Day 1824 : His

6.1K 314 32

His 
-----

Excited akong bumaba sa kotse nang makarating ako sa Huntington. I've only been here once as part of a visiting trip for my Masteral and as far as I know, as soon as libre na si Ash ay magpupunta kami rito. I didn't know that I could visit today. 

Huntington Library, Art Collections and Botanical Gardens is actually a collections-based research and educational institution. It's 120 acres of land for libraries, gardens, function rooms and facilities. Ilang pelikula na ang nai-shooting doon.

Nag-message ako kay Ash para ipaalam na nandoon na ako at para itanong kung saan ako eksakto pupunta. Ang sabi naman niya, may instructions daw sa loob ng folder na dala ko.

I opened the folder and looked at the contents. Kasama ng ibang papel ay may mapa ng Huntington grounds at invitation sa Conference niya. Ayon sa invitation, sa Japanese House Patio sa Japanese Garden ang venue nila. For directions, it was stated that I have to pass by Shakespeare Garden and Rose Garden.

I find it a little weird na naiwan ni Ash 'yung folder niya. Ang laki-laki na ng bitbit niyang convention bag kanina e. At hindi naman siya makalilimutin. 

Inayos ko 'yung suot kong rose-colored soft dress at tinahak ang sementadong walkway papunta sa Shakespeare Garden.

Hindi ako makapagmadali dahil sa dami ng bulaklak na nakikita ko bago pa man makarating sa mismong hardin na may tema ng manunulat. I was looking at an arc of flowers when a girl blocked my path. 

"Excuse me. You are Helga Lastimosa, right?" tanong ng babae.

She looked Korean. Singkit, mahaba ang straight na buhok at may suot na lab coat. 

"Uh... Yes."

"This is for you from Doctor Millari," sabi niya at inabutan ako ng isang stalk ng Ranunculus. Tapos, nagpaalam na siya.

I was left dumbfounded on the cemented walkway. May card kasing nakasabit sa bulaklak na may sulat-kamay ni Ash. The card says "WILL". 

Bumilis ang tibok ng puso ko sa ideyang naiisip ko. He and Marcus left yesterday to go somewhere. Magkaiba sila ng initial na nasabi sa amin ni bestie kung saan talaga sila nagpunta. Tapos pagbalik nila, makahulugan ang mga tinginan nila. Natiyempuhan ko rin sila kagabi na nag-uusap nang seryoso sa balcony ng pad ni Marcus, tapos nang dumating ako, halatadong nagbago 'yung topic.

Today, Ash left something even though he was not usually forgetful. Ipinapadala niya sa 'kin dito kasama ng invitation ng lunch.  But then, this flower...

Am I getting ahead of myself? Or is he really... proposing?

Kabado akong naglakad sa Shakespeare Garden. Panay ang plantsa ko ng dress ko gamit ang palad ko. Sandali lang akong nakakalma ng mga bulaklak na nakikita ko sa hardin na may display din ng verses mula sa mga plays na isinulat William Shakespeare. 

Sa gitna ng paglalakad ko, namataan ko ang isa sa mga colleagues na lalaki na ipinakilala sa 'kin ni Ash. 

"A camellia for you," he said and winked at me. 

Nagpasalamat ako nang halos pabulong. Hindi ko na napansin nang umalis 'yung nagbigay ng bulaklak dahil sa pagmamadali kong basahin ang nasa card. 

The card says, "YOU".

Will you...

Oh my gosh! Tama yata talaga ang hinala ko!

Binilisan ko ang bagtas sa Shakespeare Garden papunta naman sa Rose Garden. There should be another flower for that important word, right? Sa walkway patungo sa Rose Garden ay may nag-abot sa 'kin ng white lily.

Goodbye Girl : Days To Forget (Day Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon