Chapter 53 - Sarmiento Women 2

78.4K 1.5K 93
                                    

Caleb swallowed the lump in his throat. Seeing Jenna's eyes flare-up with anger, hindi mapigilan ang sariling kabahan. Idagdag pa ang nagbabagang tingin ng tita nitong si Thea, pinsang si Aphrodite at hipag na si Harmony. Para silang mga batang luminya pahalang.

These women, can make your knees shiver in one glance.

Nagpalitan sila ng makahulugang tingin ni Dwayne. "Welcome to the club, bro."

"You two, stay where you are. Akala niyo makakalusot kayo?" Nabitin ang mga hakbang ng nila Thor at Quen at itinulos sa kinatatayuan na pasimple sanang tatakas sa galit na boses ng tiyahing si Althea.

.

Natawa sa isip si Caleb, kahit gaano pala kagaling at katapang ang mga lalake, pagdating kay tita Thea ay tiklop ang mga ito.

"Sino ang pasimuno nito?" Isa-isa silang tinignan ni tita Thea, ngunit nanatili silang tahimik. "Sagot!" Napakislot sila sa taas ng tono ng ginang.

Si Jenna, Ap at Harmony naman ay prenteng umupo sa harap nila. Ini-enjoy ang pagi-interrogate sa kanila ni tita Thea.

"Hindi kayo magsasalita?" Thea.

Nanginig ang tuhod ni Caleb sa boses ng ginang. Parang nagbabadya ng panganib. Akala niya siya lang ang nakaramdam ngunit pagbaling niya sa mga lalake ay kulay papel na ang mukha ng mga ito.

Sa takot kay tita Thea, parang iisa ang isip nila Caleb, Thor, Zeus, Quen, at Dwayne na tumaas ang kanilang hintuturo at itinuro si Zion sa kabila ng babala sa mga mata nito. Mas nakakatakot pa si Tita Thea kaysa dito.

"What? anong ako?" Nanlalaki ang mga matang tanggi ni tito Zion.

"Pa, sabi mo kanina ikaw bahala." Nilaglag ni Zeus ang ama.

Namumutlang tumingin si Zion sa misis na si Thea. "Love, si Thor ang namili ng lugar na ito." Paliwanag niya.

Umismid si Thea, "Umuwi na tayo, bago ko pa mabasag ang pagmumukha mo sa harap ng mga bata." Galit na nagpatiuna siya sa paglalakad.

Parang maamong tupa namang sumunod si Zion. Saglit itong lumingon at tinapunan sila ng ngbabantang tingin na nagsasabing, "lagot kayo sa akin mamaya."

Bumalik sa pagiging maamo ang mukha ni Zion ng lumingon si Thea. "Umuwi kayong lahat ngayon sa mansion, pati ikaw Caleb, maliwanag?"

Sabay silang tumango lahat, napalunok si Caleb, mas nakakatakot pa si tita Thea kaysa sa mga tigre at leon.

Tumayo si Aphrodite at sinenyasan nito si Dwayne. Bantulot naman sumunod si Dwayne sa asawa.

Ngunit bago tuluyang umalis ay binalikan ni Ap ang babaeng kumakandong kay Dwayne kanina. Inilihis niya ang suot na dress at ipinakita ang baril na nakalagay sa holster sa kanyang hita. "Kung mahal mo pa buhay mo, piliin mong lalandiin mo, maliwanag?" Mariin ngunit nakangising sabi ni Ap sa babae.

Nawalan ng kulay bibig ng babae at namumutlang naglakad paalis. Nakataas ang dulo ng labing sumunod si Ap sa ama at ina.

"Zeus Sarmiento, let's go! Marami ka pang ipapaliwanag." Tinaasan ni Harmony ng kilay ang asawa bago talikuran. Maagap namang sinundan ni Zeus ang galit na asawa. Hahawakan sana ni Zeus ang misis ng samaan siya nito ng tingin. Wala siyang nagawa kundi mapakamot na lang sa batok.

Si Thor at Quen naman ay bantulot na sumunod sa mag-asawa.

Napapaitlag si Caleb ng magsalita si Jenna.

"Ano pang itinatayo-tayo mo diyan?" Nakapamaywang at salubong ang kilay na sita ni Jenna sa kanya.

"Ba—by," hindi alam ni Caleb kung paano magpapaliwanag sa kasintahan.

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon