang binasa.

"Puro hapon ang nakasulat, di ko maintindihan, pero parang kontrobersyal ang mga nilalaman nito, pero luma na ang balita na to," wika ni Giselle.

Nilipat ni Giselle sa sumunod na pahina ang magazine at nakita niya ang larawan ng dalawang magagandang babae.

"Siguro isa sa mga babaeng ito ang girlfriend nya no?" Tinuro ni Gisele ang picture ng dalawang babaeng nasa magazine na nakasaad ang kanilang mga pangalan na sina Rie Natsuki at Takako Shimada. "Sino kaya sa kanila ang girlfriend ni Kenzo Kimura?" Tanong ni Gisele.

"Pareho naging kasintahan ni Kimura ang mga nasa picture na yan," sagot ni Alex.

"Talaga? Sino sa dalawang babaeng ito ang tunay na minahal ni Kenzo Kimura?" Tanong ni Giselle. Huminga ng malalim si Alex at sinagot nya ito.

"Minahal nya sila pareho, pero merong isang mas nakakahigit kesa sa kanila,"
sagot ni Alex at bahagyang napangiti sya na tila may magandang naa-alala.

"Sino?"

"Yung long lost love niya," nakangiti na sabi ni Alex.

Napakunot ng noo si Giselle, napansin nya na tila nagniningning ang mga mata ni Alex nang kanya itong sinabi

"Teka nga muna? Bakit alam mo?"

"Marunong ako magbasa at magsalita ng hapon, yan ang nilalaman ng article sa magazine na yan tungkol sa Kimura na yan, kaya alam ko," sagot ni Alex.

"Oo nga pala, pero bakit dala mo ang magazine na to hanggang dito?"

Hindi nakakibo si Alex.

"Pati yata ikaw na o obsessed sa Kenzo Kimura na to? Mas daig mo pa mga kaibigan kong mga nasa Japan, madalas nila ikwento sa akin ang tungkol sa Kenzo Kimura na yan sa tuwing umuuwi sila dito para magbakasyon,"

"Sikat sa Japan yang taong yan, kaya kahit ako na walang hilig sa showbiz, alam ko storya nya," sagot ni Alex.

"Kungsabagay tama ka, yung mga kaibigan ko nga, sa tuwing nagkikita kami, lagi nila itong binabanggit,"

"Hindi ka ba naiinis sa kanila, paulit ulit na lang?" Ngisi ni Alex.
"Bakit ako maiinis, sobrang interesado rin ako, ewan ko ba kung bakit,"
Maya-maya ay bumuwelo si Alex at tumingin ng malalim kay Giselle.
"May gusto akong sabihin sayo,"
"Ano naman ang nais mo sabihin?"
Nagbugtong hininga si Alex at nilakasan ang kanyang loob at kanyang sinabi.

"Ako si Kenzo Kimura!"

............

The Heart (throb) of Tokyo (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon