"Manong kasama mo ba si Caleb? Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko." Bungad ni Jenna kay manong Randy ng sagutin nito ang tawag niya.
"Hindi ko kasama ma'am, sinundo po dito ng kapatid niyo kanina."
Kumunot ang noo ni Jenna, "Ha? Si, kuya Thor po ba?" Napangiwi si Jenna pagkatapos ma-realize ang sinabi. Ang kuya Thor niya dahil ito lang naman ang kapatid niya.
"Oo, ma'am."
"Sige po manong, salamat." Hindi na siya nakapag-paalam sa matanda. Pinutol na agad niya ang linya.
Napataas ang kilay ni Jenna, saan naman kaya nagpunta ang mga ito? Sinubukan niyang kontakin ang kapatid. Ngunit nakailang-dial na siya ng hindi parin ito sumasagot. She tried to access his tracker pero nakapatay din ito.
"Hala lagot na,baka isi-nalvage na ng kapatid niya si Caleb." Napangiwi si Jenna sa naisip. Siguradong mababatukan siya ng kapatid kapag nalaman nito na ganun kabrutal ang iniisip niya patungkol dito.
Tatlong buwan na din, mula ng maging legal sila ni Caleb. Natatawa pa siya hanggang ngayon kapag bumabalik sa alaala niya kung paano ito pagpawisan at mamutla ng una itong tumapak sa kanilang mansion.
She's grateful dahil na tinanggap ng pamilya niya si Caleb. Hindi ito pinahirapan katulad ng ginawa ng mga ito sa bayaw niyang si Dwayne.
Hindi nga ba? Ngayon ay parang gusto na niyang magduda.
Bakit sinundo ng kuya Thor niya si Caleb?
"Aaaahhh," ginulo ni Jenna ang buhok, sumasakit ang ulo niya kung anong dahilan ng kuya niya.
***
"Not bad Venganzo, gumagaling ka na." Nakahalukipkip na wika ni Thor, habang pinagmamasdan ang na-bulls eye niyang target.
Nasa shooting range sila ngayon, kasama ang kapamilya ni Jenna. Tito Zion, Thor, Zeus, Quen at Dwayne.
Napangiti si Caleb, nagbunga din ang dalawang buwan niyang training. Lingid sa kaalaman ni Jenna kapag may libreng oras siya ay sumasailalim siya sa pagsasanay.
Nahirapan siya noong una, halos magkalasog-lasog ang katawan niya sa pakikipag-sparing kay Zeus. Quen trained him about gadgets. Shooting? Sino pa ba kundi ang bayaw niyang si Thor.
Nakatanggap na din siya ng small mission galing kay Tito Zion kasama niya si Dwayne to guide him.
Sarmiento men gained his respect, including Dwayne. Mababangis lang sila sa una dahil pinoprotektahan nila ang kanilang pamilya. I judged their job before but now I'm loving it.
He felt like he was destined to be a part of their family. Kapag natapos ang term niya sa Sta. Monica ay mag-aapply na siya sa Olympus.
"Congrats Caleb, let's call for a celebration!" Sigaw ni Tito Zion.
"Pass!" Mag kasabay na saad ng magbayaw na Zeus at Dwayne.
"Tsk!" Naiiling na saad ni Quen. Sa kanilang lahat ito ang pinaka seryoso at tipid magsalita.
"Walang pass, pass." suway ni Tito Zion sa dalawa.
"Pa, baka magalit ang asawa ko." Zeus.
Nagkamot ng batok si Dwayne, "Kilala mo naman si Ap, pa." Dwayne.
Masamang tingin lang ang isinagot ni Zion sa mga ito.
Caleb chuckled; these men are awesome. Mukhang mga takusa.
"Venganzo, Ikaw ang manlilibre." Baling sa kanya ni Thor.
Tumango siya, kinuha niya ang cellphone sa bulsa at akmang tatawagan si Jenna ng biglang may humablot dito. "It's men night out, walang magpapaalam para fair." Ani Zeus sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Hottie Mayor
RomanceJenna Storm Sarmiento thought her mission will be boring. Bantayan ang isang super hot na mayor Ng hindi nito nalalaman. With his looks and power, madaming nagtatangkang pumikot sa alkalde ng Sta. Monica. Kaya nagdesisyon ang ina nitong lumapit sa...