Chapter 16

//

ALISHA'S POV

Biglang nagbell kaya naman agad na nagtakbuhan at nagmamadaling magpunta sa classroom nila yung mga estudyante. Naglakad na din ako para makarating sa classroom, siguradong pagnahuli ako ay maliliktikan ako sa teacher namin.

Habang naglalakad ay biglang may tumawag ng pangalan ko. " Alisha! “ sigaw ng isang lalaki. Kaya naman napalingon ako sa taong sumisigaw ng pangalan ko. Si Daniel lang pala. Natakbo siya papalapit sa akin 

Tumigil muna ako sa paglalakad ko. " Ba-bakit? " tanong ko.

 

Nangmakalapit na siya sa akin ay tumigil siya sa pagtakbo. At sinabing, “ Hatid na kita. “

 

“ Wa-wag na Bhess. “ sagot ko naman. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko siya layuan. Diba nga, hindi niya ako kayang mahalin.  

 

“ Please Alisha. Kahit ngayon lang. Never pa nga kita nahahatid sa classroom mo eh. “ sabi niya habang hinihingak hingal pa dahil sa pagtakbo niya. 

“ O-okey.. “ hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yan. All I know is, I can’t resist him. Hindi ko kaya na humindi sa kaniya lalo na pag alam kong gusting gusto niya.

Hahayaan ko na lang ‘yung asungot na nanay ni Daniel. Bahala siyang gumawa ng paraan para paghiwalayin kami. Dahil lang sa kaniya, hindi na ako pwede mahalin ni Bhess? Diba napaka unfair naman nun. Hindi ba niya alam na dalawa kaming nahihirapan ni Daniel sa gusto niya mangyari. 

Nagsimula na kaming maglakad ni Daniel. I was surprised nung hinawakan niya yung kamay ko. Parang nanlabot kung mga tuhod ko. Parang hindi ko na kayang maglakad dahil sa sobrang kaba.  

 

“ Oh? “ sabay tingin niya sa kamay namin na maghawak. 

 

“ Alisha, ang lambot pala ng kamay mo. Alam mo, mamimiss ko ‘toh. “ biglang napakunot ang nook o sa sinabi niya. Bakit niya sinabi na mamimiss niya yung malambot kong kamay? Anong meron? 

" Mamimiss mo? Bakit? Aalis ka ba? “ agad kong tanong sa kaniya.

Inalis niya yung pagkakatingin niya sa kamay ko at tumingin sa malayo. Hindi niya sinagot ‘yung tanong ko. Hindi siya umiimik.

“ Bhess, answer me. “ parang may tinik na tumutusok sa puso ko ngayon habang hinihintay ang pagbukas ng bibigay niya at marinig ang isasagot niya.

 

“ Hi-hindi noh. Hindi kita kayang iwan. “  

“ Bu-buti naman. “ agad naman nawala yung nararamdaman kong sakit sa bandang dibdib ko. Agad nawala yung kaba.

 

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!